Day 1
"Nasaan ako?"
Puti. Sa pagmulat ng aking mata, liwanag ang bumugad sakin. Hindi ko alam ang dahilan kung bakit ako nandito at hindi ko rin alam kung nasaan ako. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang parang paggaan ng buong katawan ko.
"Gising ka na pala, Miss," sabi ng kung sino man. Nilibot ko ang paningin sa lugar na 'to at nakita ko siya. Isang lalaki na nakatayo katabi ng isang puting pinto.
"Nasaan ako?" pag-uulit ko ng tanong ko kanina subalit nagkibi-balikat lang siya. Bakit siya naka uniform? Parang pamilyar yung suot niya. Saan kayang school yun?
"Kanina pa tayo nandito. Kaso tulog ka kanina. Iiwan sana kita para pumasok sa pinto kaya lang naisip ko na wala kang kasama dito," nakangiti niyang tugon.
"Papunta saan ba yan?" tanong ko ulit na naglalakad papalapit sa kaniya. Nang makalapit na ako ay hinawakan niya ang aking kamay at hinila papasok sa pinto.
"Hindi ko alam kaya aalamin natin," sabi niya sakin at tuluyan na kaming pumasok sa pinto. Pero pagpasok namin sobrang dilim. Kabaliktaran ng kanina. Masakit sa ulo. Nakakahilo.
"Aray! Ansakit ng ulo ko!"
"Sorry, Miss. Dapat hindi na tayo pumasok! Sht! Nahihilo ako!"
Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay.
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~
"Miss, gising na."
Siya na naman. Nasaan na naman kaya kami ngayon?
Bumangon ako at nilibot ang tingin sa paligid. Isang kwarto. Simple at pastel colors ang makikita sa paligid. Komportable itong kama. Kompleto na halos ang paligid pero wala kang makikitang tv, radyo at kung ano pa man. Kahit relo. Bakit kaya?
"Nandito tayo sa isang beach house. Walang katao-tao. Para bang sinadya para satin lang. Hindi ko rin maintindihan ang nangyayari. Wala akong matandaan kung bakit ako nandito," sabi niya na nagpapaliwanag sakin. Tinignan ko lang siya.
Maputi, matangos ang ilong, matangkad, maayos ang damit at mukha naman siyang mabait.
"Ako nga pala si Luoei. L-U-O-E-I. Ang weird noh? Ikaw?"
"Ako si Joy," nakangiti kong bati sa kaniya.
Lumapit siya at umupo sa tabi ko. Nginitian niya ako bago magsalita.
"Ano kaya ang nangyayari? Ang huli kong naalala ay pauwi ako galing school. Pagkatapos ay wala na. Ikaw ba?" batid niya habang nakatingin sa akin. Halatang gulong-gulo siya.
"Ewan. Ang natatandaan ko kasama ko ang Ate ko sa birthday party ng kaibigan ko," sagot ko sa kaniya na tinanguan niya.
"Kaya pala ganiyan ang suot mo. Angganda. Bagay sayo," komento niya na ikinangiti ko.
"Salamat ah," sabi ko at muling nag-isip. Siguradong naghanap na din siya ng paraan para makauwi. Paano na ito? Siguradong mag-aalala ang pamilya ko.
Day 3
"Ansaya mo kausap. Sana noon pa kita nakilala. Hindi na sana ako nakagawa ng katangahan," sabi ko sa kaniya na bahagya pang natatawa.
Kahapon, lumibot kami sa buong lugar habang nag-uusap. Nalaman kong may kapatid pala siyang lalaki na mas bata sa kaniya ng dalawang taon. Masaya ang pamilya nila. Hindi katulad sa akin na magulo. At kaya pala pamilyar ang uniform niya ay dahil malapit lang sa school namin yung school na pinapasukan niya.
"Katangahan? Lahat naman tayo nakakagawa nun. Katulad ko. Hahaha. Nung bata ako pinagtimpla ko ng kape si mama kaso imbis na asukal ilagay ko asin pala! Hahahaha! Napalo ako nun ni mama eh," natatawang kwento niya sakin.