*Sapphire’s P.O.V.*
Malapit ng gumabi kaya naisipan na rin naming sumunod kina Essie sa loob. Atsaka mukha ring pagod na yung mga bata kakalaro dahil tahimik na lang silang nakaupo sa buhangin ngayon.
Yinaya ko na silang pumasok sa loob. Sumunod naman sila sakin. Si Den ayun asa tabi ko lang. Feeling ko nga naka Mighty bond na siya sa sakin. Di na umalis sa tabi ko eh. Hihi.
Pumasok agad sa kanya kanyang kwarto sina Phen, Cassie at Reika. Naisipan naman naming dumiretso muna sa Balcony kung nasan sina Rishi.
Asa may hagdan pa lang kami, naririnig na namin yung boses ni Essie, ngunit hindi namin ito maintindihan ng maayos. Anmeron?
“Ano ba kasi talagang nangyari sayo Rishi?! At paano ba napunta sa ganitong sitwasyon ang pamilya natin, ha?! “Galit na sigaw ni Essie.
Nanatili lang tahimik si Rishi. Diretso lang siyang nakatingin sakin. Sakin? Bakit?
Ilang sandali lang biglang nagvibrate yung phone ko. Someone’s calling. Kaya medyo lumayo muna ako sa kanila. Nagulat si Den, kaya ipinakita ko yung phone ko at tumango na lamang siya ngunit hindi niya tinanggal yung tingin niya sakin.
“Hello, baby? Why did you call? Did something happen? I miss you baby. “ I said when I answered the phone.
/”Baby? Nice. “/ I froze when I hear his voice. /”Oh, bakit natahimik ka? Namiss mo ba ko, my gorgeous wife? “/ Inilayo ko yung phone ko sa tenga ko at tiningnan mabuti yung screen. Then I saw my mom’s phone number.
“What did you do to them? “ I said coldly. Napatingin ako kay Den, and I realize lahat sila nakatingin na sakin.
/“Wala pa naman.”/ Iniloudspeaker ko na since nasa akin ang atensyon nila ngayon. /”Pero kung hindi mo sila mababawi until tomorrow midnight, Hindi mo na sila makikita forever. Haha. Bye. My gorgeous wife. “/ then the line went off.
*Rishi’s P.O.V.*
Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Dapat ko na bang aminin sa kanila ang totoo? Pero ayaw kong kamuhian nila ako. Anong gagawin ko?
“Rishi. Ikaw lang ang may alam kung saan to nagsimula. Sabihin mo na kasi, hindi ka ba naaawa samin? Nadamay na ang mga kaibigan ko. Ng dahil lang sa malapit sila sakin. “ Sabi ni Essie. I looked away. Hindi ko kayang nakikitang nasasaktan yung kapatid ko. masyado lang masakit.