The story

2.2K 31 10
                                    

[A/N: Hi. Sana po magustuhan niyo 'to. If you know the story of AJ Perez and Steph Ayson, makakarelate kayo dito. I'm a fan before ni AJ. Ngayon naman, gusto ko gumawa ng story na KathNiel ang involve. Read and Comment ah?Thanks! :)))))]

----------------------------------------------------------------

Fangirling? Natural lang yan sa mga babaeng teenagers. Masaya, magastos, effort, tiyaga sa mga mallshows ng fina-fangirl mo. 

Pero alam niyo, dito ako nagkaroon ng boyfriend.

At siya si DJ...

-------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Nakababad ako sa TV sa twing pinapalabas yung teleserye niya. Kinikilig ako pag nakikita ko siya. Twing linggo naman, inaabangan ko rin siya sa ASAP. Mga guestings niya sa mga talkshows. Nagsi-search pa ako kung kelan yung mga mallshows niya.

One time, nagmallshow siya dito sa isang mall na malapit samin. Pumunta ako kasama mga kaibigan ko. Sobrang nakakakilig. Lalo na nung sinigaw namin pangalan niya, tumingin siya samin at kumaway. 

Masaya maging fangirl, lalo na pag nakita mo siya sa personal.

Maykaya ang pamilya namin. Nasa magandang school ako nag-aaral at may business kami. Mga kaibigan ko, anak ng negosyante, yung iba naman related sa showbiz at pulitika. 

Marami akong kaibigan lalaki. May pinuntahan kaming party at imbitado si DJ. Syempre, alam ng mga kaibigan kong guys na gustong-gusto ko si DJ. May nakapagsabi samin na may artista na invited at si DJ pala yun.

Hindi na nagdalawang isip ang mga kaibigan ko which is kaibigan din ni DJ, na i-introduce ako sa kanya.

That night was unforgettable for a fangirl like me.

Not twice, but many times kami nagkikita ni DJ. We have many friends in common nga, as I have said.

Dumating ang araw na niligawan na ako ni DJ. He asked me to be his girlfriend.

We went to a friend's condo, pinaghintay niya muna ako sa lobby at umakyat na si DJ sa elevator.

Then he texted me "Okay, you can go up na."

I took the elevator up to the building's roof deck. 

May nakita akong bouqet of flowers at malaking box sa bench. Hinanap ko si DJ, pero wala akong makita.

Umupo ako sa bech at binuksan ko yung box.

Maraming nakalagay dun like...

melted butter

rubber stamp

mighty bond.

Each item symbolized a turning point on our relationship.

Lumabas na siya. May dala-dala siyang ring and he asked me

"Will you be my girlfriend?"

As I accept his proposal, I hugged him.

Tinago namin ang relasyon namin sa limelight. Ayaw kasi ni DJ na masaktan ako o di kaya mainvolve ako sa usapin sa showbiz.

I expect na maraming magrereact kung malaman ng fans na may girlfriend si DJ na non-showbiz. At mas lalo ring magki-criticize kung malalaman nila na ako yun. Isang fangirl na morena, payat at hindi taga showbiz ang girlfriend nang isang hottest teen heartthrob sa industriya.

May mga pictures kami ni DJ na magkasama and fans are always asking if sino daw yung girl. DJ stated that the girl (which is me) is one of his closest friend. 

Fangirl's Story- KathNiel Fanfic (One-Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon