Chapter | Ten

232 16 0
                                    

Emerson | Alam na pala niya ang mangyayari. Hindi ko naman matanong kung paano pero isa lang ang sigurado ako: alam na niya na darating ang isang araw na kailangan ko siyang patayin gamit ang aking kamay para matapos ang lahat ng ito.

        Hinaplos ko ang kanyang malambot na buhok habang napakahimbing niyang natutulog sa tabi ko dito sa kama. Bahagya siyang gumalaw pero hindi naman siya nagising at patuloy pa rin siyang naglalakbay sa kanyang panaginip. Minsan siguro ay dinadalaw siya ng kanyang mga bangungot sa impyerno. Nasabi niya sa'kin kanina lahat ng naaalala niya tungkol sa lugar na iyon. Sa lugar kung saan siya napunta habang humahanap kami ng paraan para maisalba siya. Sa lugar kung saan hindi na niya halos alam ang tamang paglalarawan para sa hirap at pasakit na kanyang naranasan. Paulit-ulit akong humihingi ng tawad sa kanya at umaasang napatawad na nga sana niya ako nang lubusan. 

        Bahagya akong nagyukod at hinalikan ang kanyang noo. Gusto kong magalit sa lahat ng bagay at sa lahat ng pwedeng dahilan para kagalitan ko ang mundo pero hindi ko magawa. Gusto ko ring sisihin ang May likha pero hindi ko kaya dahil isa lang akong nilalang na kailangan umintindi sa sitwasyong ito. Isang nilalang na kailangan matuto ng isang aral sa buhay. Pero nadadamay ang lahat.

        Alam kong ang lahat ng ito ay nangyayari dahil sa plano ni Ergott pero ginusto ko ito, pag-uulit ko sa'king sarili, ginusto kong mangyari ang lahat ng ito sa ngalan ng pagmamahal. 

        Pag-ibig. Isang salitang napakamakapangyarihan na kayang gawin ang lahat ng posibilidad. At maari rin itong maging kapahamakan at dalhin ka sa sitwasyong wala ka nang malulusutan.

        Paano ko nga ba maitatama ang pagkakamali kong ito? Paano ko ng ba maibabalik ang dating mundo? Kanina ibinalita sa TV na nag-uumpisa na ang ag-aaklas sa Mindanao at marami nang namatay dahil sa mga bombang ginamit na pampasabog. Ganoon na rin sa Espanya at sa ibang karatig na bansa kasama na ang bansa ng Russia kung saan nagde-deklara na sila ng ikatlong digmaang pandaigdig.

        Hindi ko na nga maiwasan na isipin na ito na nga ang wakas. Pero ang nag-iisang solusyon ay nasa aking tabi. Ang nag-iisang susi para bumalik ang balanse ng mundo, ng lahat ng mundo.

        Can I kill the woman I love the most whom I saved from the pit of hell? Kaya ko ba? Hindi ba't sinabi niyang kung kikitilin ko ang kanyang buhay ay mas gusto niyang lumisan na hindi niya namamalayan na iyon na ang kanyang wakas? Kaya ko bang kumuha ng patalim sa may kusina at ibaon ito sa kanyang puso para magwakas na ang buhay niya?

        NO! Sigaw ng kalahati ng utak ko. Pero ang kabila ay mas malakas keysa sa isa dahil tinitimbang nito ang aking kunsensiya kasama na ang buong mundo at ang bawat buhay na meron ito at isinisigaw na kailangan kong gawin ang dapat kong gawin.        

        Ito na nga lang ba ang huling paraan para mailigtas ang lahat? Ito na nga  lang ba ang dapat kong gawin para matapos na ang lahat?

        Kailangan kong humanap ng ibang paraan.

Sabrina | It's a good way to go, I guess, na ang kamatayan ay nasa harap mo pero hindi mo pa alam. At least I wasn't betrayed. Dying in the place and in the arms of the person you love will be such a privelege.

        Inalis ko ang puting sapin ng mga sofa at pinagpag ito kaya naman lumipad sa ere ang alikabok at ilang agiw ng gagamba dahil ilang buwan ding inabanduna ni Emerson ang bahay na ito para pagtaguan ako, iniisip na iyon ang makakabuti para sa'ming dalawa.

        "It feels home," wika ni Peige sa'kin na inaayos naman ang center table sa likuran ko. "Na-miss ko rin 'tong bahay na 'to," dagdag pa niya.

        "Oo nga e," lumingon ako, "mas lalo naman ako mas na-miss ko 'to." Ngumiti si Peige atsaka inayos naman ang kabilang sofa sa kaliwa ko. "Nabalitaan ko ang nangyari sa inyo, sorry kung wala na ang abilidad mong―"

        "Ayos lang 'yon atsaka wala ka naman kinalaman do'n. Sadyang ganito lang siguro dapat matapos ang lahat." She pushed a smile then turn her back to me. Bumalik naman ako sa ginagawa ko. Nang maitupi ko ang mga tela ay inilapag ko ito sa maliit na mesa.

        "What if one day," mahina kong sabi, "kailagan kang patayin ng taong mahal mo and you are afraid to die, so badly, 'yung tipong gusto mong mangyari ngayon na ngayon na, anong gagawin mo? Would you differ your death or would you face it right away?"

        Humarap sa'kin si Peige at ang mga mata ay nag-aalangang umiyak. "A...alam mo na?"

        Hindi ako nagsalita pero tumango lang ako bilang sagot. Agad siyang lumapit sa'kin atsaka ako yinakap at nang magkahiwalay na kami ay hinawakan niya ang magkabilang braso ko.

        "Wala akong pipiliin sa dalawa," sagot niya sa tanong ko. "I would rather wait for what time has been decided for me than to make a decision that would tear me into pieces."

        "N-natatakot kasi ako," sa wakas ay pag-aamin ko. Namula ang aking pisngi at ang ilang ulan ng luha ay naramdaman ko mula sa'king mga mata.

        "Hindi ka dapat matakot because fear wakes you up."

        Kinahapunan ay kasama namin ni Peige si Lavinia sa may kusina para maghanda ng makakain. Si Smoke at si Emerson ay nasa labas ng bahay at si Aldrin naman ay busy sa pagbabasa ng kanyang libro sa counter habang pinapanood lang kaming mga babae na maghiwa ng mga gulay.

        "Selfie," wika ni Lavinia na may hawak na monopod pang-selfie, "smile."

Ngumiti naman kaming lahat kasama si Aldrin na hindi naman ganoon kalayuan mula sa'min. Pagkatapos naming tingnan ang litrato ay bumalik na kami sa’ming ginagawa. Kalahating oras pa ang kinailangan bago naming natapos ang hapunan at nakapaghapag sa kainan.

Emerson |Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Nakaupo lang kaming lahat dito sa may sala habang nanunuod ng isang TV Series kung saan hook na hook ang mga babae kabilang na si Sabrina. Tungkol kasi ito sa babaeng may cancer patient na meron na lang na less than a month para mabuhay kung saan ginagawa niya ang lahat para ma-fulfil lang niya ang lahat ng kanyang pangarap sa buhay.

            Kinuha ni Sabrina ang remote sa’kin at pinatay ang TV. Nag-react ang lahat dahil nga nabitin sa kanilang pinapanood pati na si Smoke ay hindi ko akalaing na-hook na rin sa kwento ng babaeng may cancer.

            “I wanna something,” wika ni Sabrina. Tumayo siya sa may harap naming lahat. Umakyat sa may sofa si Aldrin na kanina ay nakaupo sa may floor. Nag-alis naman ng yakap si Peige kay Smoke saka umayos sa kanyang kinauupuan pero sa tabi pa rin ng kanyang boyfriend.

            Pinagdaop ni Sabrina ang kanyang mga palad at isa-isa kaming tiningnan. Mabilis naman ibinaling ni Lavinia ang tingin niya sa’kin at ang mga mata niya ay para bang nagtatanong kung anong nangyayari.

            “I wanna say something,” pag-uulit ni Sabrina saka huminga ng malalim, “Ayoko mang sabihin ito but I’ll say it anyway,” nagpakawala siya muli ng malalim na paghinga saka itinaas ang kanyang ulo na para bang pinipigilan ang mga nagbabadyang luha sa kanyang mga mata, “alam ko at alam niyo na rin na ang tanging solusyon na ito sa problema natin ay ang pagkawala ko. If I’ll go, babalik sa normal ang lahat.”

            “Sabrina,” mahinang hamig ni Peige na inilahad ang kanyang kamay sa ere na para bang maabot niya si Sabrina mula sa kanyang distansiya.

Binalingan ng tingin ni Sabrina si Peige. “I have to say it,” aniya, “I have to say that you have to kill me now Emerson habang nararamdaman ko pa ang pakiramdam na ‘to. Itong pakiramdam na magiging heroic kahit ang papaano ang pagkawala dahil maililigtas ko ang ibang mga tao o anumang nilalang sa mundo at hindi masasayang ang kanilang buhay,” huminto siya at tumingin siya sa’kin, “I want to go now...” halos pabulong niyang sabi. “No ifs, no buts, just take my life away.”

When Forever Ends [SOON TO BE PUBLISHED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon