Chapter 11

204 3 0
                                    

Chapter 11

Omegesh! Bakit nandito 'tong mga 'to sa labas ng room namin?!

Hindi tuloy ako makalabas. Naaalala ko kasi 'yong text sa 'kin ng babaeng naka-mask kahapon. Aba, tinakot ba naman ako!

Unknown number
Umayos ka! I'm watching you!

Tsk, nakakainis. Paano niya kaya nalaman 'yong number ko?

Sinilip ko si Jace sa labas ng room namin na hinahanap ako. Nag-chat kasi siya sa 'kin kanina na mag-lunch daw kami nang sabay ngayon.

S'yempre, hindi ako pumayag! Kasi baka ano'ng gawin sa 'kin ng babae! Nakakatakot!

Sinilip ko naman si Blake sa kabilang side ng labas. Tsk, ang daming babaeng nakapaligid sa kanya!

Hayst, bakit ba palagi niya na lang akong pinagseselos? Nakakainis 'yong kahapon! Nasarapan yata siya sa yakap ng babae? Psh!

Ano kaya kung... pagselosin ko si Blake ngayon? Good idea, Madz!

"Hello, nasa'n si Princess? I mean... si Madeline?" rinig kong tanong ni Jace sa mga classmate ko.

"Si Fafa Jace!"

"Si Fafa Jace nandito, guys!" sigaw ng mga babae kong kaklase.

"Bakit niya hinahanap si Madz?!"

"Totoo ba talaga 'yong mga usap-usapan?!"

"Oo, totoo 'yon! Sila na raw talaga ni Fafa Jace!"

"Akala ko ba, si Fafa Blake 'yong totoong jowa niya?!" usapan ng tatlo kong kaklase sabay sulyap sa 'kin.

Sinamaan ko sila nang tingin.

Tsismosa here, tsismosa there, tsismosa everywhere!

"Jace, ano'ng ginagawa mo rito?" tanong ko kay Jace nang malapitan ko siya.

Ngumiti naman siya. "Princess! Tara, lunch na tayo?"

"Ah... eh... 'di ba, sabi ko sa 'yo, 'di ako p'wede—"

"Tara na!" sabi nito tapos inakbayan ako.

Napatingin naman ako sa mga kaklase kong masama 'yong tingin sa 'kin.

"Jace, tanggalin mo nga 'yang kamay mo sa balikat ko..." bulong ko kay Jace.

"I don't like!"

Hinayaan ko na lang 'yong kamay niya sa balikat ko para magselos naman si Blake kahit kaonti.

Nagsimula na kaming maglakad ni Jace. Madadaanan namin si Blake kasi nando'n siya malapit sa may hagdan.

Nang madaanan namin si Blake, nainis ako kasi hindi niya manlang kami pinansin.

Hindi niya ba ako nakita?! Hindi manlang ba siya nagselos kahit kaonti?!

Ano ba 'yan! Umasa pa naman ako na gagawin niya 'yong dati niyang ginawa! Hayst, sayang 'yong expectation ko!

"Wait..."

Sabay kaming napalingon ni Jace sa nagsalita.

Omegesh! Si Blake!

"Yeah?"

"How dare you to do that?" cold na tanong ni Blake sabay turo ro'n sa kamay ni Jace na nakaakbay sa 'kin. "And bakit mo niyayang mag-lunch si Madz? Bawal na bawal siyang makipag-lunch sa ibang lalaki lalo na sa 'yo. Sa 'kin lang siya p'wede." dagdag pa nito.

"Excuse me? Hindi naman ikaw 'yong nanay ni Princess para pagbawalan siya, tsk." bored na tugon ni Jace.

Madeline naman kasi! Mag-aaway pa tuloy 'tong mga g'wapong nilalang na 'to nang dahil sa 'yo! May paselos-selos ka pa kasing nalalaman dyan!

Unexpected Attitude Of My Fake HusbandWhere stories live. Discover now