Season 2 |X|>>#GlorienneJadenSilva (PART FIVE)
(cont..Glorie’s POV)
Four long years passed and Nico decided to come home. During that four years, wala kaming contact sa isa’t isa. Apat na taon kong tiniis na hindi kamustahin ang kalagayan niya doon. Miski kay Rex ay hindi ako nag-abala para tanungin kung anon a ang kalagayan. Mas pinili kong i-cut ang contact namin. I need to re-invent myself at piliting mag move on na.
I don’t know what to feel nang magkita ulit kami ngayon. Dahil may naging boyfriend na din naman ako habang wala siya, hindi ko na ngayon maintinidian kung bakit ko ulit siya kinontact para makipag-usap. Naging Masaya naman ako kay Warren at hindi ko alam kung bakit ngayong nasa harapan ko na naman siya ay para bang bumabalik lahat nang nararamdaman ko sa kanya.
“Hi,”
Tumango siya at humigop sa coffee na inorder niya. “It’s been years, yeah.”
“So how have you been?”
“Good,” ngumiti ako para matakpan ang kabang nararamdaman ko. Bakit ako kinakabahan? And sht bakit ang gwapo pa din niya? Parang walang nagbago sa apat na taon! “Glorie why do you want to talk to me?”
Tumaas ang kilay ko at uminom na din ng kape ko. “Why, masama bang makita ang father ng anak ko?”
Umismid siya at kita kong kumuyom ang palad niya na nakalagay sa lamesa. “Your son? When did you act out as his mother? No birthday presents, no greetings during Christmas, and now you call youself a mother?”
Tumango ako. I don’t feel the guilt that he wants me to feel. Technically, Rex is not my child. “Yes. Kaya nga gusto kong bumawi ngayon. Hindi lang naman ikaw Nico ang kailangan mag-ayos ng buhay. Inayos ko ang akin okay? I need to bring my life back on track.”
“And calling your son for his birthday will stop you from that?”
Ibinaba ko ang tasa nang marahas kaya may kaunting tumapon sa mesa. “I’m sorry okay? I-I don’t know how to be a mother Nico!”
“What do you want from me?”
Oo nga, ano pa ba ang kailangan ko sa kanya? Hindi pa ba ako nadala sa mga pasakit na naranasan ko sa kanya dati? Bakit ko pa siya hinahabol ngayon?
“Gusto ko sanang ilabas si Rex, I want some quality time with him.”
“Okay. Is that all?’
“Hey, ano bang minamadali mo? You just got back here,”
Tumalkipkip ako. Pinagmasdan ko siya habang walang emosyon siyang nakaupo sa harapan ko. He looked different but still he looked the same. Nawala na ang mga boyish feautures niya, lalaking lalaki na ngayon si Nico. Nawala na din ang pagkapilyo nang mga titig niya. Nawala na ang mga ngiti sa labi niya.
BINABASA MO ANG
Bad Girl For A Girlfriend (PREORDER of Self Pub version Ongoing!)
General FictionMagaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwanan siya ng kaisa-isang babaeng kanyang minahal. At ipagpalit sa kanyang matalik na kaibigan. ...