"Kung malapit lang sana ako, kung nandito ka lang sana, kung magkasama lang sana tayo, edi sana nagagawa natin ang mga masasayang bagay na gusto nating magawa na magkasama"
Haaaay, Long Distance Relationship, o mas kilala sa LDR. Sabi nila mahirap daw ang LDR, sabi nila, malungkot, nakakaiyak, masakit kasi kahit gusto mong hawakan ang kamay ng taong pinakama-mahal mo, hindi mo magawa.
Nandyan ung oras na kapag gusto mong icomfort ang mahal mo, gusto mong punasan ang kanyang mga luha, gusto mo syang yakapin at patahanin, hindi mo magawa, kasi kayo'y magkalayo.
Kapag namimiss mo sya, hindi mo magawa na sya ay tawagan agad, maghihintay ka pa ng oras para makapagusap kaong dalawa, kasi sa LDR, magkabila ang mundo nyo. hindi sabay ang oras, kaylangan pang mag-puyat ng isa para lang kayo'y magkausap na dalawa.
Alam mo, nkakainggit din ung mga taong nakakasama nang taong mahal mo, kung sila nakakasama nila sya, ikaw, twing ipinipikit mo lang ang iyong mga mata, doon lamang sa pagkakataong iyon, sa iyong imahinasyon, saka mo lang nahahawakan ang kamay, nayayakap at higit sa lahat, doon mo lang sya nakakasama.
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Sa totoo lang, madami talaga ako gustong ishare sa inyo tungkol sa LDR e. Siguro sa pamamagitan nlng ng STORY namin na ito, maipapakita ko kung ano-ano talaga yon :D . Hindi ganon kagaling na manunulat na gaya ng iba, pero sisikapin kong pakiligin at iparamdam sa inyo, kung gaano ka-exciting ang LDR namin ni MamaTOT <3 :P
BINABASA MO ANG
My Hawaiian Girl
Teen Fiction"The story of the two persons who fell in love with each other in unexpected time.A kind of relationship that will test their trust and I loyalty to each other" - Myre