chapter 12

582 23 1
                                    

"I baked this for you." Di ko pinansin si Trisha na may dala dalang cake. Naiinis ako sa kanya. Inisin lang niya ako sa lahat pero huwag niya lang akong isturbuhin sa pagtulog ko. Ginising ba naman ako! Wala kayang pasok ngayon. Ngayon! Di na ako makatulog, ulit. Thanks to her! Siya na nga itong inalagaan kagabi, siya pa itong nanggigising. "Di mo talaga ako papansinin?" Tanong niya. Nakatingin lang ako sa TV. Bahala siya diyan! I hate her very very much. "Dom, sorry-"

"Wow! Big word!" Sarkastiko kong saad at umalis. I pissed off. I need some fresh air, not an chanak make me pissed everytime.

Umalis ako sa bahay. Tinakbo ko ang papuntang park. Dito sa park mas mahangin at mas payapa dito. Walang bwisit. Umupo ako sa ilalim ng puno. Napakapayapa ng pakiramdam ko dito. Pinikit ko ang mata ko at dinama ang hangin na dumadapo sa mukha ko.

"Ang gwapo mo naman." Agad akong napadilat. Bumungad naman sa akin ang napakagandang mukha ng babae. Ang ganda niya. May brown siyang mata at pink na labi. Napakaganda niya ngunit ang lapit naman niya sa mukha ko.

"S-salamat pero pwede bang lumayo ka?" Ngumiti siya at lumayo naman. Naka indian sit siya. "Saan ka ba galing?" Nakasuot ba naman siya ng lab gown.

"Di ko alam. Nagising nalang kasi ako sa isang kwarto na may maraming ilaw. Tapos may mga taong gusto akong saktan kaya tumakbo ako hanggang sa nakita kita!" Sabay palakpak niya. May masaya ba sa sinabi niya? Ang creepy kaya ng mga pinagsasabi niya.

Baka galing ito sa mental?

"Anong pangalan mo kuya?" Kuya? Eh, parang mas matanda pa ito sa akin.

"Dom. Dom Fortez."

Ngumiti naman siya at tumango tango. "Ako nga pala si-"

"Dom! Kanina pa kita hinahanap!" Sumingit naman ang isang chanak na hinihingal. Napatingin siya sa babaeng nasa harapan ko. Bahagyang nanlaki ang mata niya. Napatingin ako sa babae na kagaya ni Trisha ay nanlaki ang mata.

"Oh my..." Nasabi nalang ni Trisha.

Nahimatay naman ang babae. Agad ko siyang nilapitan.

"Miss? Miss ayos ka lang?"

"F*ck! Sh*t!" Mura naman ni Trisha.

"Huwag ka ngang mag mura diyan! Humingi ka kaya ng tulong?" Nakatingin lang ako sa babae ang ganda niya talaga pero weird at creepy.

"Hello?! What the fuck, Edgar?! Nandito- yeah! Yeah! Alam ko! Dahil nandito siya! Ang tanga tanga talaga! Papuntahin mo sila sa park ASAP! Bwisit!" Pinatay na niya ang cellphone niya.

"Ikaw ang bata mo pa, nagmumura kana!" Saway ko sa kanya ngunit di niya lang ako pinakinggan. Wala pa namang tao rito.

"Ikaw! Ang laki laki mo na, ang tanga tanga mo pa!" Sigaw niya. Napaiwas naman ako ng tingin. Ayoko siyang kausapin. Galit ako sa kanya. Nangangako ako na di ko siya kakausapin!

"Shit!"

"Nagmumura ka na-" tinikom niya ang bibig ko gamit ang kamay niya. Nilagay niya ang daliri niya sa bibig para di ako umingay. Ano na naman kaya ang nakain ng chanak na ito?

Hinila niya ako patago sa puno.

"Ano ba-"

"Sshh!" May tiningnan siya. Titingnan ko sana ang tiningnan niya kaya lang pinigilan niya ako. "Okay. Labas na." Lumabas na din kami sa punuan. Ba't kaya siya nagtago bigla?

"May pinagtataguan ka. Sino?" Tanong ko. Kinunutan lang niya ako ng noo. "Ang bata bata mo pa Trisha, may pinagtataguan kana. Sino ba kasi? May kasalanan ka sa kanya, noh? Yan ang napapala sa taong pakialamera." Lumapit ako sa babaeng nahimatay at umupo sa tabi niya.

"Is this about what happened earlier? I said sorry, okay?!" May bahid na galit na saad niya. Hinarap ko naman siya.

"Ikaw na nga itong nagso-sorry! Ikaw pa itong galit! Trisha, kung matured ka sana alam mo na di ko kaylangan ng cake o sorry mo! I just need space! I'm pissed, so please back off at baka ikaw pa ang mabuntungan ko ng galit! If you are smart you'll understand." Binalik ko ang tingin ko sa babae at tinapik ang pisngi niya.

"Alis!" Napaangat ako ng tingin sa taong nanigaw. Lumayo agad ako sa babae. Nilapitan niya ang babae at parang sinusuri ito.

"I'm sorry about what happened." Napatingin naman ako sa babaeng nagsalita. She looked professional. "I'm Dr. Celino." Nakipagkamay siya sa akin. "Takas sa mental ang babaeng yan kaya huwag kang lumapit sa kanya."

"Sabi niya. Nagising siya sa kwartong may ilaw at ang mga tao ay sasaktan siya."

"Lahat na nanggaling sa mental hospital ay iyan ang sinasabi. Just forget about what she said, she's just out of her mind." Tumango naman ako ngunit may kaba din sa dibdib ko. Dinala nila yung babae sa kotse. Nakita ko naman si Trisha na may kausap na lalaki. Pulis ba yun?

Lumapit naman ako kay Trisha. "Uwi na tayo." Tiningnan ko ang lalaking kausap niya kanina at tinanguan. Hinawakan ko ang kamay ni Trisha at hinila siya papalayo doon.

Nilakad pang namin ang papuntang bahay.

"Galit ka pa?" Ako lang ba? O naging malambing ang boses niya? Di ko siya pinansin. "Sorry, di ko naman alam na walang pasok ngayon at ginising kita." I don't need her sorry. Napatawad ko na siya. Inaamin ko, kaya lang nandito parin yung iritasyon. "Dom?"

Di ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

"Dom?"

Di ko parin pinansin.

"Dom."

Di ba siya titigil?

"Dom, usap naman tayo."

Itikom nalang kaya niya ang bibig niya?

"Dom, ayoko ng ganito tayo."

Talaga lang, huh?

"Sige, di na muna ako magpapakita sayo."

Naiirita ako kanina mas lalo pa akong nairita.

"Bata." Hinarap ko siya. Di ko na mapigilan ang sarili ko.

"WHAT?!"

"Can you, let go of my hand? It hurts, so much." Mahina niyang sabi. Napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa kamay niya. Agad kong binitawan ang kamay niyang namumula mula sa pagkakahawak ko.

Hinimas niya ito. Lumuhod ako at kinuha ang kamay niya at hinimas yun. Ngayon ko lang napagtanto na namimiss ko ang pagtawag niya sa akin ng 'bata'

"Sorry, chanak."

"Di kana galit?" Tanong niya.

"Di ko kayang magalit sa isang chanak." Ngumiti ako at ginulo ang buhok niya.

"Talaga?" Ngumiti siya ngunit ang ngiting yun ay napalitan ng seryoso. "Salamat naman." At sa pagkakataong yun. Alam kong bumalik na siya sa dati, si Trisha na matured, chanak at mataray.

Una siyang naglakad sa akin. Sinundan ko naman siya.

"Bata, alam mo bang nagtitimpi lang ako sayo? Ang OA mo kasi. Makahawak ka pa ng kamay parang ayaw mo talaga akong mawala sayo."

Ayaw nga kitang mawala.

My matured wife in a 8 year old bodyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon