Kabanata 24

2.5K 74 13
                                    

Nicole's POV

Ilang linggo na ang nakaraan simula nong maging malapit ako sa FH. Karamihan ay nagbago ang pakikitungo sa akin ng mga studyante dito sa school. Kung dati ay palagi nila akong nilalait at ginagawan ng mga katarantaduhan. Ngayon ay ibang iba na ang karamihan sa mga studyante dito ay hinahangaan na ako kahit wala naman talaga akong ginawa para mapahanga sila sakin at eto ang ikinasaya ko wala ng kahit sinong mga studyante pa ang gumagawa sakin ng katarantaduhan lalo na ang mga junior ikinatuwa ko nong tinawag na nila akong ate at nag sorry sila sa lahat ng mga nagawa nila sakin. Nakakataba ng puso. Sana pati katawan ko tumaba din.

Natigil ako sa pag iisip ng biglang sumigaw si rian ang muse namin sa room.

"Omg! Omg! "-paulit ulit na sigaw nito habang papunta sakin. Ba't parang kinikilig siya? Anong meron sa labas ng room??

" Nic! Hindi mo naman sinabi na susunduin ka ni lee ngayon! "

Halos manlaki ang mga mata ko. Agad akong napatayo saka nangunot ang noo.

Nagtataka kong tinignan si rian na kinkilig pa din ngayon.

"Sigurado ka si lee?? "

Everyday kasi ay si haze ang palaging pumupunta dito para sunduin ako para sabay kaming mag lunch. Nagtataka ako kung bakit nandito si lee? Anong sadya nang tukmol na yon dito?. Eto ang unang beses na sinundo ako ng lokong yun.

"Big yes! Tara na ihahatid na kita! "-kinuha ni rian ang mga gamit ko saka na niya ako hinila palabas ng room.

Hindi rin talaga halata na may crush siya kay lee promise.. Ilang araw na din ang nakalipas nang malaman ko na ang karamihan pala sa mga studyante dito ay hindi daw straight nong una nahirapan akong intindihan pero dahil magaling si heurt magpaliwang naintidihan ko din.

Tumambad agad samin ang napakalawak na ngiti ng isang LEELY CHUA!

" Bakit ka nandito? Anong kailangan mo? "-bungad na tanong ko sakanya.

" Kailangan agad? Sabihin na nating na miss kita mga 2%"

Asar ba't pa ako nagpakaladkad kay rian kung ito lang rin si lee ang bubungad hayss.

Tinulak tulak ako ni rian sa braso sanhi para tumama ako sa wall. Jusko ang hirap palang I handle ni rian kapag kinikilig!!

"Hahaha nic pakilala mo naman ako sa napakagandang binibini na kasama mo"-nakangiting sabi ni lee habang nakatingin kay rian.

Ipakilala ko? Baka mamaya malaman ko nalang na tinanan na ni lee si rian! Psh. Masyado lang akong advance mas okay na rin Yan.

Bago pa makasagot si rian ay dumating ang class president namin.

" Rian tulungan mo kong mag decorate para sa gaganaping pageant next week "

Nginitian nalang ni rian si lee. Kahit na ayaw ni rian na sumama ay napilitan nalang ito dahil wala naman siyang magagawa kundi sumunod sa president namin.

"Bakit ka ba nandito? "-tanong ko kay lee.

" Bakit ba tinatanong mo ako kung ba't ako nandito? Malamang sinusundo kita "

Isa nalang talaga uupakan ko na 'tong si lee.

"Tse jan ka na nga mag isa sunduin mo nalang yong hangin! "-inis na sabi ko.

Akmang papasok na ko sa loob ng room ng hilahin ako nito.

" Teka lang hahahaha. Ikaw naman hindi kana mabiro oh. Napakasungit mo na! "

Kahit ako hindi ko din alam kung bakit parang bumabalik na ako sa dati kong pag uugali ngayon.

"Pano? May saltik kasi kausap ko kaya ganito ako"

"Saltik? Ano yun? "

1

2

3

"Hahahahahahaha! "-halos sumakit ang tiyan ko sa kakatawa sa tanong ni lee sakin. Hindi ko akalain na hindi niya alam ang salitang saltik.

" Nagpapatawa ka ba? "-natatawang tanong ko.

Nangunot ang noo nito. " Malamang hindi! Eh sa kung ano ano kasing words yang binibitawan mo e hindi ko alam. You know lumaki ako sa France pero hindi ako nag eenglish lalo na kapag nandito ako sa pinas. Sabi nga ni jose rizal,ang hindi marunong magmahal sa sariling wika ay higit pa sa mabaho at malansang isda.. "

"Tss ang dami mong alam"

"AHAHAHAHAHAH"

"Teka may aaminin ako nic tungkol sakin"-nagulat ako sa seryosong tunong pananalita nito sakin.

" A-ano? "

"Hindi ko alam nic everytime na nakikita ko ang sarili ko sa salamin nahihirapan ako. "

Nangunot ang noo ko. "Nahihirapan saan? "-takhang tanong ko.

" Nahihirapan na talaga ako nic! "

"Saan nga? Baka matulungan kita! "

"Sa pagiging.......... Cute ko! "

Halos mapamura ako sa sinabi nito. Yong tipong seryosong seryoso ka sa hinihintay mong sagot niya tapos isasagot niya lang kalokohan! Ays sarap talagang batukan ng tukmol na 'to!

Babatukan ko sana si lee kaso tumakbo ito sakin ilang metro ang layo niya sakin. Kainis ang bilis niyang tumakbo nakalimutan ko soccer pala sports niya! Hmmp sasali ako sa running para mahabol ko siya!!

"Halika dito lee!! "

Mabuti nalang at walang mga studyante dito sa paligid ngayon. Busy sila lahat sa pag dedecorate sa gaganaping pagent next week. Program pala ng school next week.

"No nic, kita nalang tayo tomorrow bukas nalang kita susunduin totoo na to ay hindi pala biro lang hahaha"

Nakakainis talaga 'yong tukmol na babaeng yun! Aish. Hindi nalang sana ako lumabas ng room edi sana natapos ko na yong group activity namin sayang yong ilang minutes. Napangiti nalang ako sa kalokohan ni lee.

Pagtalikod ko ay nagulat ako agad dahil bumungad sa akin ang isang matangkad na babae habang salubong ang kilay nitong nakatingin sa akin.

Anong ginagawa niya dito?

Aatras sana ako ng bigla niyang hilahin ang braso ko. Napadaing ako dahil sa bumaon ang matalim na kuko nito sa braso ko.

"Ano ba nasasaktan ako cleo!"-sabi ko. Agad naman niyang binitawan ang braso ko. Tila nahimasmasan ito sa sinabi ko dahil lumambot ang kanyang reaksyon.

" Sorry "-sabi niya saka ito mabilis na umalis sa paningin ko.

Hindi ko alam pero parang ibang cleo ang kaharap ko sa mga oras na yon kanina. Natakot ako.

RAINBOW FADED

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 15, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Fall For Her(GirlXGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon