Shane D.
"Sha, 'di ka pa ba nag-sasawa kakahabol dyan kay Shawn? Halos sampung taon mo na rin syang hinahabol." Sabi ni Shy–nakakatanda kong kapatid.
"Shy naman—" Pinutol ni Shy ang sasabihin ko.
"Hay naku! Sha tigilan mo ako. Kapag hindi ka pa nag-move on sa lalaking yun ay ipapadala kita sa Spain." Sabi ni Shy.
"Pero ate—"
"Tigilan mo ako Sha! Masasaktan ka lang!" Sabi nya. Oo alam kong masasaktan ako–pero sinusunod ko lang naman ang puso ko.
"Promise ate. Last na ito." Sabi ko at lumabas na sa cafe.
Shawn R.
"Kuya Shawn!" Tawag sa akin ni Shia-nakababata kung kapatid.
"What do you want, Shia?" Tanong ko sabay tingin sa mga kontrata sa lamesa ko.
"Kuya, nasa labas si Ate Sha. Hinahanap ka nya." Sabi sa akin ni Shia.
"Sabihin mo wala ako. Sabihin mo nasa business trip ako kasama si papa." Sabi ko kay Shia, napa-kunot naman ang noo ni Shia.
"Pero kuya—"
"Just tell her,Shia." Cold na sabi ko. Pagod na rin naman ako sa kakahabol nya at nakakaawa na rin sya.
Shia R.
"Ate sorry pero wala si kuya." Sabi ko kay Ate Sha. Naka-upo sya ngayon sa sala.
"Ok lang naman yun Shia. Alam ko naman na ayaw nya akong makita." Sabi ni Ate nalulungkot ako para sa kanya.
"Ah! Pakibigay na rin sa kanta ito. Pakisabi na rin na pasensya na kung nagulo ko sya." Sabi ni ate at lumabas na sa mansion.
Dinala ko naman ang sobre sa office ni kuya.