Kabanata 7

460 23 0
                                    

Kabanata 7

Pag-iwas

Nanginginig ang kamay na pinagpagan ko ang kama ni David at inayos ang kumot. Batid ko ang pangingig ng buo kong katawan at pakiramdam ko ay babagsak na lang ako sa kama sa sobrang panghihina.

"Shit!" mahina kong bulong habang nakatingin sa nakayuom kong kamao.

Napapitlag ako nang marinig ang pagbukas ng pinto sa banyo. Nandiyan na siya!

Inabala ko ang sarili ko sa pag-aayos ng unan. Pilit akong hindi lumingon.

"Krist..."

I start trembling. "H-hmm?" I hummed, didn't even bothered to look at him. Plinantsa ko ang kaniyang kama gamit ang aking kamay kahit na alam kong maayos na iyon.

"Hey! Are you okay?"

Napatalon ako nang maramdaman ko ang hininga niya sa batok ko. "A-ahm.. oo naman." nauutal kong saad.

Kinuha ko ang mga kagamitan upang makalayo-layo sa kaniya. Masiyado siyang malapit. "Tapos ka na sa banyo?"

He nodded.

Tinuro ko ang banyo "Lilinisin ko lang."

He's wearing a sweat pants and a white v-neck shirt.

Nanatili ang malamig niyang tingin sa akin. Nang mapansing wala siyang balak na sumagot ay nilampasan ko na siya. Labis-labis ang kaba ko lalo na nang maramdaman ko ang kamay niya sa braso ko, pinipigilan ako.

"Huwag ka nang maglinis doon. Hindi naman makalat." aniya.

"P-pero iyon ang utos ni--"

"Ako na ang bahala kay Nay Lita."

Sunod-sunod ang aking pag-iling "Hindi na. Ayos lang naman." I bit my lip.

Agaran ang pagtingin niya doon na mas lalo ikinahumerentado ng aking puso.

Tiningnan niya ako nang matalim na parang binabasa ang aking reaksyon.

"A-ano namang gagawin ko kung hindi ako maglilinis?"

"You can read my books."

Napamaang ako. "Talaga?"

Tumango siya.

Tinalikuran niya ako at nagpunas ng basa niyang buhok. "In one condition." His muscles flexed while wiping his wet hair.

"A-ano?" kinakabahan kong tanong.

"Tell me the name of your boyfriend."

Nanlaki ang aking mga mata. Hindi pa rin niya pala iyon nakakalimutan. Akala ko wala na iyon sa kaniya dahil hindi din naman siya nagtanong pagkatapos kong sabihin sa kaniyang meron akong boyfriend.

"Hindi naman iyon mahalaga."

Hinarap niya ako. He looked so good when his hair is messy. Parang ang sarap lapitan at ayusin ang buhok niyang magulo.

Tumaas ang sulok ng kaniyang labi. "Why? Keeping him a dirty little secret?"

"D-dirty what!?" gulat kong tanong.

He chuckled a bit. Hindi ko alam kung bakit parang ang lakas ng dating niya kapag humahalakhak siya. Shit! May sira na yata ang pandinig ko.

Humakbang siya ng dalawa sapat na maglapit kami. Umatras naman ako nang bahagya. Napahigpit ang hawak ko sa mop ng may kung ano maramdaman sa aking tiyan.

"Or maybe you're just acting like you have one... why is that, though?" humakbang pa siya ng malaki halos mapasubsob na ako sa kaniyang dibdib kung hindi lang ako umatras. His voice is husky. Namamaos na parang nang-aakit.

Unknown Mistake (Raquel Boys Series #1)COMPLETED✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon