Kabanata 6

562 17 0
                                    

Kabanata 6

Kendall/Veronica Point of View

"Hmm . . Veronica, how's your life?" Nag-angat ako ng tingin.

"Okay naman. Maayos na ang buhay, hindi na tulad ng dati." Sabay ngiti ko.

"Are you single or taken?" Naubo ako sa tanong nito. Agad kong kinuha ang tubig at ininom. "Sorry, nabigla ka ata sa tanong ko."

Nilunok ko muna ang tubig bago nagsalita. "No, it's okay. Nabigla lang talaga ako."

"Okay. By the way pagtapos natin kumain may pupuntahan tayo, okay lang ba sayo?"

"Oo naman."

Tumango naman ito sabay ngiti. Pagtapos namin kumain, binayaran nya na ang bill.

"Let's go." Dumaan kami sa isang pinto palabas. Madami kasing tao, baka may makakita sakin.

→Fast Forward←

"We're here." Nilibot ko ang aking paningin. Naaalala ko ito, dito nya ko madalas dalin nung college kami.

"Why we are here?" Tanong ko nang paglabas namin ng kotse.

"I don't know basta gusto kita dalin rito." May kinuha siya sa trunk. "Tara." Napatingin ako sa hawak niya.

"Anong gagawin mo dyan?"

"Uupuan natin para hindi madumihan yung dress mo."

Tumango ako. Nilatag niya sa tabi ng puno ang banig na hawak niya at naupo kami doon.

"May iba kana ba?" Napatingin ako sa kanya dahil sa tanong niya.

"What do you mean?"

"I mean may boyfriend kana? Ang tagal ko rin kasing walang balita sayo."

"Ah . . Wala, may inaantay kasi ako." Sabay ngiti ko. "Ikaw kamusta na? Bigla kana lang nawala ah."

"Okay naman ako, isa na akong lawyer."

"Kaya pala may mga bodyguard ka." I said.

"Yeah, delikado kasi kapag wala."

"May girlfriend kana?" Tanong ko habang nakatingin sa dagat.

Nandito kami sa isang tabing dagat. Maraming tao rito kapag umaga, sobrang ganda kasi ng view dito.






Heaven Point of View

"Wala, may mahal akong iba eh. Kaso hindi na ata pwede." Malungkot kong sabi.

"Bakit naman? May iba bang kasintahan?"

"Wala. Natatakot ulit ako mag-confess sa kanya. Nung nag-confess kasi ako sa taong mahal ko nung college, bigla nya kong iniwasan at sobrang sakit para sakin yun." May tumulong luha sa aking mata pero hindi niya iyon nakita dahil diretso siyang nakatingin sa alon.

Tumungo ako at mabilis na pinunasan ang aking luha, muli akong nag-angat ng tingin at nakatingin na siya sakin.

"I'm sorry. Hindi ko sinasadya yung ginawa ko sayo nung college, naguluhan lang talaga ako." She said in a sad voice.

"Okay lang. Siguro ito na yung time masabi ko sayo yung nararamdaman ko bago ako umalis ng pilipinas." Huminga ako ng malalim bago nagsalita. "I still love you, Kendall. Hindi nagbago yun mula ng umalis ako, kahit nasa malayo ako at wala akong balita sayo, ikaw pa rin ang mahal ko. Akala ko kapag umalis ako makakalimutan kita kaya sumama ako sa ate ko sa america pero nagkamali ako, mas lalo lang kitang minahal habang nasa malayo ka."

Bigla ako nitong niyakap. "I'm sorry because i hurt you." Niyakap ko rin ito pabalik.

→Fast Forward←

Habang nasa byahe kami ay walang imikan, tanging hinga lang namin ang maririnig mo sa loob ng kotse.

Few minutes later nakarating na rin kami sa tapat ng building kung saan siya nakatira.

"Thank you for tonight." She said while removing the seatbelt.

"Bye." Napatingin ito sakin. "Aalis na ko bukas, babalik na ko sa america. Wala na sigurong dahilan para mag-stay pa ko dito."

"Okay. Mag-iingat ka."

Alam kong gusto niya umiyak pero pinipigilan niya lang. Lumabas na siya ng aking kotse, umiiyak ako habang tinitignan siya papasok sa loob.




End of Chapter




Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

TNG BOOK2: Returning LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon