PILIPINAS ANG BAYAN KO, FILIPINO ANG WIKA KO
Sagana sa yaman sa silong ng langit
Pagkat kalikasan ay hindi nagkait,
Ilog, dagat, bukid, burol, bundok, yungib;
May biayayang handog sa lahing tumindig
Sagana sa punong sa bunga ay hitik
Mayaman sa minang nasa liblib-yungib;
Pagkain at hiyas dagat ang may hatid,
Ang matatabang lupa'y alay nitong bukid
Kay yaman ng bayang "hiyas ng Silanagan",
Bayang minumutya ng lahing matapang;
Ngala'y inaawit ng ibon sa parang,
Sa makata'y isang inspirasyong tunay.
Iyan ang bansa ko, bayang hinihirang;
Itinatangi ng ating kanunu-nunuan;
Sinadlak sa dusa nitong kasaysayan
Binago't itindig ng lahing matapang.
Prang ay dinilig ng maraming dugo
Ng pahihimagsik at pag-aalimpuyo;
Sa maraming kuta'y doon nangalugso
Ang puring malinis, mahina, maamo.
Buhay, kaluluwa ay nangasalanta
Matapos gupuin ng lupit ng digma;
Binyak ang puso't hinalay ang diwa
Lahi'y abang-aba sa lingkis ng sumpa.
At...dilim,banaag...nagbukang-liwayway…
Nahawi ang ulap sa langit-langitan;
Sumilay ang araw sa dakong silangan
Ganap na pag-asa ang nagharing-tiunay.
Ito ang bansa ko bayang nagbabangon
Sa pagkawakawak ng lisyang linggatong;
Muling itinindig ang wasak na muhon
Isang bagong bansa sumilang...sumlong!
Kalikasa'y muling naghandog ng yaman
Sa bayang ngayo'y pananagutan;
Muling nanagana ang lupang sakahan,
Ang dagat at bundok may biyayang taglay.
At dahil sa taglay na dunong ng tao,
Hinangad ang yaman, lakas, pangangaso;
Ugaling kanlurani'y diniyos nang husto,
Di bayan ang inisip, sarili ang sinino.
Ang dating tahimikna kapaligiran,
Ngayo'y nagulo't nagulumihanan;
Maging ang tahimik nating kalikasan
Sumubo ang galit, umanib sa bayan.
Ulang walang patid, kasunod ay baha
Nayanig ang lupa sa lindol na likha;
Sumabog ang blkang daming sinalanta,
Pa'no ang bayan ko, Diyos na dakila?
Manyari Pilipino'y walang unawaan
Walang kaisahan at pagmamahalan
Mangyari, ang wika'y di magamit man lang
Sa mga usapan at pagdaramayan.
Wikang Filipino, ito ang wika ko
Wika mo, wika nating Pilipino;
Landas sa hangaring pangnasyonalismo
Wikang itinangi, kababayan ma't dayo
Wikang Filipino'y sagisag ng laya
Sa pagpapahayag ng puso''y adhika
Ito ay kaaliw ng awit at tula,
Matapat na kasuyo ang tuwa'y pagsumpa.
Angkang pinagmula'y angkang Pilipino
Dugong Dumadalo'y, ugong Pilipino
Diwang nag-iisip, diwang Pilipino
Pusong tumitibok, pusong Pilipino
Ugaling marangal, ugaling Pilipino
Kilos at galaw ko'y kilos Pilipino;
Bayang Pilipinas, ito ang bayan ko,
Filipino ang wika, ito ang wika ko.