Chapter 16 : Camping Day 01
Nagising ako dahil sa biglang paghablot ng kung sino sa earphones ko. Iritado kong nilingon si Nol. “Nandito na tayo,” simpleng sabi niya at hinagis iyon pabalik sa’kin.
What a man. Naiiling kong tinago sa bag ang earphones ko at lumingon sa paligid.
Nag-iingay ang mga kapwa ko estudyante. Nagsisitayuan na rin sila. Si Winston? Naka-slouch. Parang tinatamad gumalaw.
I still can’t believe na silang dalawa ni Nol ang makakasama ko sa mga activities buong school year. I bit my lower lip and looked outside the window.
Naka-park ang bus sa tabi ng isang gas station. Pati ang ibang mga bus ay naka-park na rin. Huminga ako ng malalim bago tumayo at kinuha ang bag ko.
Inunahan ko na sila Nol sa pagbaba. Sinalubong ako ni Agnes. “Waah! Excited na talaga ako!” she exclaimed.
Ilang beses niya na bang sinabi sa’kin ‘yan?
Pinakuha ko sa konduktor ang maleta ko. “Students! Follow us!” sabi ng isa sa mga Professors.
Nilagpasan namin ang gas station. Naglakad kami papasok sa mala-kagubatang daan. Napapaligiran kasi ng kawayan, damo, at puno.
The fallen dead leaves are scattered all over the area. Tumigil kami sa paglalakad nang makarating sa isang malawak na pwesto.
“Please, group yourselves according to your sections.”
Nagpaalam ako saglit kay Agnes at gano’n din siya.
“Those three cabins are the place where you can change clothes or take a bath. On the left side of this area, boys will build their tent. On the right side, girls will do the same.” Sir Martin announced using a megaphone.
“Bawal ang mga lalaki at babae sa iisang tent so we’ll let you choose your partner. Sa ibang section man iyan o sa mga kaklase niyo.”
Nag-diwang ang mga estudyanteng gaya ko. Naramdaman kong pinagitnaan ako nila Nol at Winston.
“Can you build your tent?” tanong ni Winston.
“Aba, syempre.” mabilis na sagot ko.
Lumapit si Agnes sa’min. “Magka-partner silang dalawa?” tanong niya sa’kin.
Nilingon ko si Nol. “Siguro, tara na.” sabi ko at hinila na siya.
We decided to build our tent near the first cabin. Para at least hindi hassle kung naiihi ang isa sa’min pag gabing matutulog na. Chaka para na rin mauna kami lagi kapag maliligo.
Alas diyes nu’ng natapos kami sa pagtatayo ng tent at pag-aayos ng gamit.
The teachers are preparing the grill.
“Students! Your first activity will be fishing! Go with your partners now,” anunsyo ni Sir Martin.
Napantingin ako sa paligid. Nagsisipuntahan na sila sa mga ka-partner nila.
“Pinapasabi ni Sir Martin, si Agnes daw ang makakapartner ni Winston sa mga activities para fair.” lumapit sa’kin ang isa mga kaklase ko.
“Okay,”
Mabuti naman. I thought I’ll be dealing with the two boys by myself. Bumuntong hininga ako at hinila si Agnes palapit kina Nol.
Napataas ng kilay si Winston nang makita kami. Prenteng nakapamulsa naman si Nol.
“Si Agnes daw ang ka-partner mo sa lahat ng activities sabi ni Sir Martin. Take care of her o ako mismo magpapatalsik sa’yo paalis ng Holmes’ House.” banta ko kay Winston.
BINABASA MO ANG
Detective Trainees (COMPLETED)
Mystery / ThrillerHolmes' House of Detectives is a training ground for aspiring detectives. Nollan and Keena are one of these Detectives in training who needs to unravel the truth behind the massacre in their city and unmask the person behind the killings. detective...