Three

979 31 5
                                    

Tumunog ang cellphone ko at nakarinig ako ng isang text message.

"Go to the Garnet's room. We're only waiting for you, the other Garnets are already here. Kat 'to."

Pagka-basa ko ng message ay agad na akong nagbihis ng simpleng cami string top paired with a white denim shorts and slides. Lalabas na sana ako ng pinto ng makaramdam ako ng sakit ng ulo, hindi ko maipaliwanag ang sakit kaya napaupo nalang ako sa kama ko.

Habang nahihilo ako, may mga scenarios na nasa isip ko.

Isang babaeng nasagasaan, pero hindi siya nag-iisa. Kasama niyang nasagasaan ang isang lalaki. Parehas silang walang malay at maya-maya ay may dumating ng ambulansiya.

Ginawa ko ang aking makakaya para maka-kuha ng tubig at mahimasmasan. Matapos nun ay narinig ko ang pagbukas ng pinto at pumasok si Kuya.

"Rienne, all of the Garnets are waiting for you. Faster." Bossy na sabi ni Kuya

"Eto na po, I'm papunta na." Sabi ko sa kabila ng pakiramdam.

"Tara na." Sabi ni Kuya at nai-seal ang kwarto namin ng ID niya at ID ko. "Kapag nakita mo ang Garnets, i-expect mo nang yayakapin ka nila. Malambing sila eh."

Matapos ang limang minutong paglalakad, nakarating na kami sa isang malaking kwarto— pero mala bahay na siya sa laki.

"Ito ang hang-out place ng Garnets. Binigyan tayo ng ganitong room."

Itinapat ni Kuya ang ID niya sa seradura ng pinto at ang ID ko rin at nagbukas naman ang pinto.

Nagulat ako ng halos lahat ng Garnets ay hindi umiimik. Bakit sabi ni Kuya? I should've not expected.

"Angelo, si-siya yung—" Naputol na ang sasabihin ng isang lalaki ng tinakpan ni Kat ang bibig niya.

"Guys, si Sly lang kilala niya saatin. So introduce yourselves." Pag-aawat ni Kat sa kanila.

"Hi! I'm Lysa Andge Clark. Nice to meet you." Masiglang bati ng isang maliit na babae. 5'9 ang height ko at tantiya ko ay 4'11 siya. And I find it cute. Maputi siya at may magandang mata.

"Hi. I'm Kiel, kambal ni Ate Kat. Ang oppa ng mga Garnets." Natawa ako sa kahanginan niya. Tama lang ang height niya at kapansin pansin ang mahabang pilik-mata niya at ang blue braces niya.

"Hi, baby. I'm Vbren." Maikling pakilala niya at kinindatan ako. Napa-cringe ako. Matangad siya, magka-height lang sila ni Andrei na sa tantiya ko naman ay 6'1.

"Hoy, Ren-ren, tigilan mo nga yan si Adrienne. Tatadyakan kita diyan, makita mo." Saway ni Shaun kay Vbren.

"Hoy, ano to, Shaun? Adrienne?" Sabi ni Kiel kay Shaun. Mukhang Shaun din ang tawag niya.

"Tara, Rienne. Samahan moko bumili ng snacks natin." Yaya ni Kat saakin.

Wala akong nagawa kundi sumama.

-

"Shaun, sagutin mo kami. Bakit kamukha siya ng ex-girlfriend mo at kapangalan?" Tanong ng binatang si Kiel.

"H-huh? E-ewan ko." Uneasy na sagot ni Angelo.

Sa totoo lang, siya talaga yun.

Two years ago.

"Adrienne! Mag-usap tayo. Hindi pwedeng ganto lang."

"Shaun, aalis na ako. Ayoko pa. Parehas pa tayong hindi handa sa seryosong relationship. Masyado pa tayong bata para dito, eh." Sabi saakin ni Adrienne habang umiiyak.

"Sa tingin mo hahayaan ko ito? Adrienne, wag naman ganito. Sinabi ko naman na handa kitang ipaglaban diba?"

"Sige na, uuwi na ako." Pagse-segway niya sa usapan.

"Kung 'yan ang gusto mo. Ihahatid na kita."

Hindi naman niya ako pinigilan at hinayaan lang na sabayan siya maglakad. Malapit lang ang bahay nila saamin kaya't naglakad na lang kami.

Hindi namin alam na may paparating palang truck at 'yon lang ang huli kong nakita.

Nagising ako sa isang hospital at hiniling na sana ay hindi nalang pala ako nagising.

Nakalimutan niya na ako.

"Fine. Oo, siya yung kini-kwento ko sa inyo. Siya yung girlfriend ko na nakalimutan na ako. Happy?" Sagot ni Angelo.

"Bro, alam mo? Hindi mo naman kailangan malungkot, eh. Kung hindi ka maalala, edi ikaw ang gumawa ng paraan." Page-encourage ni Vbren.

"Tama siya, Bro. Nakaya mo ngang ligawan dati, eh. Pano pa kaya ngayon na malapit na kayo sa isa't isa. Tutulungan ka namin, you know." Sabi naman ni Kiel.

"Hindi masasaktan si Adrienne sa plano niyo. Wala akong pakealam kung anong gusto niyong gawin. Siguraduhin niyo lang na hindi masasaktan kundi, alam niyo na mangyayari sainyo." Seryosong sabi ni Sly.

"Guys, thank you. Hindi ko alam kung dapat ko bang gawin 'to, pero gagawin ko. Hindi ko alam kung paano kayo papasalamatan. Don't worry, I promise to win her back." Sincere na sabi ni Angelo.

"Okay then. Let's call this Operation: Win Shaun's Rienne back. Ang ganda diba?" Ani Vbren.

"I'm not into this idea. Stop it." Naiinis na sagot ni Sly. Naiwan namang naka-tulala si Angelo. Mula pa man noon, hindi na talaga gusto ni Sly ang ideya na maging si Adrienne at Angelo. Masyado pang bata ang mga ito para pumasok sa isang relasyon.

"KJ!" Sigaw ni Kiel.

"Kapag ayan tinuloy niyo!" Iritang sagot ni Sly at lumabas na ng kwarto.

Natahimik silang lahat ng may sinulat siya si Kiel sa isang papel.

"Okay, so ito ang draft natin sa plano ni Angelo. Suggestion niyo?" Tanong pa ni Kiel saming lahat.

"Siyempre, dahil nakalimutan na ni Rienne si Shaun, kailangan na i-close mo si Rienne. Pero sinasabi ko lang sainyo kapag nagalit si Sly labas na ako diyan." sabi ni Vbren.

Sumang-ayon ang lahat sa sinabi ni Vbren kaya't sinulat na iyon ni Kiel.

"Ako may suggestion! Pagkatapos mo siyang i-close, alam natin na marupok kaming mga babae. Joke. Basta, yung usual na napapanood mo sa mga palabas. Lagi mo siyang asarin, yung tipo na hindi mo ipaparamdam na awkward siya dahil babae siya at lalaki ka. Sort of things like that." Sabi ni Lysa saakin. Nandito pala siya? Akala ko nga sumama kila Adrienne, eh.

"Tapos Bro, iwasan mong magpaalala sakanya ng past niya. Kasi posible na ayaw niya nang maalala na naaksidente siya, at gumawa kayo ng baby- este ng bagong memory!" Binatukan ko si Kiel sa sinabi niya. Gumawa ba naman daw ng baby!

"Eh, kung bitinin kaya kita diyan? Baby ka jan!"

"We're back! Anong pinag-uusapan niyo?" Marinig ko palang ang boses ni Adrienne ay agad na akong napatayo.

"Soccer." Sabi ko

"Ikaw." Sabi ni Vbren

"Pagkain." Sabi ni Sly

"Books." Sabi ni Lysa

"Si Ate." Sabi naman ni Kiel, at binatukan siya ng Ate niya.

Nagkatinginan naman si Adrienne at Kat, at nagkibit-balikat na lamang. For sure nawi-wierdohan na siya saakin.

Kung sana lang naalala mo pa ko, it wouldn't have been so hard. We wouldn't have been in this situation.

Stone Academy: School of CompetenceWhere stories live. Discover now