Chapter One: Meet The Lanzana's

1 1 0
                                    

"MARCUS!" Umaalingaw-ngaw ang matinis na boses ng isang babae sa dakong kaliwa ng isang mala-mansyon na bahay. Wala nang ibang magawa si Marco kundi takpan na lang ang kanyang mga tenga nang mapadaan sya sa kwarto ng kakambal nya.

Nakasalubong nya ang Dad nila na nakakunot ang nga kilay.

"Sino nanaman ang bitbit ni Marcus?" Pagtatanong ng Dad nila na halatang tutol sa gawain ni Marcus.

"Si Jamea po Dad, yung co-worker nya sa part time job nya," tinakpan nya uli ang tenga nya nang muling narinig ang boses ng babae habang sinisigaw ang pangalan ni Marcus.

"Hay, kelan kaya titino ang kambal mo?" Napayukom na lang si Marco. Alam na nyang kelanman ay hindi na titino ang kakambal nya, marami nang babae ang naikama nito, kabilang na rin ang mga past girlfriends ni Marco. Ayaw talaga nyang makipagaway sa kuya nya, kaya lang si Marcus talaga ang nagiignite ng away nila.

"By the way, magbabakasyon pala rito si Tita Marga at Tito Franco mo," Napangiti si Marco nang marinig ang balita. "And yes, kasama si Tootsie at si Franz," mas lalong lumaki ang ngiti nya nang marinig iyon, si Tootsie ang alagang Husky na aso ng tita nya, at si Franz ang pinsan nya.

"Kasama rin pala nila si Janelle," Biglang nawala ang ngiti sa kanyang mukha at bakas sa mukha nya ang pagaalala. "Dad, parang hindi magandang idea yun, alam naman nating step cousin ko lang si Janelle, delikado sya kay Marcus. Parang hindi naman natin kilala si Kuya," tumango ang Dad nya at napaisip, maya-maya'y tumingin sya kay Marco at ngumiti. "And now that you mentioned it, bibigyan kita ng task, ikaw ang magbabantay kay Janelle. Make sure na hindi sya maikakama ng kambal mo, alam mo naman kung gaano kamahal ni Tita Marga mo ang pinsan mong yun," tumango si Marco, isang mabigat na task ang ibinigay ng Dad nya, at kailangan na hindi iyon malaman ng kuya dahil once na malaman nya yun, kung kesa umiwas ay mas lalong ilalapit ni Marcus ang sarili nya kay Janelle.

Biglang bumukas ang pinto,ng kwarto ni Marcus at bumungad ang lalakeng kahawig na kahawig ni Marco at wala itong pantaas na saplot. Sumunod rito ang babaeng nakapostura ngunit halata sa kanyang mukha na pagod na  pagod ito, mukhang uuwi na sya at ihahatid ni Marcus. Walang ibang magawa si Marco at ang Dad nya kundi ang tumingin sa babaeng iyon, napakalaki nang ngiti nya, isang senyales na may sinabi ang kuya nya kaya napa-oo nya si Jamea. Ngunit ang hindi alam ni Jamea eh pagkatapos makuha ni Marcus ang pakay nya, babalewalain na sya nito.

Napabuntong hininga na lang si Marco, hinawakan nang Dad nya ang balikat nya at ngumiti, parang sinasabi nito na, umaasa ako sayo Marco, sana mapagtagumpayan mo ang task na ibinigay ko saiyo. Ngumiti na lamang si Marco at umalis na ang Dad nya, bago sya pumasok sa kwarto nakarinig sya nang malakas na tunog na animo'y parang sampal sa mukha. Sumunod naman ang malakas na kalabog ng pinto nila. Mukhang nakipagbreak na si Marcus sa kaawa awang babaeng iyon.

Bago tuluyang pumasok si Marco sa kayang silid, nakita pa nya si Marcus habang umaakyat na hawak hawak ang kanyang namumulang mukha. Bakas sa mukha nya ang sakit ngunit sya'y sanay na rito kung kaya't nang mawala wala na ang hapdi ay napangiti sya at pumasok na rin sa silid nya. Napabuntong hininga na lamang uli si Marco at pumasok sa kwarto nya.

Hindi nya makausap ang kuya nya dahil may panibagong away nanaman sila, may babae kase na nagugustuhan si Marco ngunit nang malaman ito ni Marcus ay sinisumulan na nya itong pormahan. At hindi na sya magugulat na isang araw lalabas narin sya sa kwarto ni Marcus na pagod na pagod. At hindi nya makakayanan iyon.

The Lanzana'sTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon