Ako si Elaine. Isa akong first year college, pinag-buti ko ang pag-aaral kaya nabiyayaan akong mabigyan ng scholarship. Napa-layo ako sa aking pamilya doon sa Cebu, dahil dito sa Manila ako ay nabigyan ng pagkakataon para ipagpatuloy ang pag-aaral sa kolehiyo.
Sa apartment kung saan ako ay tumira, naroon ang kapit-bahay kong araw-araw nalang lasing, gumagamit din ng droga. Mayroon siyang asawa't isang anak.
Binata na ang anak nito, 'di maitatanggi na may itsura.・・・
"Miss, ganda mo ah. Patikim nga."
Hawak-hawak ang bote ng alak, akma nitong hahawakan ang braso ko. Buti nalang at dumating ang anak nito.
"Pa, 'wag po. Tama na 'yan."
Mahinhin ang boses ng lalake, halatang takot. Nakatikim naman ito ng suntok galing sa tatay niya dahilan ng kaniyang pagbagsak.
"Okay ka lang?"
Pag-aalala kong tanong, ini-unat ko ang kamay ko para tulungan siyang maka-tayo.
"Salamat, ayos lang ako. Ikaw ba? Pasensya na sa tatay ko ha."
Ang lambot ng boses niya, para bang inosente kung iku-kumpara sa tatay nito.
At doon nagsimula ang lahat.
・・・
Niligawan ako ni Bernard, ng malaman kong nag-aayos siya sa pag-aaral at may pangarap ito sa buhay ay sinagot ko siya pagkaraan ng dalawang buwan.
Walang pagbabago sa tatay nito, araw-araw nalang ay mas lalo itong nagiging bayolente.
"Alam mo, kung ako sa'yo ilalayo ko nanay mo sa tatay mo. Buti natitiis mong ganyan siya?"
"Hays, ah basta. Maka-tapos lang talaga ako ng pag-aaral ilalayo ko si mama sa kaniya."
"Pwede ka naman magpatuloy ng pag-aaral kahit wala ang tatay mo, Bernard. Pinapahirapan niya lang kayo."
"May dahilan ako, Elaine. Saka ko nalang sasabihin. Makatapos lang tayo ng pag-aaral, giginhawa rin kami."
Suminghap siya ng malalim, saka sumandal sa balikat ko. Ramdam ko ang hirap at bigat na dinadala niya.
・・・
Hindi ako na-sundo ni Bernard sa school dahil may OT siya, bilang working student.
Pagod na pagod akong umuwi, pagkahubad ko ng sapatos ay bumugsok agad ako sa higaan.Ilang sandali pa... 12:31am, madaling araw na. Hilong-hilo ako, hindi ko alam ang nangyari. Nang hawakan ko ang bandang dibdib ko'y namalayan kong wala na akong saplot pang-itaas. Gulat na gulat akong bumangon.
Mas nagulat ako ng makita ko sa'king tabi ang tatay ni Bernard, mangiyak-ngiyak ko itong pinaghahampas.
"Hayop ka! Ipapakulong kita!"
"Tulooong!"Sigaw ko, ngunit tila ba'y walang nakakarinig.
Tinulak ako nito sa sulok, malakas ang pagkaka-hampas ko. Mabilis akong nanghina kaya hindi ako maka-tayo.
"Papatayin ko si Bernard 'pag nag-sumbong ka sa pulis o kahit kanino, 'wag ka rin magtatangkang kausapin siya mula ngayon. Dahil 'pag ginawa mo, papatayin ko siya pati ang nanay niya, tandaan mo 'yan!"
Mabilis ako nitong nilisan. Naiwan pa nga ang damit niya pang-itaas.
Naalala ko, dahil sa pagod ay nakalimutan kong i-sara ang pinto, huli na ang lahat. Huli na. Sira na ang pagkatao ko, ang buhay ko, ang pagka-babae ko.
・・・
Sa takot kong patayin nito ang pinaka-mamahal kong lalake ay nanatili akong tahimik. Hindi na ako pumapasok, pati si Bernard ay iniwasan ko para sa kaligtasan niya.
Hindi rin ako nagtangkang umuwi sa aking pamilya sa Cebu, ayaw kong mapahiya. Ayaw kong sirain ang pangarap nila sa akin na sinira mismo ng tatay ng mahal ko.
Umalis ako sa apartment at lumipat ng ibang lugar, nag-trabaho ako. Binura ko ang lahat ng naging koneksyon ko kay Bernard para hindi niya ako mahanap.
・・・
Ngayon ay pitong buwan na ang batang dinadala ko, malaki na rin ang aking tiyan ngunit nagtatrabaho pa rin ako.
Galit man ako sa gumawa nito ay hindi ko inisip na ipalaglag, dahil ayaw kong pumatay ng inosenteng nilalang.Habang nagtitinda ako ng sampaguita sa tabi ng tindahan, isang lalaking naka-kotse ang huminto sa aking harap. Lumabas ang may-ari ng sasakyan, gwapo itong tingnan sa pormal na suot.
"B-Bernard?!"
Kumintab agad ang mata ko ng makita ko siya.
"Elaine..."
Humakbang ito pa-lapit sa akin.
"Nasaan ang tatay niyan? Siguraduhin mong matino 'yung pinalit mo sa'kin. Pero halatang hindi, naglalako ka nga lang ng sampaguita eh. Kung hindi mo sana ako iniwan, kung hindi ka sana nagpabuntis sa kung sino? Maayos sana ang buhay mo ngayon, kasama ako. Inuna mo kalandian eh."
May pagmamayabang ang tono ng pananalita niya, hindi ko alam pero kahit sobrang sakit ng sinabi niya ay hindi ko magawang magalit.
Ngumiti ako saka nagsalita."Naka-wala na ba kayo sa puder ng tatay mo? Halata nga, alam kong ilalayo mo sila sa kaniya kapag naka-ahon ka. Masaya ako para sa'yo, Bernard."
Pigil-iyak akong nagsalita. Hinagis niya ang isang libo saka muling sumakay ng sasakyan, mabilis niya itong pinatakbo na halos matalsikan ako ng putik.
Hindi ako naka-hinga ng maayos dahil sa pag-iyak, sobrang sakit sa akin.・・・
Tatlong taon na si Matthew, minahal ko siya higit sa sarili ko na para bang hindi isang bangungot ang pagdating niya. Inisip ko nalang, anak ko 'to. Kapatid 'to ng lalaking mahal na mahal ko.
Hindi ko na muling hinanap si Bernard, masaya ako para sa kaniya.
Pero hinanap ko ang tatay nito at pinakulong.Sa kulungan, nadatnan kong naka-posas ang tatay nito at tumatawa.
"Sinong bata 'yan?! May iba pang tumira sa'yo bukod sa'kin kaya nag-bunga?"
Sinampal ko ito, halos maiyak ako sa galit ng makita ko ang tatay ni Bernard na ngayon ay naka-posas na.
"Hayop ka, magdusa ka ngayon! Sinira mo ang buhay ko!"
Nanginginig akong nagsalita.
Isang lalake ang dumating.
"E-Elaine?"
Humarap ako't nakitang si Bernard ito. Kanina pa pala siya nasa likod.
"Alam ko na ang lahat, alam ko na rin
ang ka-hayupang ginawa sa'yo ng tatay ko, alam ko na ang nangyari pati ang sakripisyong ginawa mo. Patawarin mo ako kung wala akong nagawa."Lumuhod ito sa'king harap, iyak ng iyak. Katulad noong unang pagkikita namin, inunat kong muli ang kamay ko para i-tayo siya.
"Tapos na, nangyari na, Bernard. Siguro nga kapalaran ko talaga 'to."
Lumapit siya sa anak ko, niyakap niya ito ng mahigpit.
"Bernard, kapatid mo 'yan."
Umiling-iling siya na para bang tinatangging kapatid niya ito.
"Hindi, Elaine. Bago ka hayupin ng tatay ko, hindi ba't may nangyari sa atin? Lasing ka noon, kaya hindi mo alam. Umalis ka kaya naisip kong baka may iba kana, lalo na nung makita kong buntis ka. Galit na galit ako sa'yo noon. Pero ngayong alam ko na ang lahat, hindi ko na kayo papabayaan."
Naguluhan ako, hindi ko alam ang iisipin. Ang alam ko lang ay sobrang masaya ako para sa amin ng anak ko.
"Walang kakayahang bumuntis ang tatay ko, Elaine. Naalala mo kung bakit lagi siyang galit sa akin? Dahil hindi niya ako anak. Galit siya dahil hindi niya kayang bumuo, imposibleng maging anak 'yan ng tatay ko.
Hindi ko siya kapatid, anak ko siya."