Chapter 14

116 1 0
                                    

*Mika calling…

 

*Mika calling…

 

Ito ang sumambulat sa akin pagkahawak na pagkahawak ko ng cellphone ko. January 3 na, Lunes, at may pasok na. Simula na rin ng rigid training ng lahat ng kasali sa interschool competition, mayroon na lang kaming isang buwan para maghanda, pagdating naman sa preparation ng Sheldon para sa competition, naiayos ko na at ipapasa ko na lang muna kay Mika ang trabaho.

“Hello?” mahinahon kong sagot sa tawag niya.

Bes, papasok ka na? Pinapatawag daw tayo ni Ms. Dela Vega.

“Paalis na ako. Kita na lang tayo sa school.” Sa totoo lang maaga pa naman talaga para pumasok, mag-aayos lang kasi ako ng locker ko pagdating sa school dahil simula ngayon marami na akong dala dahil may training na.

Sige. Bye bes, ingat!

 

*toot. tooo. tooot.* binaba na niya agad yung tawag kaya naman bumaba na ako dala ang bag ko pero may second bag pa ako na ang laman ay pang training.

Pagbaba ko agad kong nakita si Sander na hawak na ang baril ko na inayos na niya. Pagkakita niya sa akin ay agad niyang kinuha yung mga dala ko at inabot sa akin yung baril para maisukbit ko na ito sa binti ko.

“Good morning!” bati niya sa akin. Napatingin naman siya sa kanang kamay ko at nakita ko siyang ngumiti nung nakita niyang suot ko yung identity bracelet niya. Sa totoo lang, simula nung binigay niya sa akin yung necklace nung pasko at etong bracelet niya, hindi ko na hinubad ang mga ito.

“Good morning!” sagot ko naman sa kanya ng nakangiti din. Naka usual attire si Sander, all black. Pero sa oras na ito hindi niya ako maihahatid dahil umaga din ang flight niya papuntang states. “Anong oras flight mo?” tanong ko sa kanya habang inaayos ko yung baril ko.

“9:30 am. Ihahatid na muna kita tapos diretso na akong airport.” Walang emosyon naman niyang sagot sa akin.

“Uy wag na! Mahassle ka pa. Papahatid na lang ako sa driver.” Ayoko naman talaga na mahassle siya kung ihahatid pa muna niya ako, baka mamaya traffic tapos hindi siya umabot sa flight niya.

“Nagsabi na ako kay sir na ihahatid muna kita. Isa pa, hindi naman ako ang magmamaneho, yung isang driver na.” ngumiti naman siya at tsaka naglakad papunta sa may pinto at lumingon ulit. “Let’s go?” yaya niya sa akin, tumango na lang ako at naglakad na rin palabas ng pinto.

Naging tahimik lang ang buong byahe namin papuntang school, hindi kagaya ng dati na may pinag-uusapan kami, sa likod na kasi ulit ako uupo simula ngayon. Mahina lang ang pagsasalita ni Sander kaya hindi ko masyadong naiintindihan yung sinasabi niya pero mukhang ibinibilin niya ako dun sa driver.

Quarter to seven nung dumating kami sa school. Medyo wala pang tao, kapag ganitong oras kasi yung mga naka school service pa lang yung mga dumadating dahil maaga silang sinusundo. Sa oras na makaparada ng maayos yung sasakyan ay agad na bumaba si Sander para pagbuksan ako ng pinto.

Blood VowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon