Chapter | Seven

294 13 0
                                    

Sabrina | Sunod-sunod ang pagkatok ng tao sa pinto namin sa ibaba. Napabangon ako sa'king kama at binuksan ang maliit na ilaw sa'king kwarto at hinanap ang aking tsinelas atsaka bumaba ng hagdan. Nagbukas ako ng ilang ilaw sa sala na tama lang para makita ko ang dinadaanan ko patungo sa pinto. Sunod-sunod pa rin ang pagkatok sa pinto. Sino nga ba ang tao sa likod nito? Wala pa naman sina papa at mama at nasa Palawan ang mga ito para sa business meeting nila. Tulog na rin naman ang mga kasambahay namin at nakakahiya naman kung gigisingin ko pa sila para lang pagbuksan ang taong walang tigil sa pagkatok.

        Hawak ko ang doorknob at pipihitin ko na sana ito pero nagdalawang-isip ako. Wala namang tumatawag ng pangalan ko o pangalan ng sinuman sa nakatira dito sa bahay namin. Puro katok lang. Mapwersa. Malakas. Kinutuban na ako at hindi maganda ito.

        "S-s-sino 'yon?" matapang kong tanong habang ginagagap ang baseball bat na pag-aari ni Dad na nakasuksok sa malalim na paso sa gilid ng pinto.

Walang sumagot kaya mas lalo akong kinabahan. Naisip kong muli ang babaeng may iba'-ibang kulay na buhok na nagtangkang pumatay sa'kin sa may Cubao habang naipit ako sa may traffic. Isa rin ba siya sa mga gustong pumatay sa'kin para mabalik ang balanse ng mundo? Isa rin ba siya sa mga espesyal na nilalang sa mundo na nadamay sa kaguluhang ito?

        Pansamantala ko munang inalis ang mga bagay-bagay sa isipan ko dahil alam ko namang magkakaroon ako ng oras para pagtuonan ng pansin ang mga ito pero hindi ko talaga lubos maisip kung sinong manggugulo sa'kin sa kalgitnaan ng gabi? 

        Humigpit ang hawak ko sa may baseball bat. "Sino ka?"

        "Sabrina." Garalgal ang tinig ng lalaking halos hindi ko makilala. Ilang segundo pa ay inalis ko ang kandado sa loob at pinihit ang pinto at maluwang ko itong binuksan at mabilis kong yinakap si Emerson. Napahigpit ng yakap ko na tila ba sinasakal ko na siya. Naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi at alam kong may mga luhang bumagsak mula sa'kin mga mata. Nang magkahiwalay kami ay binitiwan ko ang baseball bat sa hamba ng pinto.

        "Emerson," anas ko habang pinagmamasdan ang kabuuan ng kanyang mukha.

        "I miss you Sabrina," ani niya saka siya ngumiti. Umurong ako nang kaunti at mas lalo pang nagbukas ang pinto at mas nasilayan ko ang mukha ni Emerson.

        Yellow eyes.

Pero green ang mga mata ni Emerson dahil british ang tatay niya.

        Ang pagkagimbal sa'king mukha ay huli na dahil bumaon na ang patalim ng lalaking inakala kogn si Emerson sa'king tagiliran. Umatras pa ako habang sapo ang kaliwa kong tagiliran kung saan wala na ngayong tigil ang pagdanak ng dugo. Nakangiti si Emerson or at least ay kamukha ni Emerson ngayon habang pinagmamasdan akong umiinda sa sakit. Wala na akong lakas pa para abutin ang baseball bat at umiikot na ang paningin ko. Hindi ako makasigaw dahil tila nawala na rin ang tinig ko kasabay ng pagdaloy ng dugo sa sahig.

        Sinaksak akong muli ng lalaki sa parehong parte ng aking tagiliran pero mas naramdaman ko ang sakit ngayon dahil dumaan ang patalim sa gitna ng aking mga palad. Hindi na lang ang aking tagiliran ang masakit kundi pati na ang aking kamay.

        Akma na ang kong babagsak sa sahig pero sinalo ako ng lalaking hindi maalis ang ngiti sa kanyang mukha; ngiti ng tagumpay. Nasa ere na ang kanyang patalim na alam kong sa puso na ang kanyang pakay nang marinig ko ang palahaw ng mga goma ng sasakyan. Lumingon ang lalaki at ang ngiti ay nawala sa kanyang mukha. Naunang bumagsak ang aking ulo sa sahig nang bitawan niya ako. Hindi ko na matandaan ang sumunod pang nangyari pero alam kong ang ang lalaking pinakamamahal ko ang nagsalbang muli sa buhay ko.

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon