Part 9

97 4 1
                                    

(Kiana Aguilar's pov)

"Wife..I'm sorry.. please kumain ka na muna..I'll explain it all to you later okay? please wife..I love you..I'm sorry" Niyakap niya ko sa likod.

"I don't need it, I trust you" Sabi ko at niyakap siya pabalik. Ayoko lang kasi na mag-away kami. I need to trust him.

Pagka-uwi ay naka-akbay pa rin siya. Hindi niya ito inaalis kaya ang sakit na ng likod ko. Pagod na 'ko. Duh?

Hinainan niya ko ng pagkain pero hindi pa din ako nagsasalita. Masakit pa din ang mata ko at ang bewang ko, piling ko pagod na pagod ako. Hindi ko na tinapos ang pagkain ko at dumiretso na sa kwarto--namin

Humiga ako at nagkumot. Nakaramdam ako ng pagyakap. Iniharap niya ako sa kaniya. Dylan...

"Are you still angry?.."

"Nah..I'm just tired.." Sabi ko at tinalikuran siya..matutulog na ko.

I love you Dylan..I'll never forget you again..please remind me..

----

Hm..asan na'ko? teka..bakit ang sakit ng ulo ko?

"A-aray..."

Bumaba ako at hindi ko pa din alam kung nasan ako..kinuha ko ang cellphone ko. 12:00 pm na. Wow! grabe, hapon na!

Tatawagan ko nalang sila Mama.

"Ma..asan ako? anong kalokohan nanaman 'to?"

[Nak? Anong..asan ang asawa mo?]

"Asawa...? meron akong..asawa? ako meron..?" Unti unting tumulo yung luha ko. In-end ko ang call. Asawa...asawa.. sino nga ulit siya? kung meron akong asawa..dapat kasama ko siya sa bahay.

Nag-ikot ako. Kusina. Bawat banyo.Bawat kwarto.Kahit budega. Garage. Sa loob ng ref.Ilalim ng lamesa. Wala. Lumabas ako ng bahay at nagtanung sa katulong namin na nasa yard. Di'ko siya kilala eh. O nakalimutan ko lang.

"Hi kiana..long time no see" Sabi ng katulong namin. Teka..aba sosyal ang katulong namin ah? Umi-english pero..long time no see? baka pinagbakasyon ko siya.

"Ahm..Hi? Ano..yaya..pakihugasan na yung mga plato at maglinis ka..aalis lang ako..bantayan mo yung bahay ah?" Sabi ko at naglakad na.

"What the? Don't you know me? I'm Hazel!" Hazel..? Ah,so di ko siya yaya/katulong?

"Ay..akala ko katulong ka namin..mukha ka kasing yaya!" Sigaw ko. Biglang uminit ang ulo ko sa kaniya. Sa hindi malamang dahilan.

"It seems..gumana na naman ang pagiging makakalimutin mo..Hahah! good. Don't worry..makakalimutan mo na siya..hindi ka na masasaktan.." O__O

"S-sinong siya?"

"My..boyfriend.." Boyfriend niya? Ang gulo naman nitong babaeng to.

"Ay jusko Ma'am! iskandalosa po iyang babaeng yan! Sinabi ko na pong bawal pumasok ey! Ang kulit ng lilang!" Sigaw ng..uhm..yeah! katulong namin.

"Hayaan mo na! Sige na, pakilinis nalang yung bahay. Salamat" Sabi ko at umalis na din siya. Back to this woman.

"Who's your boyfriend?" Curious lang.

"James Dylan Smith" Sabay ngumiti siya ng pagkalapad lapad.

James...

Dylan...

Mr. and Mrs. SMITHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon