Shane D.
"Sha, mag-iingat ka doon. Naka-enroll ka na rin dun para doon mo ituloy ang Political Science. Ito na rin ang credit card mo." Sabi ni Ate Shy.
"Salamat Ate Shy. Mamimiss ko kayo. Pati si Ella." Sabi ko at unti-unting tumulo ang mga luha ko. Mamimiss ko dito.
"Babalik ka naman diba?" Naiiyak na sabi ni Ella—kahit kailan ang overacting nitong babaeng to.
"Don't worry babalik ako. Matagal nga lang bago ako bumalik." Sabi ko napa-bunting hininga naman si mama.
"Hay naku! Mag-iingat ka dun anak ah. Huwag kang mag-alala bibisita kami sa'yo dun next month." Sabi ni mama. Mapapadaan sila dun ni papa dahil may business meeting rin dun si papa.
"I love you mama, Ate Shy, Ella–pati na run si Ellie." Sabi ko at niyakap ang aso ko.
"Tara na't ihahatid na kita." Sabi ni papa at iginuyod ang bag ko papunta sa sasakyan.
Habang nasa biyahe ay hindi ko mapagiling tumingin sa may bintana.
Mamimiss ko ang lugar na ito.