Chapter 6

37 3 0
                                    



----

"An School Festival.. pupunta dito ang mga iba pang student galing sa iba pang school." Sagot ni sir Zein sa babae, "and we need a representative for that event at ang president niyo iyon. Bawat section meron ng class president tayo nalang ang wala."

"Wayne! Si wayne yung bagay na President!" Napalingon ang lahat sa sumigaw na babae.

"No! Si Clinton ang bagay!"

"Oo nga!"

"Tama, tama!"

"Oo!"

Halos lahat ay sumang-ayon, habang ako at yung dalawa nanahimik lang, hindi iniintindi kung ano bang mangyayari sa event na yun. At saka hindi naman daw interesado si Vinna at Azzi jan kaya nanahimik nalang ako at 'di kumibo. Bahala sila mag-plano basta ako sasali lang pag araw na ng event.

"Teka, maglaban nalang kaya sila!"

"C-j and Wayne, do you agree?" Tanung ni sir Zein.

Aangal pa sana si Wayne, pero inunahan na siya ni C-j na sumagot, "oo." Tipid na sagot ni C-j. At saka ang talim din ng tingin ni C-j kay Sir Zein.

Napailing nalang si Sir sa pinapakitang ugali ni C-j sakanya. Iba din pala ang ugali nitong si C-j. Pero aaminin ko crush ko siya! Haha. Kahit cold at parang walang pake sa mundo.

Nagsimula simula na silang maglakad patungo sa harap ng klase, nagharap sila si C-j tinaas yung manggas ng kaniyang polo at si wayne naman ay tinanggal ang tie niya at binuksan ang dalawang botones sa taas. Na siyang dahilan ng tilian ng girls.

Nagtakip naman kami ni Azzi at Vina ng tenga. Nakakabingaw! Ang lakas ng tilian pati lalake tumitili.

Nagulat ako ng iharap ni Wayne ang kamao nya sa harap ni c-j. Teka! Magsusuntukan ba sila? Hinarap din C-j ang isa nyang kamay at at at

Nagbato-batopik..

Tilian lang sila ng tilian-- may nakita pa ako na parang nag bobroadcast ng balita mic nya yung ballpen, camera yung kamay..

Tinignan ki si sir, pero napailing lang sya..

Chant sila ng chant ng pangalan ni Wayne at C-j.. tapos paulit-ulit na sinasabi ang bato-batopik.

Papel si wayne gunting si c-j
Bato si wayne gunting si c-j

And so on..

Parang focus na focus ang dalawa

Hanggang sa matalo si C-j at nanalo si Wayne. Smug smile was plastered on Wayne's face-- tinignan ako ni Wayne at kumindat.. napairap ako sa kalokohan nya.

Habang si C-j ay bigong umupo sa upuan, parang nawalan sya ng isang libong pera sa mukha nya ngayon. Ganyan ba kaimportante ang position bilang president para sa event na iyon?

Tumahimik ang lahat at nagsimula ng mag discuss si sir Zein tungkol sa event na iyon.

"I will separate you all into four," sambit ni sir " The hiphop team, performance team, vocal team, and lastly ang sasali for the pageant" wow! May pa-ganern.

Kakaiba!

Napa-isip ako, ba't ba parang napaka importante ng position bilang president for C-J and Wayne.

Nagsimula ng pumili si sir ng isasali. Pero may isa akong ikinagulat mga prendz. Pinili ni ser si Charles para sa performance team-- that means marunong syang kumanta?

My Total Opposite [7-Teen Series)Where stories live. Discover now