DUGONG MAHARLIKA (one shot)

35 1 0
                                    

Si King Reynolds ay hari noon ng Gran Britanya ikinasal siya sa isang mayamang aristokrata na si Count Sophia, hindi sila nabiyayaan ng anak. Samantala, mahusay at sistematiko ang pagpapatakbo ni King Reynolds sa bansa, isa siya sa mga magigiting at hinahangaang tao sa panahon niya. Sa katunayan ay babaero ang hari. Nakarelasyon niya ang isang katulong sa palasyo, si Messiah. Naging seryoso ang hari sa relasyon niya kay Messiah ng patago upang di ito malaman ni Sophia. Lumipas ang taon, taong 1774 noong Hulyo 12 ay nanganak si Messiah at ang ama ay ang hari. Itinago nila ito bilang sikreto sa lahat ng nasa palasyo. Nang mga panahong iyon ay tila ‘di na nagiging maganda ang samahan ni Sophia at ni King Reynolds. Dito ng nagsimulang magduda si Sophia kaya’t pinaespiya niya ang asawa. Nagulantang si Sophia ng malamang may anak na at karelasyon si Reynolds sa ibang babae at mismong “katulong” pa ito sa palasyo. Hindi sinabi ni Sophia ang natuklasan sa asawa. Pinapatay ni Sophia si Messiah, pinugutan ng ulo at itinapon ang katawan sa Golden Bridge Island upang walang ebedensiya at ipinatapon niya ang sanggol sa malayo upang ‘di na ito muling makita ni Reynolds. Nagkaroon ng masusing imbestigasyon. Lumabas ang katotohanan. Sa sobrang galit ay sinaktan ni Reynolds ang asawa. Nahulog ito sa hagdan matapos itulak ito ni Reynolds. Agad na ipinagamot ni Reynolds ang asawa dahil mahal pa rin niya ito. Laking gulat ni Reynolds na bukod sa maayos ang lagay ng asawa ay nagdadalang tao na pala ito. Ipinanganak ang sanggol ng taong 1775 noong Abril 13 at ipinangalanan itong Jack Stuart.Lumipas ang mga taon at tuluyang nilimot ni Reynolds si Messiah at ang anak nila

.***

Ang sanggol na ipinatapon ay napadpad sa Rhine River Village sa France. Inampon ito ng mangingisda na walang pamilya na si Laliberte Matheui. Inalagaan niya ito at pinalaki, pinangalanan niya ang sanggol na Jacques Matheui. Taong 1789, lumubog ang barkong pangisda na lulan si Laliberte, naulila ng maaga si Jacques, nagpalaboy – laboy siya at napadpad sa Paris. Doon ay inampon siya ng isang craftsman at guro na si Master Renouche. Nagtapos si Jacques bilang marino at naglingkod bilang kapitan sa Royal Navy ni Napoleon sa France sa gulang na 25.

Lumipas ang mahabang panahon, namatay ang hari ng Britanya na si King Reynolds matapos siyang patayin ng kanyang traydor na kaalyado sa kaharian ng Britanya na si Sir Crado Bern na naging tyrant at ngayo’y naging hari ng Britanya. Sa sobrang pagluluksa ni Sophia kinapitan niya si Sir Crado Bern at ginamit niya si Sophia bilang kapalit nang nasirang hari ng Britanya kung kaya’t siya ang pumalit

Samantala, habang nagluluksa si Prince Jack Stuart may nabasa siyang talaarawan ng kanyang ama na naglalaman ng mga pangyayaring nabubuhay pa ang kanyang ama. Natuklasan niyang nais ipahanap ng kanyang ama ang kapatid niya sa ibang babae. Kung kaya’t umalis siya ng palasyo ng walang pasabi. Dahil sa sama ng loob sa mga nalaman siya’y nagtago sa Wales Street, Liverpool, England. Makalipas ang limang taon nabalitaan niyang marahas ang pamamalakad ni Sir Crado Bern. Humingi siya ng mga alyansa sa kanyang tiyahing si Queen Vea Jhovel Yvonne na siyang Landlord at reyna sa Scotland. Humingi sya rito ng tulong papunta sa kanyang tiyuhin upang ipaalam ang naging kapalaran ng kanyang nasirang ama na si Georg Dave III. Hindi siya nabigo sa paghingi ng tulong kay Queen Vea Jhovel Yvonne.

Pagkapunta nila sa Italya agad na niyakap ni Georg Dave III ang kanyang pamangkin at kanyang nalaman ang nangyari sa kanyang kapatid. Nangako si Georg Dave III na tutulungan niya ang kanyang pamangkin sa kanyang alyansa.

***

Dumating ang gabi nang kanilang pagpupulong at napagkasunduang gabi ng pagdiriwang sila susugod. Naganap ang kanilang hinihintay na pagkakataon upang sumugod. Nagkaroon ng kaguluhan sa loob ng palasyo.

***

Makalipas ang ilang sandali, nagtagumpay sila ngunit marami ang nasawi.

DUGONG MAHARLIKA (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon