Basta't Ikaw

18 1 0
                                    


  naaalala ko pa no'n  diretso sa tindahan ng turon 

  pagkatapos ng ating klase  kwentuhan hanggang matapos ang hapon 

  pag madilim na ang kalye  sinasabayan ka sa pag-uwi 

  mapalayo man sa'king bahay  kahit galit na naman si nanay

  agad kang tinatawagan  paglapat ng likod sa higaan 

  dinadaan pa sa assignments  marinig ko lamang ang iyong boses 

  gumigising ng maaga  kahit lunes ay ganado't handa 

  makita lang ang iyong mukha  ilang taon pa ay inamin ko na. 

  hindi ko alam kung bakit  masakit maging kaibigan lang 

  kahit sa pagkakaibigan naman  nag-umpisa ang lahat... 

  pero ayos lang basta ikaw  maghahangad pero maghihintay 

  ayos lang basta para sa'yo  masasaktan pero 'di sususuko .

  pasasaan ba at baka  doon din tayo mapunta 

  pero kung talagang hindi  'di pa rin aalis sa'yong tabi 

  basta ikaw...  

  Hahawakan ang kamay mo  Papatunayan na kaya ko 

  Titimplahan pa rin ng paboritong kape  Sa maulan at malamig na gabi. 

  Hahawakan ang kamay  Magsisilbing gabay 

  Karerang malapit nang matapos,  Naalis na rin ang taling nakagapos.

  Hanggang sa huli  Hindi mo na nga tinapos, mga pangakong kapos. 

  Bumulong ka sa dilim, umaasang ikaw ay mananatili.  Ngunit kumiliti ang mga salitang, 

  Hanggang sa muli.  

  Yayakapin ka nang mahigpit  Pinagkainan mo'y ako ang magliligpit 

  Tititigan ko pa rin ang mga mata mo  Kahit na malabo na ang paningin ko rito

  Iintindihin kita sa pagiging makakalimutin mo  Habang ipapaalala ko ang pagmamahal sa iyo 

  Madali na rin siguro ako makalimot  Ngunit pag-ibig ko sayo'y hindi ipagdadamot

  Marahil puti na ang ating mga buhok  Matatamis na pagkain bawal na tayong makalunok 

  Uugod-ugod, kulubot ang balat  Ikaw pa rin ang aking prinsipe hangga't ako'y nakadidilat.






Pag - Ibig Poems and QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon