Nakilala kita sa mundong di ko pa maintindihan
Mundo kung saan tayo ay may kanya kanyang kaugalian
Naalala ko pa yung araw na mapansin kita
Mga gawa mo na palihim na hinahangaan ko pa
Ewan ko ba
Sadyang gusto na talaga kita
Subalit lahat ng iyon ay nagbago
Nong sinabi mo sa amin na ikaw ay may gusto
Papalitan ko
Mahal mo pala ito
Medyo masakit siya
Pero kinaya ko at ako parin ay nakisama
Hanggang sa maisipan mo na umalis
May kung ano sa loob ko na tila ba naiinis
Naiinis dahil aalis ka
Pero alam mo naman yung kagaguhang ginawa ko diba
Sumunod ako kahit ako ay naguguluhan pa
Gusto na talaga yata kita
At lumala lang lahat ng medyo makilala ko kung sino at ano ka talaga
May kung ano sa akin na nagutos na kausapin ka pa
Mayroon din sa loob ko na nagsasabi na itigil ko na
Itigil ko dahil alam ko naman na iba naman ang iyong gusto
Pero napakatigas ng ulo ko
Nagstay pa din ako kahit alam ko na masakit sa huli
Wala ehh bobo ako pagdating sa ganito
Yung tipong emosyon lang ang pinapairal koDumating yung time na di ko na kaya
Umamin ako sayo kahit alam ko na kung anong sagot mo talaga
“ Kaibigan lang kita ” “ Kaibigan ko lang siya ”
Nakakaiyak na nakakatawa
Nakakagago na nakakadismaya
Pero okay lang tanggap ko naman na
Na di talaga tayo para sa isat isa
Sabi mo pa sasaluhin mo ako pero ibababa din
Nakakainis alam mo ba iyon
Dahil napatawa mo ako sa sinabi mo na iyon
Naging mas nakilala pa kita
Simula ng magbahagi ka
Yung sakit at mga problema
Na diko alam at ni nino man na ito'y patuloy mo na dinadala
Gusto kitang damayan
At sabihin sayo na okay lang yan
Pero iba ang sinabi ko
Pinagsalitaan kita na mali ang ginagawa mo
Sabi mo kasi ayaw mo na
Na suko ka na
Panget ko
Uy maging matatag ka
Nakilala mo na siya diba
Dapat maging masaya ka
Sabi mo nga may sign ka na
Dapat may ngiti nang nakaguhit diba
Papanget ka ng todo pag yang kalungkutan ang ipinaghari mo
Smile ka na
Sige ka papanget ka na.-Wendy Mae Augusto