Unrequited Love

25 0 0
  • Dedicated kay YOU ♥
                                    

Unrequited love (one-sided love) - loving someone who will never love you back. 

Naranasan mo na bang ma-inlove? Syempre oo, lahat naman ata ng tao naranasan ng ma-inlove e. Hindi naman natin maiiwasan ma-inlove diba? Natural lang naman kasi iyon. 

Pero, naranasan mo na bang ma-inlove, sa taong alam mong hinding-hindi ka mamahalin pabalik?

Kung ako ang tatanungin, oo. 

Oo, na-inlove ako sakanya.

Sakanya na hindi ako mahal pabalik.

Masakit ma-reject, lalo na kung sa taong mahal mo. Pero ganun talaga ang love, masakit.

Kahit akyatin mo ang Mt. Everest, kahit languyin mo ang buong Pacific Ocean, kahit bilangin mo ang lahat ng buhok ni Rapunzel, hinding-hindi ka rin niya mamahalin pabalik. Wala e, may iba siyang mahal e.

Ginawa ko naman ang lahat, minahal ko naman siya, no, scratch that, mahal ko naman siya.

Pero, ano? Wala.

Habang ako nagpapapansin sakanya, ayun siya, nagpapapansin sa mahal niya. 

Gusto kong sabihin sakanya na; Mahal kita, mahal mo siya, at siya may mahal na iba. Bakit ganun? Hindi ba pwedeng, mahal kita, mahal mo ako, tapos, bahala na siya sa buhay niya?

Bakit pa kasi ako sakanya na-inlove? Sakanya, na hindi naman ako mamahalin kailanman. Pero, hindi ko naman kasalanan na ma-inlove diba? Na ma-inlove sakanya? Tao lang din naman ako e, na-iinlove.

Matagal ko ng alam na may mahal na siya at wala na akong pag-asa sakanya, pero, abnormal tong puso ko e. Alam mo kung bakit? Mahal ko pa rin kasi siya.

Mas pinili ko pa rin siyang mahalin. Wala e, mahal ko na talaga e.

Siguro, umasa rin ako kasi ako na mamahalin niya rin ako, tapos happily ever after. 

Naaalala ko pa nga noon e, kahit ngumiti lang siya, kinikilig na agad ako, lagi ko kasing ini-imagine na ako ang dahilan ng kanyang pag-ngiti.

Kahit alam ko na, hindi naman talaga ako ang dahilan ng kanyang pag-ngiti. 

Basta, kontento na ako sa ganun, kahit masakit, kakayanin ko. 

Pero, masakit pa rin e. Kasi, hanggang imagination ko lang yung happily ever after namin e.

Tanggap ko naman na "there will never be an us." Tanggap ko na rin naman na hinding-hindi niya na talaga ako mamahalin pabalik.

Alam kong naka-relate ka sa kwento ko, kahit konti lang. Para sa inyo na mga kagaya ko na, nakakaranas ng unrequited love. Wag kang mawalan ng pag-asa, pero, alamin mo kung kelan ka na dapat tumigil. Hindi naman kasi pwedeng habang-buhay kang umaasa sakanya diba? Malay mo, magkaroon kayo ng happily ever after niyo, hindi tulad ng nangyari sakin na, hanggang imagination lang. Basta madami pa naman na iba diyan e. Hindi ko naman sinasabi na, maghanap ka kaagad, sinasabi ko lang na, isang araw, makilala mo rin yung taong makakasama mo sa happily ever after mo, at, mahal niyo ang isa't-isa.

END.

Author's Note: First short story ko po ito, kaya sorry po kung may mga typos/errors. Gusto ko pong sabihin na, HINDI PO ITO TRUE TO LIFE, yun lang. Salamat nga pala sa pagbabasa nito. Love you! 

사랑해요_143♥

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unrequited LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon