Naniniwala ka ba sa reincarnation? Siguro marami sa ating mga Pilipino hindi masyadong pinapansin ang ganitong mga bagay. Sa dami kasi ng ating problema at pinagkaka-abalahan wala na tayong panahon isipin kung tayo ba ay nagkaroon ng dating buhay o past life. Wala na tayong paki-alam kung old soul na ba tayo or new soul.
Madalas mayroon tayong mga katanungan.
"Ano ang dahilan kung bakit ako nabubuhay?"
"Bakit kaya ganito ang buhay ko?" Ang pamilyang kinagisnan ko?" At marami pang ibang katanungan na kung minsan palaisipan.
May ikukuwento ako sa inyo na isa sa mga dahilan kung bakit intiresado ako sa reincarnation.
Nangyari ito noong 2nd year high school palang ako. Buntis noon ang mama ko sa bunso naming kapatid na lalaki. Halos kabuwanan na niya kaya medyo sumasakit na ang tiyan ng mama ko.
Pero bago iyon may mga napapansin si mama na parang may nakatingin sa kanya o parang may nagmamasid. Kahit noong hindi pa niya alam na nagdadalang tao siya ay nagkakaroon na siya ng hallucination subalit ipinagsasawalang bahala lang niya ito.
Bandang ala-una ng madaling araw, nakaramdam si mama na malapit nang lumabas ang baby kaya tinawag niya si papa.
"Dar, Manganganak na ako."
Pinahiga ni papa si mama sa kama at tinawag si Tita Delia na isang midwife sa pampublikong ospital sa Quezon City. Kabitbahay lang namin si Tita Delia kaya mabilis itong nakarating ng bahay.
"Tawagin mo sina Lusy para tulungan ako," Utos ni Tita Delia kay papa.
Ilang minuto pa ay dumating si papa kasama si Tita Lusy at dalawa pang babae na aming kapitbahay at dumiretsyo sa kuwarto kung nasaan si mama.
Hindi ito ang unang beses na nanganak si mama sa bahay. Sa aming magkakapatid ay ako pa lamang ang ipinanganak dito mismo kung saan ako nagkamulat at hindi naman nahirapan si mama sa akin. Kaya naman inaasahan ng lahat na magiging maayos din ang panganganak nito.
Noong mga panahong iyon may binuburol sa multipurpose hall na ang pagitan lang ng bahay namin ay ang chapel na minsan na ring naging saksi sa pagtangis ng mga taong namamatayan ng mahal sa buhay sa aming komunidad.
Dala ng kuryosidad kaya sinubukan kong tingnan sila sa kuwarto pero ayaw akong patuluyin ni papa.
"Huwag kang pumasok diyan!"
Hindi na ako pumasok sa takot na baka lalo akong mapagalitan kapag nagpumilit pa ako. Pero dahil walang pintuan sa kwarto at tinanggal ang kurtina nito kaya nakikita ko ang nangyayari sa loob.
Nakita ko kung paanong nahihirapan si mama na ilabas ang baby. Sa sobrang hirap halos maubusan na raw ng dugo si mama kaya pinuwersa na lang 'yung baby na ilabas.
"Rose, iiri mo pa para bumaba 'yung bata." Hinawakan ni Tita Delia ang tiyan ni mama.
"Bumabalik 'yung bata." Sabi ni Tita Lusy.
"Marami nang dugo ang nawawala sa'yo Rose kaya pilitin mong umiri."
"Dalhin na kaya natin sa Ospital?" Nag-aalalang tanong ng aming kapitbahay na nasa ulunan ni mama.
"Sige, ganito na lang Rose pipilitin kong itulak ang bata mula rito sa ibabaw ng tiyan mo tapos pag napisil ko na iiri mo agad hah?" paliwanag ni Tita Delia kay mama.
Isang tango ang ibinigay ni mama, hudyat na naunawaan nito ang nais ni Tita Delia.
Ilang minuto rin ang itinagal bago nakalabas ang bata.
BINABASA MO ANG
Paranormal True Stories- Ang malikot na imahinasyon
Paranormal=Ang ilan dito ay mapapakinggan sa youtube under Hilakbot TV= Masyadong malikot ang aking isipan.. At mahilig tuklasin ang mga kakaibang bagay. Sino ba ang ayaw malaman ang katotohanan? Pero minsan nakakaduwag din itong malaman... at nakakabaliw is...