Irish's POV
"So class, for our extempo, You need to make a short presentation about the top 3 of anything. For example, the top 3 fastest animals in the world, top 3 longest bridges in the world and many more. The presentation would be on Monday. That would be all. Class dismissed." rinig kong sabi ng prof ko bago siya tuluyang lumabas ng classroom. Dali-daling namang nag-ayos ng gamit at nag uunahan pang lumabas ang ilan sa mga kaklase ko.
"Omg! I don't know but I'm kinda excited sa presentation!" rinig kong sabi ng classmate kong babae na nasa kabilang row lang.
"Me too! May naiisip na nga ako eh." sabi naman ng kaibigan niya.
"Omg ano?"
"Well, My top 3 crushes!" sabay na nagtititili ang dalawa kaya napatingin sakanila ang mga kaklase ko na kasalukuyan paring nasa loob ng classroom.
Napailing nalang ako at naglakad palabas ng silid na iyon.
"Seryoso ka ba?" tanong ni Natalie habang papunta kami sa susunod naming klase. Gaya ni Xandy ay hindi rin siya makapaniwala na balak kong manood ng UAAP.
"Saan?" maang-maangan kong tanong.
Binati naman kami ng mga lalaking freshmen na nakasalubong namin. Hindi ko naman sila pinansin dahil alam kong nanlalandi lang ang mga batang iyon.
"Na manonood ka sa Sat?" tanong niya matapos batiin pabalik ang mga freshmen. Mas approachable at friendly talaga si Natalie kesa sa akin.
"Hmm... Oo. Sure na ako. Wala naman sigurong problema." simpleng tugon ko.
Tumango naman siya at di na nagtanong pa. Malaki ang tiwala sa akin ni Natalie. Alam ko na kung ano man ang mga balakin ko sa buhay, andiyan sila ni Xandy para supportahan ako. Basta lang daw talaga, hindi iyon ilegal.
"Manonood ka ng game 2 this Saturday?" rinig kong tanong ng katabi kong babae dun sa kaibigan niya.
Well, I assume na UAAP Basketball ang pinag-uusapan nila. Hindi pa naman kasi nagsisimula ay trending na kaagad.
"Yup. Pero on T.V lang." malungkot na sagot ng kaibigan niya.
"Hala bakit?"
"Wala ng tickets, kainis."
"Oo nga pala! kakainis nga eh. Ako Gen Ad lang yung nabili ko kase ubos agad yung VIP! pagtitiyagaan ko nalang basta makita ko lang sa personal si Ricci my baby!!!" impit na tumili at umarte na parang kinikilig yung babae.
Naramdaman ko na tumingin sa akin si Natalie. Nagtataka ko naman siyang tinaasan ng kilay.
"Eaves dropping huh." nakangisi niyang bulong sa akin.
"Omg! buti ka pa makikita mo siya huhuhu! gusto ko nga rin sana makita si Andrei eh. Pati na rin sina Aljun at Brent! ohmy babies!" sabi nung kasama niya at niyakap ang sarili.
"Basta ako, loyal lang ako sa boyfriend kong si Ricci." sabi naman nung isa.
Mahina aking pinalo ni Natalie sa kamay. "Wag ka ngang chismosa, bes." saway niya sa akin.
Wait, what? Hindi ako chismosa! Sadyang malakas lang talaga sila mag-usap!
Ngumiwi naman ako at nginiwian niya lang din ako pabalik.
"Punta muna tayong club room? Mukhang matagal pa lalabas yung nasa room natin." yaya ni Natalie na sinang ayunan ko naman.
Pumunta kami sa club room kung saan presidente si Nathan. Actually, di kami member ng club na 'to pero dahil kay Nathan ay pwede kaming makitambay.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanficA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.