Mind's POV
Riddle! Gulat ko dahil bigla nalang bumagsak si Riddle mula sa pagkakaupo nya.
Anong nangyari kay Riddle Mind? Nag aalala ding tanong ni Mound sa akin.
Hindi ko alam, bigla na lang syang bumagsak pagkatapos nyang kumain nito. Sabi ko sabay turo sa Big Mac at pineapple juice na nasa harap ni Riddle.
Hawakan mo syang maigi Mind, akin lang munang sisiyasatin ang pagkain na ito. Sabi ni Mound at tumayo sya upang siyasatin ang pagkain. Habang nasa lamesa sya ay nandito pa rin sa harapan namin yung babaeng kinukuhanan ni Mound ng order. Nagtataka ako bakit hindi man lang sya nagulantang at nag alala.
Mortal, baka maaring humingi ka ng tulong sa mga kasama mo rito. Hindi ka man lang natinag dyan sa pagkakatayo mo. Humingi ka na ng tulong ngayon na! Nasa panganib ang kasama ko! Utos ko sa kanya ngunit tumingin lang sya sa akin ng diretso.
Bakit ko naman sya tutulungan? Kung ako naman ang dahilan hahahahaha. Ngisi nyang sagot sa akin sabay pakawala ng isang halakhak. Nagtaka ako sa sinabi nya ngunit kalaunan napagtanto ko kung sino sya. Hindi ako maaring magkamali, sya lang naman ang maaring may gawa nito.
Shadow, napakasama mo talaga! Galit kong sigaw sa kanya ngunit tumawa lamang sya ng malakas. Nakita ko na nagbubulungan ang mga tao sa paligid. Basa ko sa isip nila na sila'y nagtatanong, natatakot o di kaya'y nagugulumihanan.
Shadow? Narito si Shadow Mind? Lingon sa amin ni Mound at nagulat din sya nang nakita nya mismo na nagpalit ng anyo ang babae at bumalik ang tunay na wangis ni Shadow. Natakot ang ilan sa mga taong kumakain at ang ilang bata ay napayakap sa kanilang kasama.
Mommy sino sya..?
Nakakatakot naman sya!
Para syang mumu!
Yan ang ilan sa mga nabasa ko sa kanilang isip. Kailangan kong magpakatatag, hindi ko hahayaan na galawin nya si Riddle.
Nagustuhan nyo ba ang aking munting mahika? Ngayon ay alam nyo na pakay ko at ramdam ko ang kapangyarihan ng codex sa inyong mga kamay. Ibigay nyo na ito sa akin upang wala nang mangyaring masama. Paasik na utos nya sa amin.
Kaya naman pala, kaya pala kakaibang lason ang nakita ko sa kanyang pagkain. Hindi sya pangkaraniwang kemikal kung hindi punong puno ng dark energy at nagpalason sa kanya. Pero kung iniisip mo na ibibigay namin sa iyo ang codex, nagsasayang ka lang ng panahon Shadow. Tugon ni Mound. Kung gayon ay sya talaga ang dahilan kung bakit nalason si Riddle!
Hmmm kung ayaw nyong madala sa pakiusapan e di pasusunurin ko na lang kayo! Nag ipon sya ng enerhiya sa kanyang dalawang kamay at nabuo ang isang bolang enerhiya.
Ano yan Shadow? Tingin mo ba matatalo mo kami ng simpleng shadow ball? Baka nakakalimutan mong may mahika kami at kayang kaya ka naming talunin. Matapang na tugon ko. Ngunit hindi sya nagpatinag at ipinagpatuloy ang paghawak sa Shadow ball at maya maya ay lumiwanag ito at kumalat sa loob ng restaurant at napapikit kaming dalawa ni Mound.
Pagkamulat namin ay wala na ang liwanag at tila wala namang nagbago sa histura ng restaurant.
Yun lang ba ang kaya mo Shadow? Magpasabog ng liwanag? Akala mo ba masisindak mo kami? Inis kong tanong sa kanya ngunit isang makahulugang ngisi ang pinakawalan nya.
Huwag ka munang magyabang Mind at huwag ka ring pakasiguro dahil sa pamamagitan nito ay tiyak na ibibigay mo sa akin ang Platinum Ring. Tugon nya lamang sa akin. Napatingin ako sa paligid at napansin ko na walang tao sa paligid. Wala na yung mga taong kanina na natatakot sa presensya ni Shadow. Nasaan kaya sila nagpunta?
Mind, masama ang kutob ko na may ginawa sya sa mga tao dito. May kinalaman ang pagsabog nya ng liwanag. Ang nakapagtataka lang ay hindi tayo nadamay. Sambit nya sa isip ko. Kung gayon ay mukhang may binabalak ito si Shadow pero ano?
Ngayon mga sorsero, dito kayo masindak! Revealis Mortalicus!
Nagpakalat sya ng lilang usok at sa usok na yun lumabas ang mga tao. Lahat sila mapa bata o matanda ngunit kakatwa ang kilos nila dahil para silang mga buhay ng bangkay dahil mabagal ang kilos nila at nakayuko sila. Sinubukan kong basahin ang isip nila ngunit wala akong mabasa. Tila hindi umaandar sa ayos ang kanilang utak na parang wala sa mga sarili.
Ngayon tignan natin kung hanggang saan ang mga tapang ninyo. Mga mortal, alam nyo na ang inyong gagawin. Utos nito sa mga tao at sabay sabay silang tumayo ng tuwid at nanlisik ang mga mata nila na may bahid ng lila. Hindi maganda ito, mukhang nahypnotized sila!
Codex, codex, codex.. Yan ang sinasambit nila habang dahan dahan na lumalakad papalapit sa amin.
Nasaan na ang tapang ninyo? Yan kasi Mind, masyado kang mapagmalaki. Maaring kaya ninyo ako ngunit tignan nalang natin kung kaya nyo sila hahaha. Sambit ni Shadow habang tumatawa ng nakakainsulto.
Bakit mo sila dinamay dito Shadow?! Wala silang kasalanan sa hidwaan natin. Galit na turan ni Mound.
Bakit ba? Wala kayong pakialam. At isa pa, alam ko namang di nyo sila saaaktan hindi ba? Tugon nya kay Mound. Kinuyom ko ang aking palad dahil sobra na talaga sya.
Walang hiya ka talaga! Psyshock! Pagtira ko nang enerhiya ngunit biglang may humarang na tao sa kanya at sya ang natamaan.
Naku! Ang mortal! Mind mag ingat ka! Masyadong malakas ang kapangyarihan na naibato mo sa kanya. Nag aalalang paalala ni Mound sa kanya.
Hindi mo ako matatamaan nyan dahil ang mga tao mismo ang haharang dahil nasa ilalim sila ng aking kapangyarihan. Ngisi nya sa aming dalawa. Paano na ngayon? Mukhang nagtagumpay sya sa pagsindak sa amin ah.
Storm of Dust! Si Mound naman ay nag ipon ng maraming alikabok na may kasamang hangin at itinira nya ito sa mga tao. Mukhang epektibo dahil napuwing ang mga ito at may mahika din ang bawat alikabok dahil may enerhiya ito na maliit sa bawat paglapat nito sa katawan ng tao. Tutulungan ko sana sya pero naisip ko mga tao pa rin sila, hindi nila alam ang kanilang ginagawa. Kaya agad kong kinausap si Mound.
Mound, buhay ng mga mortal dito ang nakasalalay. Ibigay na natin ang hinihingi nya. Pakiusap ko sa kanya. Nagulat sya sa tinuran ko at hindi nya inaasahang sasabihin ko iyon.
Nahihibang ka na ba Mind? Kapag binigay natin ang singsing sa kanya, mas marami pa syang gagamitin ng mga buhay. Maatim mo ba yun? Pag konsensya sa akin ni Mound habang pagpapatuloy ng kanyang storm of dust.
Kaya ko nga ito ginagawa dahil hindi ko maatim na nasasaktan sila dahil sa mga kapangyarihan natin. Wala silang kinalaman dito at ayokong mapahamak pa sila. Alam kong hindi madali pero para sa ikakabuti. Giit ko sa kanya. Ilang saglit pa ay itinigil na nya ang storm of dust.
Ohh bakit ka tumigil Mound? Nagbago na ba isip nyo? Ibibigay nyo na ba ang nais ko? Sunod sunod na tanong nito. Bumuntung hininga muna si Mound bago nagsalita.
Alang alang sa mga mortal at kay Riddle, nanalo ka ngayon Shadow pero sisiguraduhin ko na mababawi namin sa iyo yan! Bakas sa mukha ni Mound ang pilit na damdamin habang iniaabot nya ang platinum ring kay Shadow. Nagalak naman si Shadow sa tuwa at naglaho na agad ito at nawala na rin ang kapangyarihan na bumalot sa mga tao.
Anong nangyari? Halos magkakasabay nilang sambit. Nagtataka sila kung bakit sila nagkumpul kumpol at pilit inaalala ang mga nangyari. Paumanhin mga mortal, kung alam nyo lang..
Halika na Mind, umuwi na tayo upang malunasan ko si Riddle. Salamat din sa iyo, kung hindi mo ako pinigilan baka nawalan na sila ng buhay. Pasasalamat nito sabay taas ng dalawang kamay at naglaho kaming tatlo

BINABASA MO ANG
Welcome To Riddle World(2nd Work of Bugtong Trilogy)
FantasyNgayon na alam na ng magkakaibigan na sila ay nasa panganib, kailangan nilang mapigilan ang kasamaan at panganib na paparating. Maraming tanong ang bumabagabag sa kanilang mga isipan at marami nang mga nasawi ngunit kailangan nilang harapin ito bago...