Ang istorya ni Kimberly

56 0 0
                                    

Kinabukasan, di niya alam kong ano ang gagawin. puno na ng takot at kaba ang nararamdaman niya dahil napasama siya sa kababalaghan na nangyaring pagpatay sa mga babae na ginahasa, nasa isip niya malinis siya, at napagutusan lamang pero pumapasok pa din sa isip niya yung pag-katay niya sa katawan neto, kaya nasabi niya sa sarili niya na sangkot pa din siya sa krimen ng pangyayaring iyon.

Hindi niya na matiis at sinubukan niya na kausapin sila Ralph at Kesha na kapwa nasa kompanya na, maaga sila nasa opisina kaysa kay King. Nag-Group message na siya para malaman niya agad ang sagot ng isa sa kanila. eto ang laman ng kanyang text

"Pumasok ba si Kimberly? Patawarin niya kamo ako sa nagawa kong pananakot kagabi sa kanya, napagutusan lang ako, patawarin niya kamo ako kung alam niyo number niya pakitext na lang" Nagtaka ang 2 kaibigan ni King sa nasabi niya sa text, at may sumunod pang message ito

"Wala na akong maihaharap na mukha sa kanya, sa pagkakataon na ito gusto ko lang humingi ng tawad sa kanya at hayaan niya ako magpaliwanag"

Hindi na natiis nila Ralph at Kesha ang pangyayari agad nila itong tinawagan sa pamamagitan ng phone ni Ralph, magkita tayo mamaya sa FoodStreet (Iba't ibang kainan na Restaurant) Mamayang gabi pagkatapos ng work namin ni Kesha. May mga sasabihin kami sayo tungkol sa mga pangyayaring naranasan mo ngayon.

Sabay sumagot naman si King na "Ok sige, may mga sasabihin din ako sainyo eh"

Hindi pumasok na muna si King, sa kanilang pinagtatrabahuan, dahil sa mga pangyayari. Nagantay lang siya ng oras hanggang sumapit ang gabi kasi nag-OT pa sila Ralph at Kesha, habang nagaantay siya ng oras madami na siyang naririnig na mga boses. boses ng mga babae na naabutan niya nung gabi. Mga bulong na sinasabi ay "Tama na, ayoko na! Hindi ko na kaya. Please Tama na!" eto ang paulit-ulit niyang naririnig. Eto din ang narinig niya nung nakulong siya sa loob ng CR, tama kayo. binabalik-balikan na siya ng mga multong hindi matahimik, at mukhang gusto humingi ng katarungan sa kanya.

(6:30)

Nagtext ule si Ralph sa kanya na ("Pumunta ka na sa FoodStreet, Pa-out na kami ni Kesha dito sa opisina)

Dahil doon sa text ay nagmadali na siyang magayos ng kanyang gamit, kinuha ang bag at nagayos ng mga kailangan dalhin. Naghilamos muna siya sa kanilang CR. Habang naghihilamos ay dugo na ang lumalabas sa kanilang gripo, nataranta siya at nang-mapapikit siya ay naging ok na ule at nwala yung dugo. paglabas niya ng CR ay tumambad yung mga putol na mga parte ng katawan ng mga babae, andian yung kamay , paa at nakikita niya pa yung ulo na tila buhay dahil tumitingin ito sa kanya. napatakbo siya at kinuha na ang mga gamit niya para makalabas na ng bahay.

Eksaktong (7PM) ay nakarating na siya sa FoodStreet na pagkakaininan nila, madami ang upuan at mga lamesa. umupo lamang siya  sa bandang unahan para madali siyang makita ng kanyang mga kaibigan. medyo nagaalala na siya at nagdedeliryo(Tila parang nababaliw) dahil doon sa kanilang bahay nasundan na siya ng mga multo na nasa kanilang opisina.

Nalate ng kakaunti sila Ralph at Kesha, dumating sila ng bandang (8PM) na, at nasabi na lang neto na traffic at nagpasensya silang 2. Ayun, umorder lang muna sila ng maiinom dahil sa mga pagod nila.

Nagaya na si Ralph na simulan ng ang kanilang paguusap. Ano ang iyong naranasan kagabi sa ating opisina? eto ang tanong niya kay King, na may halong kaba  na nararamdaman. at agad naman itong sinimulan ang kwento. Kasi naka-saksi ako ng pagpatay ng mga babae sa may pantry, ako (King) ay nagtago sa ilalim ng desk ko, habang si Kimberly naman ay nagtungo sa luob ng CR para magtago, hindi niya din matulungan yung mga babae dahil takot din siya sa nangyayari sa labas ng CR.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 21, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Misteryo sa PT Building(On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon