Chapter Thirteen
*******************(Levy's POV)
Anong pinagsasabi ng lalaking ito? Bakit ang lungkot ng mga mata niya pero yung mukha nakaface palm. Nakakahanga talaga ah. Ang galing niya sa ganyan.
"Bakit?" Di siguradong tanong ko sa kanya.
Saglit na binaling niya ang tingin niya sa akin kalaunan binalik sa daan...
"Manhid ka ba?" Nagtaka naman ako sa sagot niya at medyo nainis na din. Sa tingin ko ako yung pinaglaruan niya eh.
Paano ako naging manhid? Nakakaramdam kaya ako duh! Loko lokong adik! Bwesit talaga siya! Siya kaya yung manhid! Di niya nararamdaman na naiinis ako! At ayaw ko sa kanya!
"Manhid ka nga" bulong niya pero rinig ko naman.
"Paano mo naman nasabi ha?!" Inis ko siyang tinignan at hinampas ang balikat niya. Kapag talaga kasama ko siya kumukulo talaga ang dugo ko sa inis. Yung feeling na gusto mo na siyang sakalin dahil sa sobrang inis?!
"Paano ko ba nasabi? Hmmm--- hindi mo alam na nasasaktan ako sa pinaggagawa mo" malumanay na sabi niya.
'Nasasaktan? Sinaktan ko siya?' napatigil naman ako sa paghampas sa kaniya at nahihiyang tignan siya. Takte! 'nahihiya ba ako?!' as in totoo na ba ito?! Nakaramdam ako ng pagkahiya?!
"Ang manhid mo. Hindi mo ramdam yung totoong nararamdaman ko sayo" pagsasalita niya kasabay na ang pagtigil ng sasakyan. Hindi ko na siya nasagot dahil nauna na siyang bumaba.
Bakit nasasaktan ako? Nalungkot ako bigla. Hindi ko ba talaga ramdam ang totoong nararamdaman niya? Ako si Levy at alam ko hindi ako manhid. Hindi ako manhid! Alam ko ang nararamdaman niya. Mabilis na bumaba ako tapos ay nilapitan si adik.
"Alam ko ang nararamdaman mo!" Matapos ko sabihin yun. Bumibilis ang tibok ng puso ko. Nagkatitigan naman kami at tila may hinahanap pa sa akin si adik. Iba kasi ang titig eh.
Nagulat ako nang yumuko na naman siya at mabilis na hinalikan ako. Napaatras naman ako.
"Ramdam mo?" Tumango naman ako bilang sagot.
Pagkatapos nun ay humakbang siya palapit sa akin kaya napaangat ang tingin ko sa kanya habang siya ay nakayuko.
"Can you be mine?" Wika niya at hinawakan ang pisngi ko.
What?! Wala sa expectation ko yun! Takte ano bang nasaisip niya? Syempre---
"No!" Mabilis na sagot ko.
Bakit naman yun ang naitanong niya? Hindi pwede at saka hindi ko siya gusto!
"Do you really understand my question?" Kumunot naman ang noo ko sa tanong niya.
Ano bang trip ng lalaking ito? Anong akala niya sa akin?! Di ko gets yung can you be mine na yan?!
"Yes! Hindi naman ako bobo para d ko magets yung tanong na yun" nakakainis na ah.
Akala ko talaga magiging ok ang usapan namin pero hanggang akala lang pala.
"Then, pakiulit nga yung tanong na yun" sambit ng adik. Inirapan ko muna siya bago kumuha ng maraming hangin.
"Can you be mine? Duh ano bang trip mo para i---" natigilan ako sa pagsasalita ng itinaas niya ang isang-- wait recorder ba yun?
"Sure. Im all yours" nakangisi niyang sagot at iniwan ako ditong nakanganga.
Shoot! Naisahan ako! Wahhh bat ngayon ko pa nagets yung pinagsasabi niya kanina? Nakalimutan ko trip pala ako ng lalaking ito.
(Adik's POV)
Matapos ang taong paghahanap, nakita ko na din ang babaeng gusto kong makita. Alam ko destiny kaming dalawa dahil dalawang beses na kami pinagtagpo ng tadhana. Hindi ko masasabing stalker ako pero ginawa ko ang lahat upang magkita ulit kami at makilala siya. Alam ko hindi pa maalala ni Levy ang una naming pagkikita dahil bata palang kami noon.
Transferee ako nun. At dahil dun ako ang pinagkatutuwaan ng mga kapwa ko mag-aaral. Mahina akong bata kaya ang ginawa ko lamang nun ay umiyak at pabayaan silang bugbugin ko. Uuwing sugatan at paggalitan ni mommy. Kahit na mamatay tao ang pamilya ko natatakot din ako na maging tulad sa kanila. And then one day, habang papauwi ako ay sinalubong na naman ako ng kaklase ko. At tulad ng dati umiiyak pa rin ako at di magawang lumaban. Hindi ko inaasahan na may magtatanggol sa akin. Binatukan pa nga niya ako dahil bakit daw di ako lumaban. Mukha siyang ina ko sa pinaggagawa niya. But hanggang doon lang ang usapan namin. Hindi man lang siya nagpakilala.
Ilang taon na din ang lumipas mula nung nangyare sa akin mula bata pa ako. Hindi ko in-expect na magkikuta kami. Kung noon pinagtanggol niya ako, ako naman ang nagtatanggol sa kanya sa mga bastos na kaklase niya ata. Alam ko siya iyun. Mas gumanda siya. Ngunit tulad ng dati---- hindi man lang siya nagpapakilala.
"P-Paolo?!" Pangalan ng lalaking biglang sumulpot sa hallway.
Ramdam kong takot na takot si Levy kaya inobserbahan ko ang nangangalang Paolo. Tsk. Hindi ako magaling sa pagpapaliwanag pero gagawin ko ang makakaya ko.
"Hindi mo ba talaga ako naalala, Levy?" Malungkot na sabi ni Paolo.
"H-hindi! Papatayin mo na ba ako?" Sigaw ni Levy.
Lumayo naman ako ng kunti sa kanya habang nakapamulsa. Pinanood ko muna ang mangyayare bago ako umeksena.
"Seriously?! Akala mo magagawa ko iyon?! Don't you remember me, Baby?" Nag sabihin ni Paolo yun.
Lumaki naman ang mga mata niya at nakikita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya at naluluha na.
I remain silent kahit na nasasaktan na din ako. Hindi naman ako manhid o bulag kung anong ibig sabihin nito. May nakaraan sila ni Levy.
"Paolo..." Bulong nito na ikinangiti ni Paolo.
Nang hindi ko na makayanan ang lahat ay lumapit ako sa kanya. Hinawakan ko ang balikat ni Levy at pinalapit siya sa akin. Pinulupot ko ang braso't kamay sa bewang niya sabay siniksik ang mukha sa leeg niya. Narinig ko pa ang pagsinghap niya. Mas binaon ko pa ang mukha ko sa leeg niya habang nakapikit.
I found myself trying to protect my property. Alam ko maaga pa para tawagin kong property ko si Levy. Ngunit masisisi niyo ba ako kung nakaramdam ako ng pagseselos? Nagseselos ako dahil mas naalala niya si Paolo.
"Mabuti pa siya naalala mo" bulong ko sa kanya.
Hindi ko alam kung ano ang reaksyon niya dahil pagkatapos ko sabihin yun bumitaw na ako sa pagkayakap at naglakad palapit kay Paolo.
May itatanong lang ako...
-----------
Yay away na ba this?
BINABASA MO ANG
That Mafia Boss Loves To Kiss Sadist Nerd
Teen FictionMeet the Assasin that became The Mafia Boss and he truly Loves to Kiss Saddist Nerd. Epic Love story!