Kabanata 7
Kendall/Veronica
Ilang araw na kong nagkukulong dito sa condo ko, ilang beses na sakin tumatawag si Direk Paul pero hindi ko sinasagot.
Pakiramdam ko wala akong gana makipag-usap kahit kanino. Pinuntahan na rin ako ni Kaye at Marck pero ang tanging sagot ko lang sa kanila ay tinatamad ako.
*Ah . . wanna baby . . *
Tamad akong bumangon sa aking kama at kinuha ang cellphone ko, sinagot ko ang tawag.
"Hello?"
"Veronica, where are you?!"
"Condo, why Kaye?"
"Pupuntahan kita, dyan ka lang." Bigla nito pinatay ang tawag. Ano ba yan! Araw-araw nalang siya pumupunta rito ah.
<Fast Forward>
Dumating si sa condo ko si Kaye saktong lunch, may dala itong pagkain.
"Kumain ka muna at mag-uusap tayo, tungkol sa career mo." Nilapag nito sa harap ko ang isang McDonald's at lumabas na ng aking kwarto.
Gutom na rin naman ako kaya kinain ko na. Pagtapos tulad ng sabi niya ay nag-usap nga kami.
"Anong meron sa career ko?" I asked.
"Hindi pa rin ba kayo nagkaka-ayos?"
"Sino?" Kunot noong tanong ko. Sino ba ang tinutukoy niya?
"Ms. Heaven."
"Pa'no mo siya nakilala?"
"Kay Crimmy at Johnny." She said.
Ano ba yan?! Kinakalimutan ko na nga si Heaven eh, tapos papaalala pa sakin ni Kaye. Kainis!
"Pwede ba wag mo idamay si Heaven tungkol sa career ko." Masungit kong sabi.
"Kung ako sayo wag kana mag-inarte dyan, simulan muna mag-isip dahil ang balita ko babalik na daw si Heaven sa america mamaya, ala syete daw ng gabi ang flight."
Shit! Parang maiiyak na naman ako, ganitong ganito yung naramdaman ko dati nung malaman kong umalis siya.
"Bakit sinasabi mo yan sakin?"
"Baka kasi gusto mo siya habulin, by the way aalis na ko pinsan. Ikaw ng bahala sa sarili mo. Bye!"
Lumabas na ito ng condo habang hawak ang bag niya. Tahimik akong nakaupo sa kama habang nag-iisip.
Heaven Point of View
"Ma'am akala ko poba next month na kayo uuwi? Bakit nagbago ang isip nyo?" Tanong sakin ng bodyguard ko.
"Basta, okay na ba yung ticket ko?"
"Yes ma'am."
"Good, cge makakaalis kana." Sabi ko rito.
Nagbow ito at lumabas na ng aking opisina. Bigla naman may pumasok, pumasok si Michifu kasama si Karl.
"Anong ginagawa nyo rito?" Tanong ko sa dalawa.
Naupo itong dalawa sa guest chair. "Heaven aalis ka na daw? Totoo ba yun?" She asked in a sad voice.
"Yes." I said.
"Kelan ang flight mo?" Karl asked.
"Mamayang ala syete." Tipid kong sagot.
"What?! Ang bilis naman ata." Gulat na sabi ni Michifu.
"May hinahabol ka ba?" Tanong ni Karl.
"Wala, gusto ko lang talaga umuwi na. Namimiss ko na ang klima sa america eh."
Ang totoo uuwi ako para makalimutan na si Veronica. Tutal wala na talaga eh, edi babalik na ko sa america. Wala rin naman dahilan para magtagal pa ko dito.
"Paano na si Veronica?" She asked.
"Oo nga, paano siya?" He also asked.
"Wala na, hindi magiging kami talaga. Tsaka masaya na ko na nakita siya muli, okay na ako dun." I said and smiled.
"Iba ka talaga. Goodluck sayo. Mag-iingat ka ah, pupuntahan ka ng barkada sa america kapag miss kana namin talaga." Karl said.
"Drama nyo!" Tumayo ako sa aking upuan at niyakap silang dalawa.
Maya't-maya nagpaalam na sila na aalis na dahil may work pa daw sila.
Iba na talaga, parang dati puro bar ang inaatupag namin. Mamimiss ko sila, mamimiss ko na naman yung presence nila.
Kung pwede lang wag umalis eh, pero kailangan eh. Nandun yung pamilya ko tsaka malay nyo, dun ko mahanap yung taong nakalaan talaga para sakin.
End of Chapter
Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter
BINABASA MO ANG
TNG BOOK2: Returning Love
Romantizm"I love you, Nasty Girl." They will be together?