Kristal na tubig

418 0 1
                                    

Sa malinaw na tubig ng ilog aynasisinagniya ang isang larawan ngkamusmusan.Kinalawkawniya ang tubig atnagsingsing-singsingang mumuntingalon...na nagpalabo sa larawan. Makailang saglit aynanumbalikangkatiningan,angnabulabogna tubig ay luminaw at muli niyangnasalaminangkaayaayanglarawan ng kamusmusan.

"Bakit, Itay?"anangisang tinig-angel na nagmumula sa musmos na mukhangnakakatangsa kaniyang balikat atnakatanawsa tubig. "Bakit, Itay, ang ating basong kristal, hinampas ko lang kahapon e nabasag na? Bakit ang tubig e hindi nabasag, ha, Itay?"

Ang musmos na mukha aypinupogniya ng halik.

"Talagang ganoon, Anak."

At si Tasio aynapangiti.

Dinampot niya angsagwan, ang kristal na tubig ayumalimbukaysa hampas nito, at ang bangka ay itinabi niya sapampang.Kinalongniya si Nene, marahanginilunsadattinuntonna nila ang landas na pauwi sa kanilangdampa'.

Ang mga kasinungalingan ni Nene, angsutsotng hangingnaglalagossa kakapalan ng mga dahon, at ang awit ng mga ibon ay hindi namapukawsa diwa ni Tasiong nawala sapagmumunimuni.Napakintalsa kanyang isipan ang kristal na tubig sa ilog, nakinasinaganniya sa isang larawan ng kamusmusan: sa mukha ni Nene.Napalimbagsa kanyang diwa ang musmos na katanungan ni Nene. A, ang kristal na tubig nga naman ay di nababasag, ni dinagkakalamat!

Isangmakahulugangngiti angnamilaylaysa mga labi ni Tasio, na wari'ypinagitawngpagbubukang-liwaywayng isang katotohanan.Hamakinnga nila nang hamakin,dustainna nga nila nang dustain si Nene...ngunit angdangalnito, angkawalang-malaynito, ay kristal na tubig!

Nakalapatna sa unangbaytangng kanilang hagdan ang kaniyang paa nang ang kristal na tubig ay lumabo atmaparamsa kanyangdilidili.Pagkapanhikng bahay ayhinubdanniya ng maruruming damit si Nene at sinuutan niya ng malinis. Sinuklayan niya, binigyan niya ng laruan, pinupog ng halik attinungoniya angbatalanna dala ang maruruming damit. Ang malalaki't magagaspang niyang kamay aykakatwangmalasinkungnagkukusotsa mumunting kasuutan ni Nene.Kung sabagayay malimit na hinihingi sa kaniya ng mabait niyang kapitbahay na si Tandang Berta ang maruruming damit ni Nene upang siya na ang maglaba, ngunit si Tasio ay tumatanggi.

"Kung buhay si Ninay ay ganito ang kaniyang gagawin," angnaibubulalasni Tasio kungpinapangatwirananniya sa kaniyang sarili ang pagtanggi niya kay Tandang Berta.

Pagkatapos niyang maglaba ayinatupagnaman niya ang mga gawaingkinagawianna niyanggampanan, ang mga bagay na"kung buhay lamang si Ninay ay siya rin nitong gagawin."Sinulsihanniya angmumunting damitni Nene, pati na ang dati'ymarikitna kasuutan ngmanyikangipinamaskong isangnarskay Nene nang nakaraang Pasko.

Kinagabihan, matapos niyang iligpit at hugasan ang kinanan nilang "mag-ama," ay naupo siya sa sahig, gaya nang kanyang kinagawian,sumandalsa dingding at si Nene ay iniupo niya sa kanyangkandungan.Sinakitniyang sariwain sagunitaang mga kuwentong malimit na ipinang-aliw nina Impong Teray at Apo Siano sa mga bata, mga kuwentongnauukolsa mga hari, mga prinsipe't prinsesa, mga hayop na nagsasalita, mga duwende, at sarisari pang dimatarokna mabuti ng kaniyang isipan...danganat"kung buhay si Ninay ay ganito rin ang kaniyang gagawin..."

Dumalang-dalangangpag-uusisani Nene, at ang kanyang musmos na mukha aynapapayukayokna sapagaantok. Si Tasio ay tumayo at si Nene ayipinagduyanniya sa kaniyangbisig. Ang mga kuwento aynahalinhanng mga awit na kagaya ng naririnig ni Tasio kay Tiya Sela kung ito'y mayipinaghehelengsanggol.Gumagaralgalang kanyang tinig, kung saan-saang himig napapatungo ang kanyang kanta, dangan at "kung buhay si Ninay ay ganito rin ang kaniyang gagawin."

Nang si Nene aynahihimbingna ayinihiganiya sabanignanakalatagsa kanilangsahigna kawayan.Matamanniyang minasdan ang musmos na mukha. Parangpinilaskay Ninay...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 20, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kristal na tubigTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon