Kabanata 2
Heaven Point of View
Kasalukuyan akong nagta-trabaho nang biglang may tumawag sa aking intercom.
I press the intercom. "Ms. Scaletta papunta po sa office nyo si ms. Michifu."
"Okay. Thank you."
Maya't-maya may kumatok na sa aking pintuan. "Come in."
Pumasok si Michifu. "Heaven!!" Sasalubungin ko sana ito pero bigla itong tumalon paupo sa sofa.
"Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko at tinabi ang laptop ko tsaka yung mga papers na binabasa ko.
"Tinatawagan kita kanina kaso hindi ka naman sumasagot kaya pinuntahan nalang kita rito sa office mo." She said.
"Sorry, naka-off yung phone ko."
"It's okay. By the way pumunta ako rito para sabihin sayo na may reunion tayo magkakaibigan mamayang gabi sa clinch bar, 9:00 pm."
"Talaga? Cge pupunta ako." I said.
Miss ko na silang lahat, lalong lalo na si Karl at Joshua.
"Kasama rin sila Johnny, basta lahat."
Bigla akong natahimik sa sinabi nya. Kung kasama lahat, ibig sabihin magkikita ulit kami.
Kamusta na kaya sya? Matagal na kong walang balita sa kanya, mula ng umalis ako kinalimutan ko na sya.
Pero iba talaga pag mahal mo dahil kahit nasa malayo kana, naiisip mo pa rin sya.
"Naisip mo sya noh?"
"Ha? Sino?" Patay malisya kong tanong.
"Hay na ko Heaven, hindi ka magaling magsinungaling. Cge aalis na ko, may gagawin pa ko sa office."
Nilapitan ako nito at humalik sa aking pisngi bago umalis sa aking opisina.
Hyst! Sa totoo lang kahit five years ko na syang hindi nakikita, wala parin pinagbago. Mahal na mahal ko pa rin sya. 💕
→Fast Forward←
Sumakay ako ng elevator at pinindot ang ground floor. Syempre kasama ko yung bodyguard ko.
Hindi pwede na wala akong bodyguard, baka may mangyari sakin. Lalo na't mabibigat na kaso ang mga hinahawakan ko.
*TING!*
Tumungo agad ako sa pinagparadahan ko ng kotse. Sumakay ako sa driver seat, habang yung mga bodyguard ko ay may sariling sasakyan.
I started the engine car, yung mga bodyguard ko ay nakasunod lang sakin.
Kendall/Veronica Point of View
"Hindi ako sasama." Sabi ko kay Crimmy.
"Besh sumama kana kasi." Pilit nito sakin.
"Ayoko nga."
"Akala ko ba naka-move on kana sa kanya? Bakit ayaw mo syang makita?"
"Hindi sa ayaw ko sya makita, busy lang talaga ako." Pagdadahilan ko.
"Weh? Naku besh! Gumanda ka lang pero hindi ka gumaling magdahilan." Singit ni Kisses.
"Hay na ko! Kung kukulitin nyo lang ako, mabuti pa't bumalik na kayo sa mga trabaho nyo."
"Naging artista ka lang besh, pinagtatabuyan muna kami." Sabi ni Crimmy.
"Hindi naman sa ganun."
"Ganun na rin yun." Malungkot na sabi ni Kisses.
I sighed. "Fine, sasama na ko. Basta hindi ako magtatagal dahil marami rin akong gagawin."
Biglang lumiwanag ang mukha ni Kisses at Crimmy. "Talaga besh? Sasama kana?"
"Oo na, kulit nyong dalawa." Natatawa kong sabi.
"Yes!" Sigaw nilang dalawa at dinamba agad ako ng yakap.
"O shu! Alis na, diba Crimmy may flight kapa? Alis na."
"Oo nga noh, cge bye na besh!" Lumabas na ito ng condo ko.
"Oh ikaw?" Tanong ko kay Kisses na kasalukuyan na nakaupo sa sofa ko.
"Day off ko ngayon, dito lang ako."
"Good, sabay tayo pupunta sa clinch bar." Sabi ko. "Nga pala anong oras nga ulit yun?"
"Ayieee! Excited ka ng makita sya noh?"
"Ha? Hatdog!" Pumasok ako sa aking kwarto.
Hyst! Hindi ko alam kung bakit ganito yung nararamdaman ko. Diba hindi ko na sya mahal? Bakit ganito? Hyst! Puso umayos ka naman! Ayokong mapahiya sa harap nya.
Please puso balik kana sa normal. Whaaaa!!!! Bakit ganito yung nararamdaman ko? Feeling ko bumabalik yung pagmamahal ko sa kanya——Ayy! Hindi pwede!
End of Chapter
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter