CHAPTER 56

1K 32 1
                                    


Amy's POV

Tuesday na ngayon at pagkatapos ng katahimikan kahapon ay nag-aya ng bumalik sa classroom si Dan. Hindi na rin naman ako nagsalita pa at sumama na lang sa kanila dahil para akong nanghihina tuwing maiisip kong nasa iisang kwarto lang si pangit at ang babaeng 'yun.

"Amethyst."

Napalingon ako sa kung sino ang tumawag sa akin at nakita ko si Warren na papalapit.

"Mukhang tama sila." Sabi niya at umupo sa upuang nasa harap ko.

"Tama saan?"

"I heard that you're so brilliant."

Napatigil naman ako sa pagbubuklat ng libro at napatingin sa kaniya na prente kung makaupo.

"Naniwala ka naman?"

"Yes. Kadalasan kasi sa mga nagpupunta sa campus library ay maaral."

Napalingon naman ako sa paligid at nakitang seryoso ang mga tao habang may hawak ding mga libro. Andito ako ngayon sa pinakaboring na part daw ng school, ang campus library. Hindi naman talaga ako lagi nandito at napadpad lang ako ngayon dahil wala akong magawa. Napatingin naman ako sa kaniya at nakita ko siyang nakangisi kaya napataas ako ng kilay.

"Ibig bang sabihin ay maaral ka dahil nandito ka ngayon?" Tanong ko sa kaniya at inilagay sa gilid ng mesa ang libro.

"No."

"Kung ganon, paano mo nasabing maaral ang nagpupunta dito?"

Nakangiting umiling-iling naman siya at pinatong ang dalawang braso sa mesa.

"I must say na matalino ka nga talaga dahil alam mo kung paano ipaglaban ang isang usapan."

Umiling na lang din ako at hindi na nagsalita pa. Itinuloy ko na lang din ang binabasa ko pero ilang saglit lang ay may tumawag sa akin.

"Miss Biazon?" Tanong ng isang babae na siyang nagpakunot ng noo ko. Hindi naman kasi ako kinakausap ng ibang istudyante dito kaya nakakapagtaka lang na lalapit siya sa'kin.

"Ahh miss Biazon..." Nahihiyang sabi niya at napansin ko ang pagsulyap niya kay Warren. "P-pinapatawag ka ni dean sa office niya."

Natawa naman ako dahil alam ko na kung bakit siya lumapit, dahil kasi kay Warren na paniguradong gusto ng babaeng 'to. Tss nakakalapit naman pala sila sa akin basta may itsura ang kasama ko. Teka gwapo rin naman sila Jeff ah! Haha mukhang mas matinik talaga ang isang 'to kaya kinaiinisan ng mga loko!

"Okay susunod ako."

Hindi ko maiwasang matawa kaya ng makaalis ang babae ay pinagkunutan ako ng noo ni Warren.

"What's funny?" Tanong niya at inayos ang salamin na sa tingin ko ay naging manerism niya na.

"Wala naman. Sige mauuna na 'ko ulit ha?"

Kumaway na lang siya at ngumiti kaya iniwan ko na siya doon. Nagsimula na rin akong maglakad patungo sa dean's office.

Hindi ko tuloy maiwasang magtaka. Bakit naman kaya ako pinapatawag ni dean? May ginawa ba 'kong masama at nakaapekto ito sa scholarship ko?

"Hays bahala na." Sabi ko sa sarili ko ng makarating ako sa harap ng office niya.

Kumatok muna ako bago binuksan ang pinto. Nakita ko siya sa loob na mukhang busy sa laptop niya. Marami ring papers sa ibabaw ng table niya.

"Good morning dean."

"Take a sit miss Biazon." Sabi niya at ginilid muna ang laptop niya. Umupo naman ako at nahihiyang ngumiti sa kaniya. "How are you?"

He's my master and I'm his slave slash tutorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon