JAKE's POV
Nandito kaming dalawa ni Josh sa room at hinihintay si Carlo. Medyo gutom na rin ako... Yung mga classmates kong babae... Ayun... Walang katitigil kakapicture sa akin. Save save save..
Yumuko na lang ako nang magsalita si Josh.
"Bro.. paano yan? kapag nalaman ni Valery na may gusto ka kay Shaira? Dapat kasi hindi ka na lang ang nagmahal ng iba kung may konting pagmamahal kapa kay Valery... Paao yan bro?"
"Josh.. Sinabi ko naman sayo na wala na akong nararamdaman kay Valery diba? Kaya nga ako nagmahal ulit dahil wala na talaga ang nararamdaman ko para sa kanya." Sabi ko sa kanya na nakayuko pa rin ako dito.
"Bro. Sure kana ba talaga? Na ..... wala ka ng nararamdaman para kay Valery?"
"Kung meron man..... edi sana hinahanap ko ngayon si Valery.."
"JAKEEEEEEEEEEEEEEEEEE!!!" Bigla namang umangat ang ulo ko. At si Carlo pala ang sumigaw -_- Tss. Ano na naman kaya ang ginawa nito?
"Uy si Carlo oh?.. Bakit ano kaya nangyari sa kanya?" kalabit sa akin ni Josh.
"Aba ewan ko dyan."
Nang makalapit na sa akin si Carlo na hingal na hingal "Bro.. Nakita ko si Valery nandun sa library"
"Oh tapos? tss. Ano naman ang gagawin ko kung nandun siya? -_-"
"Wala lang.. Tara bro.. KAIN NA TAYO HEHE ^__________^"
"Edi kumain ka..." Sabi ko sa kanya at sabay tayo sa upuan at lumabas na sa room.
"Oops-oopss... Where are you going?"
"Edi sa Canteen."
Ay... sayang wala na tuloy si Jake..
Oo nga eh, aalis na siya..
Che! Hindi naman siya aalis dito sa school.. Bakit ganyan kayo no?
Sana ako na lang yung babaeng sinayaw niya last night :(
"Sabay na ako.. Dali na gutom na ako eh. Nawala kasi yung wallet ko eh. Ewan ko kung saan nalaglag yun. Dali na Jake ha.. Babawi ako sayo.. Hehe .. Promise."
"Ok sige."
Nandito na kami sa Canteen.. At hindi ko aakalain na nandito din si Shaira. Kaya naman tinawag ko ito. "Shaira!" Nagpalingon-lingon siya sa ibang direksyon. Sa gwapo kong ito? Hindi niya ako mahanap? :D Tinawag ko ulit siya at ayun....
LUMINGON NA SIYA SA DIREKSYON KO PERO HINDI NIYA AKO NAPANSIN, KASI NAGBAYAD SIYA NG INORDER NIYA..
"Dude pano ba yan? Hindi ka niya nilingon. HAHA! Lapitan mo kasi dude.. Hindi yung sisigawan mo lang siya, nakakahiya kaya. Grrr.."
"Tss. magserve na nga kayo ng uupuan natin, isama mo na rin si Shaira pati yung babaeng kaibigan niya ha." Nilapitan ko si Shaira para tulungan siya sa mga bitbit niyang pagkain.
Nagulat naman siya at gumapang ang kanyang tingin sa aking kamay papunta sa aking mga mata. "Ba-bakit ka nandito?" tanong niya sa akin..
"Syempre.. Kakainin ang dala mo.."
"Huh?"
F*ck!! Bakit ko nasabi yun? "Ay este... tutulungan na kita. Tara doon tayo sa table na pinaserve ko."
"Ahh--ehh? Paano naman ang dala kong ito? Hindi mo ba dadalhin, Jake?" Tss. Bakit? Ikaw ba ang gusto ko?
"Ay sorry. Sige palit tayo ng dadalhin." Biro ko sa kanya. HAHAHAHA! Bigla namang kumunot ang noo niya at nagpout pa.

BINABASA MO ANG
Maybe It's You~
Teen FictionTungkol ito sa isang taong TORPE. Na hindi niya kayang ipagtapat ang kanyang nararamdaman para sa taong mahal niya. Dapat bang itago na lamang ang nararamdaman kaysa sa malaman? Bakit ayaw mo bang masaktan? Bakit ayaw mo bang mapahiya ka? Dapat lang...