Kabanata 4
Kendall/Veronica Point of View
"Hay! Pa'no ba 'to si Heaven?" Namomroblemang tanong ni Michifu.
"Diba Donny may vip room dito? Baka pwedeng iwan nalang natin dito si Heaven?"
"Eh uuwi ako, walang magbabantay sa kanya." Sabi ni Donny.
"Eh pa'no na 'to? Ikaw Kendall? May gagawin kaba?" Tanong sakin ni Karl.
"Wala naman." Sagot ko.
"Baka pwedeng samahan mo naman mag-stay si Heaven rito, kung pwede lang?"
Napaisip naman ako. "Cge."
Dinala kami ni Donny sa isang vip room. "Tumawag kalang ng waiter kapag may problema o may gusto kang i-utos."
"Cge. Ingat kayo." Sinara ko na ang pinto.
Bumilis na naman ang tibok ng puso ko. Hay! Bakit pa kasi ako pumayag?
(A/N: Nagsisisi ka?)
(Oo.)
(A/N: Pa'no kung ma-rape siya? Hindi ka magsisisi?)
(Syempre magsisisi.)
Napatingin ako kay Heaven na kasalukuyan na nakahiga sa kama, lasing na lasing siya at hindi alam ng barkada kung saan siya iuuwi kaya ang ending, nandito kaming dalawa sa isang vip room.
"Ano ba 'tong pinasok ko?" Tanong ko sa aking sarili.
Umupo ako sa gilid ni Heaven. Tinitigan ko nang malapitan ang mukha nito, lalo syang pumuti.
Siguro dahil iba ang klima sa america, maikli narin pala ang buhok nya, hindi ko man lang napansin kanina.
Kung dati hanggang bewang ang buhok nya, ngayon ay hanggang balikat nya nalang.
Feeling ko . . . . feeling ko bumabalik ang pagmamahal ko sa kanya, lalo na nung makita ko siya.
Mahal nya pa kaya ako o may iba na siya?
Siguro kung hindi ako nagbulag-bulagan dati, siguro masaya kami ngayon. Akala ko matalino ako, yun pala bobo ako sa pag-ibig.
→Fast Forward←
Hmm . . Kinapa ko ang aking katabi pero wala akong nakapa, dumilat ako at hindi ko siya nakita.
Nasan na siya?
Dahan-dahan akong tumayo. May nakita akong isang papel na nakapatong sa side table.
Heaven Point of View
Nagising ako na katabi siya. Umalis agad ako kahit masakit pa ang ulo ko.
Umalis na ko, hindi na kita ginising. Nakita ko kasing mahimbing ang tulog mo kaya hindi na kita inistorbo, salamat pala sa pagsama sakin.
Nilapag ko sa side table ang papel, nagbilin din ako sa isang waiter na bigyan ng pagkain si Kendall pag nagising na at tuluyan na akong lumabas ng bar na pagmamay-ari ni Donny.
"Good morning ms. Scaletta." Bati sakin ng guard pagpasok ko sa loob ng building.
Ngumiti lang ako at dumeretso sa opisina ko. Pagpasok ko inayos ko agad ang aking trabaho, kailangan matapos ko 'to ngayon kundi maiipit ako. Bakit pa kasi ang daming kaso kong hawak?
→Fast Forward←
Mabilis kong natapos ang aking trabaho dahil nagpatulong ako sa aking secretary.
Tanghali palang ay tapos na kami kaya umuwi agad ako sa aking condo. Saktong pag-upo ko sa sofa, tumunog ang cellphone ko.
From: 09**********
Si Veronica 'to, thank you sa food.
[Received: 12:30 PM]
To: 09**********
Welcome. Thank you rin sa pagsama sakin.
[Sent: 12:32 PM]
Tinabi ko sa center table ang aking cellphone. Binuksan ko ang tv gamit ang remote.
→Fast Forward←
Kasalukuyan akong kumakain ng dinner nang biglang may tumawag sa telephono.
"Hello?"
"Hello ate? Why are you calling?"
"Kelan ka uuwi rito sa philippines sis?"
"Hindi pa tapos ang trabaho ko ate sa pilipinas."
"Ang tagal naman, bilisan mo naman."
"Promise ate bibilisan ko, baka next month makauwi na ko."
"Sabi mo yan ha!"
"Oo ate, cge na kumakain ako."
"Bye sis, i love you!"
"I love you too sis!"
Binaba ko na ang telephono at muling pinagpatuloy ang pagkain ko.
End of Chapter
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter