Chapter 42

4.5K 62 9
                                    

"Guys, dito na muna kami magpapalipas ng gabi ni Francine sa resort

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Guys, dito na muna kami magpapalipas ng gabi ni Francine sa resort. Hindi pa kasi maayos ang kalagayan niya. 'Tsaka hindi ko rin naman siya maisasama sa 'min dahil baka kung anong isipin ng mga kapitbahay. Wala roon si Ate Cecile," sabi ni Raymart kina Marco at Jasper.

Alas sais na ng gabi nang tumila ang ulan. Nakauwi na ang kanilang mga kliyente at pauwi na rin sina Marco at Jasper nang oras na iyon. Hapon pa lang ay nakapag-rent na ng dalawang kuwarto si Raymart para tuluyan nila ni Francine. Awang-awa siya sa kalagayan nito. Ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat para matulungan ito.

"E, bossing. Ano ba talagang nangyari kay Francine? Bakit gano'n na lang siya nang dumating rito? Kanina pa kasi namin gustong malaman, nahihiya lang kami na magtanong sa 'yo," aabi ni Marco.

Sumang-ayon si Jasper, "Oo nga, bossing. May nangyari bang masama sa kanya?"

"Masyadong personal. Hindi ko puwedeng sabihin sa inyo," sagot ni Raymart.

"Gano'n ba?" Napakamot si Jasper sa batok. "Hindi bale, sigurado ako na kung ano man ang problema niya, matutulungan mo siya. Husayan mo lang bossing para magustuhan ka na rin nya," biro nito.

"Puro ka talaga kalokohan," sabi ni Raymart. "May asawa iyong tao. 'Yang bunganga mo ah."

"O, e ano naman? Hindi ba't uso naman ang third party ngayon? Maki-party ka na rin, bossing!" pang-aasar ni Marco.

Kumunot ang noo ni Raymart. "Alam nyo, kayong dalawa. Kung wala kayong magandang sasabihin, e umuwi na kayo. Huwag nyong hayaan na bawasan ko ang mga suweldo nyo."

"Uy! Joke lang iyon." Nag-peace sign si Marco. "Ikaw naman bossing, hindi ka na mabiro."

"Tara na kasing umuwi!" Hinila ni Jasper sa kamay si Marco at nagpaalam na kay Raymart. "Sige po, bossing. I-chat mo na lang kami kapag may bagong client na, ah. Bye!"

Pagkuwa'y bumalik na sa lodging place si Raymart. Magkatabi lang ang kuwarto nila ni Francine kaya sinilip niya muna ito.

Then suddenly, nang buksan niya ang pinto ay nagulat siya nang makitang may hawak na gunting si Francine at nakatapat ang matulis na bahagi nito sa kanyang pulso. Naisip niyang magpapakamatay ito kaya patakbong inagaw niya agad iyon sa kanya.

"Akin na yan! Ibalik mo sa 'kin 'yan!" umiiyak na sabi ni Francine at nagpumilit na agawin kay Raymart ang gunting.

"Nasisiraan ka na ba ng ulo!? Hindi mo ba alam na kasalanan sa Diyos ang pagpapakamatay!?"

"Wala akong pakialam! Gusto ko nang mamatay! Pabayaan mo na lang akong mamatay!" Sinubukan niyang agawin muli ang gunting. "Akin na sabi yan, e! Ibalik mo sa 'kin yan!"

"Hindi puwede!" At biglang ibinato iyon ni Raymart sa labas. Then, hinawakan niya ito sa magkabilang-balikat. "Gumising ka nga, Francine! Magpapakamatay ka nang dahil sa kanila!? Sasayangin mo ang buhay mo nang dahil lang sa pinagtaksilan ka!? Hindi ka ba naaawa sa sarili mo!?"

Sinful Heaven [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon