"7:30A.M." (short story)

169 3 0
  • Dedicated kay Regalado Mary Grace
                                    

A/N: Wala akong magawa kanina kaya eto bigla ko na lang naisipang gumawa ng short story. Namiss ko din kasing magsulat. Ngayon na lang kasi ulit nagka time e. Ewan ko kung magugustuhan niyo. hahaha pero if ever man, vote and comment na lang po kayo.

SALAMAT PO<3 ^_____^v 

“5:00A.M.”  

Nakagawian ko ng magjogging every morning bago pumasok sa opisina. Every night, bago ako matulog, sine-set ko na yung alarm clock ko ng 5am.  Pero madalas nauuna pa akong magising before pa tumunog yung alarm clock.

Tumayo na ako at inayos ang higaan saka nagbihis ng pang jogging.

Pagkatapos kong mag-ayos ay lumabas na ako ng bahay..

Nagjojogging lang ako kadalasan sa may village namin pero ang pinaka favorite spot ko ay yung park malapit sa village namin.

“7:25A.M.” sabi ko pagkatingin ko sa wrist watch ko sabay takbo papunta sa may park. 5mins at makakarating na ako doon.

“Sana nandoon siya ulit” sabi ko sa sarili ko habang tumatakbo papunta sa park.

Hanggang ngayon hindi ko pa rin alam kung ano ang pangalan niya. Hindi ko magawang kausapin siya o lumapit man lang sa kanya. Nakukuntento na lang ako na tignan siya mula sa malayo. Panoorin siya sa ginagawa niya.

Sa park ko siya unang nakita…at eventually nagkagusto ako agad sa kanya. hindi ko alam kung love at first sight na nga bang matatawag na iyon? basta ang alam ko lang…gusto ko siya.

“7:31A.M.” bulong ko habang hawak hawak ang dibdib ko sa sobrang pagkahingal dahil sa pagtakbo.

Napangiti ako ng makita ko siya. Nakaupo siya sa isang bench habang hawak hawak ang isang sketch pad at lapis.

Tuwing 7:30 ng umaga, pumupunta siya dito sa park para lang gumuhit. Halos tumatagal siya ng isang oras at kalahati sa pagdodrawing. Aaminin ko, para na nga akong  stalker niya e. Pero hindi ko kasi mapigilang hindi siya titigan. Napaka-amo kasi ng kanyang mukha..napakagwapo niya. 

Naging ganoon na ang sistema ko, tuwing umaga… ang magjogging at puntahan siya sa park para panuoring magdrawing.. Tinitiyak ko na hindi ako makakaabala sa ginagawa niya at hindi niya ako makikita kaya pumwepwesto ako sa may gilid ng malaking puno na may kalayuan sa kinauupuan niya.

“Kailan ko kaya siya magagawang lapitan?”

Yan ang madalas kong tanong sa sarili ko. Kailan nga kaya ako magkakalakas ng loob na lapitan siya at sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Okay lang kung hindi niya ako gusto, ang mahalaga masabi ko lang sa kanya yung nararamdaman ko. Natatakot kasi ako na dumating yung araw na hindi ko na siya makita sa park ng hindi ko man lang nasasabi sa kanya ang nararamdaman ko. Dahil simula ng makita ko siya sa park, siya na ang naging motivation ko para gumising tuwing umaga.

“Aamin na ako sa kanya bukas.” sabi ko saka ko muling sinet ang alarm clock at natulog.

-kinabukasan

“7:30A.M.”

nakarating na ako sa park. Halos madurog ang puso ko ng mapansin kong wala siya sa lugar kung saan ko siya laging nakikitang nagdodrawing…

naglakas loob na akong umalis sa pinagtataguan ko at puntahan ang bench na madalas niyang inuupuan.

ito ang unang pagkakataon na makakalapit ako sa lugar na iyon.  Naiiyak na ako dahil kung kailan nagkaroon na ako ng lakas ng loob na lapitan siya at sabihin ang nararamdaman ko para sa kanya saka pa siya wala.

Nagulat ako ng makita ko ang sketchpad at lapis niya sa may bench.

Pinilit ko pa rin siyang hanapin sa paligid pero WALA NA TALAGA SIYA. Naisip ko, naiwan niya siguro yung sketchpad sa bench. At mas lalo akong kinabahan dahil ito ang unang pagkakataon na naiwanan niya yung sketchpad dito sa bench. May nangyari kayang masama sa kanya? Sana okay lang siya..

Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para buksan yung sketchpad niya habang umiiyak pa din ako.

Ito yung unang pagkakataon na makikita ko yung laman ng sketchpad niya.

Nagulat ako ng makita ko ang isang pamilyar na mukha sa sketchpad niya

“P-paanong—“  

Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng marinig ang pangalan ko. Hindi ko inaasahan na siya ang makikita ko.

“Mea, nakita mo pala.”

“Mae?” at lalong lalo na ang tawagin niya ang pangalan ko.

“Kilala mo ko? P-paano nangyari yun? at yung mga picture dito, bakit—“

“Nakakahiya naman, nabuko mo na pala ako. haha. Sorry ha? kung ngayon lang ako nagpakilala sayo. I’m Mark and I…I..r-really like you, m-Mae.”  nagblush pa siya pagkatapos sabihin yun.

“Ha?”  

“I’ve been wanting to tell you this…I loveyou, Mae. gumigising ako ng umaga para lang makita kang magjogging tapos pupunta ako dito sa park para iguhit ka. Hindi ko alam kung paanong nangyari pero Dapat magtatapat na ako sayo ngayon pero nakalimutan ko yung sketchpad kaya bumalik ako para kunin. Hindi ko inaasahan na makikita kita dito. bakit ka umiiyak nung dumating ako?” pag-aalalang sabi niya.

“Mark, hindi mo alam kung gaano mo ako pinasaya ngayon. I’ve been wanting to hear you say my name, to talk to you just this close…but you give me more than that. I love you too.”

“Mae, I have loved you from a far and I won’t let that to happen again…I love you.”

>>>>THE END ^__^

&quot;7:30A.M.&quot; (short story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon