R-Dane's POV
Hindi ko alam na may mga tao pala na nakadarama ng ganuong klaseng hinanakit. At sa totoo lang hinangaan ko si Yesha, dahil nakaya niyang kumilos at mamuhay ng normal kahit na masakit sa kanya ang pagkawala ng Daddy nya. Mabait din naman pala siya kahit papaano.
"R-Dane gusto mo???", andito kami ngayon sa canteen at nakain siya ng kwek-kwek..Akalain niyo yun close na kami
"Yeah, pwede ba akong kumuha ??"
"Yesha! Bakit natulala ka dyan!"
"Kasi sinusubukan ko lang kung kukuha ka ng kwek-kwek kasi ang akala ko ang tulad mo hindi nakain ng ganito"
"AHAHAHAHAHAHAHAHAHA!Alam mo nakakatawa ka", baliw din to anong tingin nya sa akin alien???
"Bakit ka natawa?", tapos ngumuso sya na parang bata
"Oh ikaw naman ang natulala dyan!", kasi naman e, bakit kailangan nya pang ngumuso??
"Penge na nga lang ako ng kwek-kwek!",sabay kuha ko sa stick nya at subo
"Friends na tayo diba??", friends na nga ba kami?
"Siguro",pabiro kong sabi sa kanya
"Napipilitan ka lang ata kasi naaawa ka sa akin. Ayos lang naman sa akin kung ayaw mo eh---------------
"Diba sabi ko kung kailangan mo ng tulong andito ako! Pwede akong maging kaibigan mo o kahit na KAIBIGAN pa", seryoso kong sabi kaya napatulala naman sya
"Yesha, ang hilig mong tumulala no???AHAHAHAHAHAHAHAHA"
"Loko ka! Pinagtitripan mo ako...masyado kang moody! Hindi ko alam kung masungit ka ba o may halong kalokohan din dyan sa ulo mo", oo nga hindi dapat ako nagpapakita sa kanya ng totoong side ko kasi baka mahirapan si R---------
"Aalis na ako", bakit hindi ko naisip kaagad yun! Dapat cold ako! Cold ka dapat sa kanya R-Dane, cold! Pero ito naman ang gusto niya
*Sa Bahay*
Nakakainis iniisip ko pa din yung mga inasal ko kanina, sana makalimutan nya nalang lahat...
"Sabi sa akin ni Baron hindi ka daw nya nakita sa school nyo pati din si Yesha! Anong nangyari!??"
"So lahat ng kilos ko pinapabantayan mo???", sobra na siya. Hindi ba nya alam na nahihirapan ako ngayon
"Hindi naman sa ganun, pero kasi AAAAAAAAAH! San ba kayo nagpunta ni Yesha!!??"
"Nakulong kami sa stockroom ng school"
"Ano!? Kayong dalawa lang?"
"Obviously"
"Unamin ka nga sa akin. Do you like her?", of course I like her kasi hindi naman ako makikipagkaibigan sa kanya kung hindi. Remember I hate girls
"Of course not", I lied baka kung ano pa isipin neto
"Talaga lang ha??", ang kulit nanaman nya
"Diba eto naman ang gusto mo??Ang naging close kami, na maging nice ako sa kanya. Pero bakit ngayon nagiging paranoid ka??"
"Kasi feeling ko, she's special to you! Madali kang mafall sa babae na may kaparehas na personality ni Yesha kaya nga nainlo-------"
"Don't you dare na sabihin ang pangalan nya!", naiinis na ako
"Pinapaalala ko lang.......akin si Yesha, akin sya", baliw na sya kinakanya nya si Yesha?? Anong tingin nya dun sa tao, bagay na pwede nyang angkinin ng ganun-ganun lang???
"Pwede ba R-Kin, walang sayo! Hindi sayo si Yesha at hindi rin pwedeng maging akin o kahit na kanino!!!", kung ganyan siya mas mabuti pa na tigilan na namin ang kabaliwang ito
BINABASA MO ANG
Two Is Better Than One
Teen FictionSa simpleng banggaan nabago ang buhay ko, sa pagiging simple naging komplikado!! Paano ko malalampasan to?? ~Ayesha Blaire Montaire Diba mahirap mamili? Lalo na akung ang pagpipilian ay parehong...