Aria Debatian
“Approachable. Good listener. Organized. Assertive. Efficient. Fair. Good communicator.” bulong ko habang naglalakad ako kasama sila Jiro, Hiro at Anthony.
Papunta kami sa schoolyard kung saan nakaparada ang mga bus na sasakyan namin papunta sa destination ng Orientation Trip naming mga Representatives.
Inulit ko ang ginagawa kong pagbigkas ng mga qualities ng isang Class Rep. In that way, hindi ko makakalimutan kahit na nerbiyosin pa ako.
Napasigaw nalang ako bigla sa gulat nang may dumampi sa pisngi ko na malamig. “What the bloody f—”
“Wow. Chill, Aria. Don’t say the F word.” pagsaway sa akin ni Jiro na mukhang nagulat din sa naging reaksyon ko. Nakatakip pa sa bibig ko ang kaliwang kamay niya para hindi ko matuloy ang binabalak kong sabihin. At siya din ang walang hiyang nagdampi sa akin ng malamig—isang bote ng malamig na tubig.
Inalis ko ang kamay niya sa pagkakatakip sa aking bibig. “—Fudge! Ano’ng ginagawa mo?! Nagulat naman ako sa’yo!”
“Hahaha! Pasensya na. You’re really out of it so I did that,” paliwanag niya. “But here. This is actually for you.” inabot niya sa akin ang bottled water.
Tinanggap ko nalang ‘yon. “Sorry. Thank you.”
“Don’t mention it.”
Binuksan ko ang bote at ininom ang laman nito.
Kinakabahan ako sa trip na ‘to. Hindi ko alam ang gagawin ko. Sila Jiro lang ang kilala ko dito at wala pa akong nagiging ka-close na babaeng kaklase sa klase namin o kaya kahit sa dorm. Wala ni-isa. Sinusubukan kong i-approach si Honey para makipagkaibigan pero ang loka, naglagay ng kondisyon. Magiging friends kami at ang kapalit, magiging alalay niya ako. Like, what the heck? I’m not desperate for girl friends at mahal ko ang sarili ko. Hindi ako magpapaalalay sa isang eccentric na taong gaya niya. Siguro, isa siya sa mga fangirls nila Jiro kaya gano’n nalang ang trato niya sa akin.
“approachablegoodlistenerorganizedassertiveefficientfairgoodcommunicator—” iritable kong bulong.
“Hey, woman. Stop that. Are you reciting a spell?” masungit na saway sa akin ni Hiro kaya huminto ako.
“It’s not a spell! Nagm-memorize ako!” palusot ko.
“Huh? Para saan?” takang tanong sa akin ni Jiro.
“Just in case.”
Narinig kong tumawa si Anthony na nasa tabi lang ni Jiro. Inakbayan niya pa ito. “Let her be, Jiro. It’s good to be diligent. Heto, lollipop.” binigyan niya ng isang lollipop si Jiro.
Jiro looked at Anthony with disgust. “Akala ko ba exclusive lang para kay Aria ang mga lollipop? Bakit binibigyan mo ako? Don’t tell me you swing that way?”
“What? No. Nope. No way. This and that are different! This is my new creation so I want my friends to have it first. See? The color is different.” binalandra niya sa mukha ni Jiro ang lollipop na hawak niya para ipakita na iba talaga ang kulay nito. Now that I look closely, iba nga ang kulay.
Unlike sa mga kulay pink na lollipop na binibigay niya sa akin, kulay green ang isang ‘to.
“And this is exclusively for my friends,” dagdag ni Anthony at ngumiti ng malapad. “Now, try it. Sabihin mo sa akin kung may kailangang baguhin sa lasa.” pagpilit niya kay Jiro. At parang iba ang pakiramdam ko sa ngiting ‘yon ni Anthony. Hindi ko gusto ito.
“Hmm... All right. Since sinabi mong para sa mga kaibigan mo ‘to, sino ba ako para tumanggi?” kinuha ni Jiro ang lollipop sa kamay ni Anthony at binuksan. Is Jiro actually this gullible? Halata namang may binabalak na hindi maganda si Anthony!
BINABASA MO ANG
Snow White and The Royal Council
Novela JuvenilAria Debatian-Ang Snow White ng Hillview Academy. Binansagan siya nito hindi dahil sa kahawig niya si Snow White na nasa fairytale; kun'di dahil sa puti niyang buhok. At sa mismong paaralan din na 'yon niya makikilala ang Seven Dwarfs ni Snow White...