Heto Ako Itay

2.5K 4 4
                                    

May isang pamilya sa Tondo, may simpleng pamumuhay at may simpleng adhikain. Si Tomas, ang nag iisang anak na lalaki sa kanyang pamilya. Isang magaling na estudyante si Tomas, masunurin, mabait at higit na matalino. Kilala ang angkan ng kanilang pamilya na pinaka matatapang at barumbado sa buong lungsod.

"Tomas Santiago II!" sigaw ng kanyang ama.

"Ano ho iyon itay? sagot ni Tomas.

Na tila nang liliit sa sobrang takot sa ama. Palaging napag bubuntungan ng galit si Tomas, lagi siyang nabubugbog, sinisigawan, minumura at minsan nang nilunod sa tambol ng tubig na galing sa kisame ng kanilang bahay. Kaya't simula noon ay ang nanay na ang kanyang naging tagapag tanggol,kapatid, katulong, at kasama sa lahat ng kanyang problema.

Kasabay ng pag kuha ng dyaryo sa labas ng bahay na utos ng kanyang ama, ang kanyang pag babalik tanaw sa mga panahong bago pa kunin ng panginoon ang kanyang ina. Labis na pag sisisi ang kanyang nararamdaman tuwing maalala niya ang araw na iyon.

"Nay! nay! samahan niyo ko nay! sige na!" pag mamadali niyang sinabi sa kanyang ina noong isang umaga ng Linggo

"oh ano ba iyon anak? bakit parang may balita kang maganda?"  sagot ng kanyang ina habang sinasapay ang mga bagong labang damit

"Nay! sina Piolo Pascual at Angelica Panganiban nasa mall bukas! samahan niyo ko Nay doon sige na Nay, nais ko pong makakita ng mga artista"

"Nako anak. Yan kana naman."

"Sige na Inay, regalo niyo na ho sakin kasi mag kakatorse na ko bukas sige na Nay"

"Oh sige na nga anak. Sana lamang ay huwag tayong pigilan ng itay mo ha"

Nang sumapit na ang hapunan. Sabay sabay silang kumain. Bakas pa rin sa mukha ni Tomas ang pag katakot sa ama na tila hindi na siya maka tingin sa mga mata nito. 

"Hoy ano ba naman tong ulam natin, tuyo pa rin?! bukas nga mag punta ka sa bayan at bumile ka ng karne hindi yung puro isda at tuyo nalang! mag kaka kaliskis na tayo nito eh!" reklamo ng tatay sa kanyang asawa

"Nako Tomas, susubukan ko ha? Ire kasing anak mo nag papasama sakin sa mall bukas at nais makita sina Piolo Pascual. Aba eh mag dadagsaan nga daw ang mga artista doon sabi ni Mareng Babel" sagot ng ina

"Ano?! artista?! bakit?! mag kakakuha ba kayo ng pera pag nag punta kayo don?! mag sasayang lang kayo ng pamasahe! imbis na iniipon niyo pang bile ng gamit dito sa bahay hindi yung nakikinood pa ko ng TV sa kapitbahay! " galit na sinabi ng tatay

"Pero Tomas, kaarawan ng anak mo bu-" 

"Kaarawan?! bakit ipag didiwang ang kaarawan ng batang yan?! dahil dyan nag kanda letse letse ang buhay naten Merlita! kung pinapa-abort nalang natin ang batang yan edi kahit papano hindi ganto ang buhay naten!  malas 'yang batang yan, wala nang nagawang tama! *binalint ang tingin  sa anak na tila natatakot at nananahimik na* hoy ikaw lalake, sabihen mo ang totoo! artista ba talaga ang pinunta mo doon oh gusto mo lang makalasap at makakita ng katawan ng mga lalaki?!  ha?!  sumagot ka punyet*!"

hindi sumagot si Tomas at mas minabuti nalang na umalis ng hapag kainan at mag punta sakanyang kwarto habang pilit na kinakalimutan ang mga sinabi ng kanyang ama. Dare-retso siya sa kanyang kama ay ipinikit nalamang ang kanyang mga mata

"ano bang nagawa ko? bakit ba? naging mabuting anak naman ako. Lagi akong sumusunod, hindi pa ko nag kakasala sa kanila kahit na isang beses, bakit? katauhan ko lamang ito at wala akong ginagawang masama... ayoko na ng ganto. Gusto ko nang mag pakatotoo. Bukas..bukas.. sasabihin ko kay Inay..baka sakaling maintinidhan niya ko..bukas talaga..Tomas kaya mo yan..kaya mo yan.."  

hanggang sa nakatulog nalaman ang binata.

Heto Ako ItayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon