Ugh! First day of school pero last first day ko na dito kasi graduating student na ko. Oo 4th year na ako and then, may transfers pa kami.
Introduction muna, my name is Sapphire Sanchez, medyo clumsy, ulyanin at matalino. Dagdag niyo pa ang pagiging maganda ko. Hehe, konti lang.
nandito na ko sa school, parang natetense na ko sa lagay kong 'to. Parang matatae na ewan, basta.
Ang una kong gawain ay tumingin sa bulletin.
Andami.
1.Arellano Leila
2.Chuaquico Melody May
3.De Guzman Jasmine Monique
4.De Guzman Joay
5.Dela Cruz Ian Madeleine
6.Dela Cruz Sheila Jane
7.Elip Daniella May
8.Hernandez Rey Andrea
9.Overa Danica
10.Perez Alyzza
11.Reyez Chrystal
12.Sanchez Sapphire
13.San Juan Althea
14.Teodoro Marjourie
15.Valera Wendy
P-pangtwelveth a-ako? Sht.
Tignan ko nga sa boys. And .... Haya! Pangthirty two si Sean— Teka, bakit ko hinanap sa bulletin ng boys? Tapos may kasalanan pa ko sa kanya.
*FLASHBACK*
"Guys! 2-2 na ang little heroes."pinost niya sa facebook. Inisip ko na nagyayabang siya kasi yun ang score nila sa liga.
"Who cares?"cinoment ko. Ganyan ang ugali ko sa kanya.
Then, ilang oras. Si Sean nagcomment, "Ganyan ka na ngayon. Kung ano ang sasabihin mo na ganyan, just shut up."
Talagang hate na hate ako ni Sean dahil nagkakacrush ako sa kanya. At oo, deads na deads na ko sa kanya. Masakit marinig na masasakit na salita dahil sa kanya.
*END OF FLASHBACK*
My tears start to fall from my eyes. Iniisip ko nanaman ang ginawa kong iyon. Gusto kong malimutan ang nakaraan. Past is the past, and I've just want to forget it. Ngayon taon lang nangyari, kaya ipinipilit kong makalimutan ang nangyari.
"Sapphire samahan mo k— bakit Sapphire? Why are you crying?"sabi ni Wendy.
"Ahh, w-wala. Napuwing lang ako."liar, nagsinungaling lang ako dahil ayokong malantad ang problema na idinadala ko.
"Liar, I know you. Kaya sabihin mo sakin ang problema mo."
"Ano kasi, may kasalanan ako. Kay..."
"Kay ano?"
"Kay Sean."
KRRIINNGG!
"Uhm, Wendy mamaya nalang tayo mag-usap."
"Oh sige. Let's go."
Derederetso lang papunta sa room then sinilip namin ang isang room ng 4th year, puro mga lalaki. Pero noong pumunta kami sa isang room ng 4th year. Puro babae naman, dito kami nabibilang.
"Hi Sapphire!"sabi ni Melody(no.2 in alphabetical order)
"Hello."sabi ko naman, at ang ibang girls nakatingin saming dalawa ni Wendy.