Pagbabago

17 1 0
                                    

Noong bata pa ako, ang buhay ko ay kay payak.

Hindi tulad sa ngayon, marami nang ginagayak.

Pero ano ba ang ang mas masaya, buhay ko noon o ngayon?

Katanungang aking dadalhin sa dako pa roon.

Hindi na maiiwasan ang pagkukumparaSa naging buhay ko noon hanggang ngayon.

Dahil sa pagbabagong hindi na maiiwasanDahil ito ang normal na takbo ng panahon.

Maraming beses nang nagbiro sa akin ang tadhana.

Pagbibirong muntik nang sumiraSa pundasyon ng aking pagkataoNgunit hanggang doon lang iyon.

Alam kong normal lang ang mga pagsubokDahil dito nalalaman kung gaano tayo katatag.

Kaya piliting maging matiyagaPara kahit papaano ay pwedeng magawa.Ipakilala ang sarili sa mundo

Sa mga magagandang gawainDahil wala namang nakikilala sa salita,Madalas ay tumatatak dahil sa kanilang ginawa.

Sabi nga nila, "Walang permanente sa mundo kundi pagbabago".  

Ang tanging magagawa ay makisabay patungo  Sa magandang hinaharap ng ating buhay

Na kahit sino man sa atin ay hinahanap. 

Marami akong natutunan sa lahat ng pinagdaanan koNa mahalaga ang bawat oras sa mundoAng mga gintong panahon kapag nagdaan,

Hindi na maibabalik magpakilanman. 

Ang buhay ko'y parang isang bukas na aklat;Ano mang makita mo ay siya mong makukuha.Pero huwag naman sana akong husgahan ng basta-bastaDahil sa napakarami kong pagkakasala.


Dati noon, akala ko'y kaya kong mag-isa.Hindi pala, kailangan ko ng tulong ng iba.Tulad ng tibay ng isang abaka,Wala ring lakas kapag-nag-iisa.


Ako ma'y umibig na at nabigo.At hindi ito dahilan para ako ay tumigilOkey lang naman na umaray

Dahil lahat naman tayo ay nasasaktan.



Kung tayo ma'y nakakaranas ng hirap sa ngayon,Matutong magtiis dahil alam naman natinNa ang mga taong nagtitiis sa hirapAy may ginahawang hinaharap.


Hanggang sa mundo ay hindi tumitigil,Huwag kang susuko at magbahag ng buntot.Dahil tayo ay may kasabihang,"Habang may buhay, may pag-asa".


Sa mga pagbabagong ito, hindi kailangang maging matigas.Dahil madaling bumaluktutin ang malambot.Utak ay laging gamitin dahil ito'y parang itak,Na sa habang hinahasa ay tumatalas.


Sa pagbabago, huwag kalilimutan ang nakaraanDahil maaari mo itong magamit sa kasalukuyan.Sa mga problemang kakaharapin pa,Madali nang malalampasan kapag napagdaanan na.


Ako, ikaw, at tayong lahat na nabubuhay dito sa mundo,Tayo lahat ang ang makakatupad ng ating mga pangarap.Huwag nang umasa sa magagawa ng iba,

Dahil tayo ay ang mga arkitekto ng ating kapalaran.



Pag - Ibig Poems and QuotesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon