[AMIA’S POV]
Magtatatlong araw na sila Amia sa mansyon. Ganoon pa rin ang drama sa loob ng mansyon. Nag-iiwasan sila ni Hiro. Pati sa pagkain ay hindi sila magkasabay dahil pinapatapos niya muna ito bago siya. Ang lagi niyang kasabay ay ang mga kasambahay doon na mabuti ang pakikitungo sa kanya.
Papunta siya sa kwarto ng anak niya nang maabutan doon si Hiro. Nakahiga ito sa kama. Nakikipagkulitan ito sa anak niya. Bungisngisan nang bungisngisan ang mga ito. Napangiti siya sa nakikita niya.
Dahan dahan siyang pumasok. Tinignan lamang siya ni Hiro sandali. Naupo siya malapit sa mga ito. “Hiro, maraming salamat nga pala at hindi mo ako minamadali na umalis.”
“I’ll give you time to think as I said,” anito.
“Hiro, may gusto sana akong sabihin...”
“What?”
Mukhang nasa good mood ito. “Hindi ko talaga kayang iwan ang anak ko dito. Kung pwede sana dito nalang ako. Kahit anong ipagawa mo sa akin ayos lang. Kahit katulong o alalay mo. O kahit ano basta huwag mo lang akong paalisin,”
Umupo ito sa kama. “Lahat, Amia?”
“Para sa anak ko.”
“I’ll think about it.”
Ngumiti siya rito. “Maraming salamat, Hiro.”
“Don’t thank me yet.” Binuhat nito ang anak niya. “Kamukhang kamukha ko siya.”
Napangiti siya sa sinabi nito. ”Hindi mapagkakailang anak mo siya, Hiro. Lalo na ang mga mata n’yo parang iisa lang.”
“Oo nga, eh. I’m planning to have a welcome party for Alexander.” Anito.
“Magandang ideya ‘yan.” Sabi nalang niya. At least ngayon ay may chance na manaliti siya doon.
[KURT’S POV]
He was playing his guitar on his room. It’s been more than a week since he last saw Amia and her baby. He missed them so much. He went to London for business matter but it does not change the fact that he was missing Amia so much.
Kailangan niya ring lumayo para maiwasan pa ang nararamdaman niyang iyon dahil alam niyang si Hiro pa rin ang mahal nito. Ginagalang niya iyon. Kaya nga hindi niya man lang masabi kay Amia ang nararamdaman niya. Hindi siya nanunulot ng iba lalo na sa matalik niyang kaibigan.
BINABASA MO ANG
MAKE ME YOURS (Book 2: Hiroki Kress and Amia Flores)
Любовные романыMarried. Hiroki hates it. Wife. Hiroki hates it more. Children. Never in his wildest dream. Hiroki has his own life. No one can dictate him. No woman can beat him. That's why when an opportunist tried to tie him, he runaway. Fate brought Hirok...