Nagdaan ang mga araw na naging mahirap sakin ang pagbubuntis.
Walang araw na hindi ako nagsusuka, nahihilo, nagke-crave ng kahit na ano at may araw ring nahimatay ulit ako.
Buti nalang talaga at nariyan sila Maam Amandine at Sir Zeyr para tulungan ako.
Oo, alam na nilang buntis ako.
Wala sana akong balak na ipaalam sakanila dahil alam kong marami rin silang ginagawa sa trabaho at baka makaistorbo pa ako. Tyaka marami na silang naitulong sakin kaya naman nahihiya na akong pati sa pagbubuntis ko ay sila parin ang mamroblema.
Pero nalaman rin naman nila nung oras na naospital ulit ako. Naghahanap sila ng mga relatives ko pero wala namang pumupunta kaya pinakeilaman naraw nila yong phone ko.
Nahihiya tuloy ako kanila Maam Amandine at Sir Zeyr dahil malalaman nalang nila na buntis na nga ako tapos hindi man lang ako nakapagparamdam sakanila. Pero hindi naman sila nagalit sakin at sobrang natuwa pa nga sila dahil may magiging apo na sila kahit hindi naman nila ako tunay na anak. Sino naman daw sila para husgahan ako.
Wala rin naman akong naisagot sa tanong nila na kung sino ang ama nitong bata. Hindi ko pa kayang idetalye ang istorya ng buhay ko at naiintindihan naman nila iyon.
Ganon sila kabuting tao para intindihin ako at ang mga naging desisyon ko.
Mahirap talagang magbuntis lalo na kung wala kang kasama para harapin ang mga pagsubok sa bawat oras habang may nabubuhay sa sinapupunan mo.
Nandito ako ngayon sa condo ko habang nanunuod ng TV.
Gusto nga sana akong isama nila Maam Amandine sakanila para doon na tumira pero hindi ko tinanggap.
Nakakahiya na kasi kung doon pa ako tutuloy at tyaka baka pag bumalik si King ay wala syang maabutan dito, kaya naman napilitan nalang silang hayaan ako sa gusto ko. Pero para daw hindi ako mahirapan sa mga gawaing bahay at para raw may mag bantay sakin dito ay napagdesisyunan nilang kumuha ng katulong.
Buti nalang talaga at mayroon akong Maam Amandine at Sir Zeyr na tinuturing ako bilang anak kaya tuloy parang may totoo akong mga magulang.
"Maam, may gusto po ba kayong kainin?"
Nabaling ang tingin ko sa likod ng magsalita si Cassie. Sya iyong katulong na kinuha nila Maam Amandine. Pitong taon lang ang tanda nya sakin pero masasabi kong mabuti at magaling syang katulong.
"Ahh, hindi na. Nag-order rin naman kasi ako ng pizza at baka parating narin yon. Magluto ka nalang ng pagkain ng para sayo." Nakangiti kong sagot sakanya.
"Kumain na po ako kanina, Maam" narinig kong sabi nya.
"Ah sige"
Tinutok ko na ang tingin sa TV at mainam na nanuod.
"Sige po Maam. Kukunin ko lang po yong vitamins nyo para makainom narin kayo"
"Sige" hindi ko na sya binalingan ng tingin kahit may mga sinasabi pa sya. Hindi ko narin kasi marinig dahil mahina na ang pagkakasabi nya non.
Makalipas ng ilang minuto ay narinig ko na ang mga yapak nya na papalapit sa kinaroroonan ko kaya naman binalingan ko na ito ng tingin.
Kakaibang ngiti ang nakapaskil sa labi nito habang hawak ang isang tray na may lamang baso at isang tableta ng gamot.
Inilagay nito ang tray na hawak sa mesang kaharap ko.
Ngumiti pa muna ako sakanya bago kinuha ang tubig at tableta. Ito yong vitamins na inireseta sakin ng doctor at inumin ko raw araw-araw.
Mas lumaki pa ang ngiti nya ng matapos ko itong inumin. Nagtataka naman ako dahil sa naging reaksyon nya kaya binalingan ko sya ng tingin.
Nawala naman ang kakaibang ngisi nito at napalitan ng kinakabahang tingin kaya mas lalo ko syang tinitigan.
"May problema ba Cass---" naputol ako sa pagsasalita ng biglang tumunog ang doorbell kaya sabay kaming napatingin roon.
Narinig ko ang pagbuntong hininga nya bago ulit lumingon saakin.
"Titignan ko lang po kung sino iyon"
Kahit na nagtataka parin ay tumango nalamang ako bilang pagpapahintulot.
Tumayo na sya at naglakad papalayo.
Makalipas ng ilang minuto ay hindi parin sya bumabalik kaya napagdesisyonan ko ng tumayo at tumungo rin sa pinto.
Malapit naako sa pinto kaya mahina ko ng naririnig ang paguusap nila. Kaya pala medyo natagalan sya kasi nakikipagusap pa don sa delivery boy.
"Cassie" pagtawag ko sa kanyang pansin.
Napapitlag naman si Cassie at gulat na tumingin saakin.
Problema nito? Kanina pa sya ganyan ah?
"Ahh M-maam yong pinadiliver nyo p-palang p-pizza.." nauutal nyang pahayag.
Nangunot na naman ang kilay ko dahil sa kakaibang pinapakita nya sakin. Ipinilig ko nalamang ang mga bumabagabag saakin at tumingin sa lalake.
Nakasombrero ito at nakamask kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nya. Nakasuot rin sya ng tamang uniporme.
Pero bakit parang pamilyar ang tindig nya?
"Good afternoon Maam. Here's you're order"
Paos ang boses nya at medyo bilog, dahil yata sa suot na mask.
Pero bakit nakaramdam ako ng takot?
Hindi ko alam pero parang iba sya sa parating naghahatid saakin ng order ko, o baka emahinasyon ko lang?
Tama, baka gawa rin ito ng pagbubuntis ko kaya nakakapag-isip ako ng kungt ano.
"Thank You" nakangiti kong sabi.
Hindi ko pa makita ang mukha nya dahil naka yuko lang sya habang nagsusulat sa papel.
Bakit pakiramdam ko ang weird talaga?
"Please sign this part Maam" sabi nya ulit sakin at ibinigay ang papel at ballpen na hawak nya kanina. Tinuro nya pa kung saang parte ako pipirma.
Kinuha ko naman ito sa kamay nya at pinirmahan.
Ramdam ko ang kakaibang titig nya sakin kaya mas lalo akong nakaramdam ng takot.
Dali-dali ko ng tinapos ang pagpirma at ibinigay kaagad sakanya ito. Sa pagtaas ko ng ulo ko ay sakto namang nakita kong nakatingin pala sya sakin kaya nasilayan ko na ang mga mata nya.
Malalim itong nakatingin saakin at mababakas ang isang ngisi sa labi nya kahit natatakpan pa ito ng kulay itim na mask.
Nakaramdam ako ng sobrang takot ng oras na magtama ang aming mata. Kakaiba ang pinapahiwatig ng kanyang titig at ngisi.
Napahawak nalamang ako saaking tiyan ng mapagtanto kung sino ang nagmamay-ari ng mga matang iyon.
Ohh a-ang baby ko.
Dobleng kaba sa mga oras na ito na halos gusto ko ng tumakbo papalayo at humingi ng tulong.
Pero hindi ko kaya.
Wala akong magawa.
"Its been a while since I saw you, Hevendyze."
-----------
YOU ARE READING
I'm Addicted To Her Body
Non-FictionPrologue : Pinagpalit mo ako sa ibang babae dahil wala akong alam tungkol sa SEX? Na ang kailangan mo lang pala ay ang virginity ko? Anong klase kang tao? Minahal mo man lang ba ako? Pwes.. Kung yan lang naman pala ang hinahanap mo pag bibigyan kita...