Outing, I Fell in Love
One Shot Story
written by: kira_ogura
~~~
Today is April 20, 2013. My most awaited day!!! YEY! Excited na ko!
"Papa naman! Ang bigat naman po nung bag na pinadala ninyo sakin! Palit tayo palit." sigaw ko habang nag-iintay kami ng jip papuntang AI Company (pinagtatrabahuhan ni papa).
Company outing kasi ito ng AI Company. Ako lang ang sumama kay papa kasi masyadong busy si kuya at mama. E hindi naman ako makapapayag na hindi ako sasama, kaya nagpumilit ako. Minsan lang magkaroon ng outing e. Libre pa. I really like swimming kasi.
"Hindi naman mabigat e. Kaya mo na yan. May padating na namang jip." sabi sakin ni papa.
Pagkasabi niya nun e tumigil na nga yung jip sa harap namin at sumakay na kami. Yung pinagtatrabahuhan ni papa, actually, malapit lang sa bahay namin, pero medyo malayo. Walking distance lang pero magjijip na kami kasi katanghaliang tapat ngayon at sobrang init!
"Oh ano? Wala ka bang nalimutan?" tanong ni papa. Pero hindi ko na siya nasagot kasi nanlaki na lang bigla ang mata ko sa nakita ko.
Andito na kasi kami sa AI Company, at ang kauna-unahang nahagip ng mata ko ay yung kahuli-hulihang taong gugustuhin kong makita ngayong araw. Tss.
Bakit ako naiinis? Sa totoo lang, isa sa mga katext ko ang taong yun. Friends naman kami e. Engkaso lang, nung huling beses na nakatext ko siya, may sinabi siya saking hindi ko nagustuhan.
"Papa, san ko po ilalagay itong gamit??" tanung ko kay papa.
"Dine, dine sa opisina. Diyan ka muna sa loob. May aircon diyan."
Dahan-dahan akong pumasok sa loob. Nakita ko dun si tita Analyn, mama ni ate Rie Anne na kaklase ng kapatid ko noong hayskul.
"Oh Lalaine, kumusta na? Ang laki mo na ah. Ang iyong mama at kuya? Hindi niyo kasama?" tanung niya sakin.
"Naku, busy daw po e. Kaya ako na lang po yung nakasama."
"Ah, ay siya, ibaba mo muna yang dala-dala mong gamit."
"San po pedeng ipatong?"
"Ayan, dyan muna sa table. Upo ka muna. Maya-maya pa tayo aalis at hihintayin pa natin yung iba."
Pinatong ko nga yung mga dala kong gamit sa isang table at umupo sa isang upuan na malapit dun.
May aircon na't lahat pero ang banas pa din. Anu ba naman yan.
---
Makaraan ng ilang minuto, binuksan ko na ang bag ko at kinuha ang dala kong yogurt. Isusubo ko pa lang yung isang kutsara ng yogurt nang bigla akong mapasimangot nung magbukas ang pinto at makita kung sino yung pumasok.
"Mama! Mama! Pahingi naman po akong pera, magpapaload lang ako!" sabi nung mokong kay tita Analyn.
"San ka magpapaload?"
"Diyan lang po!"
"O sya sya are o paloadan mo na din ako sa smart ha." Kinuha niya ang pera sa mama niya tas lumabas na ulit.
Bakit ba sumulpot pa yung isang yun? Tss. Ganda na ng mood ko e. Ayy! Oo nga pala. Nakalimutan kong magpaload. Magpapaload pa ba ako?
Hinanap ko yung cellphone sa bag ko pero hindi ko makita.
Wait, yung cellphone ko, san ko nga ba nilagay yu-WAAAHH! Patay, naiwan ko nga pala dun sa kama ko!! Waaahh! Baka mabasa ni mama.. yung text.. ni.. waaaahhh. Husay ako!!
BINABASA MO ANG
Outing, I Fell In Love (One Shot)
Teen FictionApril 20, 2013, outing namin. Andito ako para mahanap ang sayang makukuha sa pagsiswimming.. pero iba ang natagpuan ko.