Kabanata 5
Kendall/Veronica Point of View
"Uy Veronica! Tinatawag ka na sa loob ng studio, ikaw na yung kukuhanan." Sabi ni Kaye.
Tamad akong lumabas ng dressing room at nagtungo sa studio. "Veronica ayusin mo naman ang pagtayo tsaka pag-pose, para kang lantang gulay."
"Sorry po sr. Laño." Sabi ko sa photographer.
Bukod kasi sa pagiging artista ko, puma-part time din ako mag-model. Ganun yung kapatid kong bata, si Christine.
→Fast Forward←
"Pansin ko couz ilang beses ka pinagalitan ni sr. Laño. Ano bang problema mo?" Tanong sakin ng aking pinsan.
Kasakulukuyan kaming kumain ngayon sa condo ko, si Marck naman ay nasa sa sala nanonood.
"Pinsan may nararamdaman kasi akong kakaiba eh."
"Ano?" Kunot noong tanong nito.
"Diba na kwento ko sayo dati na nagmahal ako ng kapwa ko babae?" Tumango ang aking pinsan. "Bumalik na siya couz, nandun siya sa bar. Siya yung dahilan kung bakit umaga na ko nakauwi at pinauna ko na kayo."
"Ohmygosh! Don't tell me may nangyari sa inyo?" Putcha! OA talaga ng pinsan ko.
"Gaga." Sabay batok sa kanya. "Walang nangyari, okay? May iba kasi akong naramdaman nung makita siya ulit."
"Bumabalik yung pagmamahal mo sa kanya noh?"
"Hindi ko alam pero parang ganun na nga."
"Naku! Mahirap yan."
"Anong gagawin ko?" I sighed.
"Madali lang, makipag-usap ka sa kanya."
"At ano naman ang sasabihin ko?"
"Makipag-close ka sa kanya then tanungin mo siya kung may girlfriend na siya. Pag sinabing wala, edi may pag-asa ka. Pero kapag sinabi na meron, ekis kana."
Ouch! Sakit naman magsalita netong pinsan ko. Pag ako nainis tatanggalan ko 'to ng trabaho.
"Yan lang ang paraan para malaman mo kung aasa ka pa ba o lalandi kana. Cge puntahan ko muna si Marck."
Tinapik muna ako nito sa balikat bago tuluyan na umalis sa aking harap.
Heaven Point of View
"Ms. Scaletta okay na po ang trabaho nyo rito sa pilipinas, pwede na po kayo bumalik sa america." Balita sakin ng bodyguard ko.
"I know but hindi pa ko babalik sa america, gusto ko muna mag-saya kasama ang mga kaibigan ko." I said.
"So kelan nyo po balak umuwi?" He asked.
"Next month." Tipid kong sagot. "Nga pala wag mong babanggitin kay ate Driana na tapos na ang trabaho ko, pag nagtanong siya sayo sabihin mo hindi pa."
"Yes ms. Scaletta. Masusunod, aalis na po ako." Nagbow ito tas lumabas na ng aking opisina.
Dinial ko sa cellphone ko ang number ni Veronica. "Hello?"
"Hi Veronica."
"Oh Heaven? Ikaw pala. Akala ko kung sino."
Sumulyap ako sa orasan, nakita kong seven thirty palang ng gabi. "Are you tired?"
"No."
"Are you free?"
"Yes, why?"
"Can we go out?"
"Yes, why not?"
"Give me your address and susunduin kita."
"Okay, i'll text nalang."
In-end nya na ang tawag. Nakatanggap agad ako ng text dito, tinext niya sakin kung anong address ng condo niya.
Sa mamahaling condiminium pala siya nakatira. Iba na talaga siya, hindi na siya yung dati. Pero ganun pa rin ang kanyang ugali, mabait at magalang.
Kinuha ko ang susi ng car ko then lumabas na ko ng office. Tumungo ako sa underground parking lot at sumakay sa aking kotse.
→Fast Forward←
Hininto ko ang aking kotse sa gilid.
To: Veronica
I'm here na, nandito ako sa labas. I'll wait for you.
[Sent: 8:10 PM]
Maya't-maya nakita ko itong papalabas ng door, naka-dress ito. Dahan-dahan kong pinaandar ang kotse patungo sa kanya. Sa mismong harap nya ko pumarada, binuksan ko ang shotgun seat.
"Thank you." She said pagka-sakay niya. "Saan tayo pupunta?"
"Nag-dinner kana ba?" Tanong ko at kinabit ang aking seatbelt.
"No."
"Dinner muna tayo then may pupuntahan tayo pagtapos." Pinaandar ko na ang kotse.
Tumungo kami sa isang mamahaling restaurant, syempre VIP kami. Baka mamaya hindi na kami makakain dahil im sure pag nakita ng tao si Kendall pagkakaguluhan siya.
End of Chapter
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
TNG BOOK2: Returning Love
Любовные романы"I love you, Nasty Girl." They will be together?