🌹 Kabanata 3 💀

40.6K 1.5K 98
                                    

Ivory's POV

Unti unti kong iminulat ang aking mata,medyo malabo pa ang paningin ko ng maka adjust  ako ay napagtanto ko na narito ako sa hindi pamilyar na kuwarto pero Wow! I like it, no scratch that, I love it

Kulay black and grey ang kabuuan ng silid at maraming disenyong bungo rito,pati upuan ay may korteng bungo at kahit kisame may nakapainting na bungo na nagliliyab.

Pati headboard at sapin ng kama may disenyong bungo,lahat ng mga gamit rito at may disenyong bungo kaya halos magheart shape ang mga mata ko sa sobrang pagkamangha,creepy mang iisipin pero creepy rin naman ako eh.

Pero wait!nasaan nga ba ako?OMB!as in Oh my Bungo!nakidnap ako!! Pero ang walang hiyang kidnapper ko pinaglaruan pa ang dibdib ko bago ako mawalan ng malay,hayop sya!

Pinihit ko ang sedura ng pinto at mabuti hindi iyon nakalock,kung sinuswerte ka nga naman oh,inilusot ko ang aking ulo sa bahagyang nakabukas na pinto.

Bumungad sa akin ang isang tahimik at mahabang pasilyo na puro kulay pula,itim , grey at gold ang tema.

Lumabas ako ng kuwarto at tinahak ang napakahabang pasilyo  na ito, wala akong ideya kung nasaang lupalop ako ng bahay na ito basta napakahabang pasilyo ito at meron ding mga pinto sa gilid na kulay ginto.

Sa mga dingding ay may nakasabit na painting na puro digmaan,baril at bungo na may rosas ang tema.Ang kisame merong nakasabit na magagarang chandelier na nagbibigay liwanag sa pasilyong ito.

Natulos ako sa aking kinatatayuan ng bumukas ang isang pinto at lumabas ang dalawang binata,kambal na binata.Sabay silang napatingin sa akin at binigyan ako ng isang mapang-asar na ngisi.

"Look who's here,a very interesting young lady"sabi nung isa sa may kanan

"Mukhang naliligaw yata sya bro,tsk,tsk,pinababayaan yata ito ni Kuya Creed "sabi nung nasa likod.

Magkamukhang magkamukha talaga sila,pati galaw at pananalita ay parehong pareho.At pareho rin silang guwapo,teka sino ba itong mga ito?

"Si-sino kayo?Nasaan a-ko?"nagkakanda utal utal ko pang tanong,nagkatinginan lang silang dalawa at parehong napatawa na kinakunot noo ko.

"Well hayaan mo muna kaming magpakilala sa iyo,I'm Blade Cronus Deathrone and this is my twin Blaze Cronux Deathrone,the sons of Zerred Crown Deathrone, at your service "pagpapakilala nila sabay yuko pa.

Lakas rin ng tama ng dalawang ito,pero wait,Zerred Crown Deathrone? Yun ba yung kinakatakutang Mafia? OMB!

"Eh,ano ginagawa ko rito? Sino dumukot sa akin? "Tila nalilito ko pang tanong dahil hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari sa akin ngayon.

"Well naririto ka dahil gusto kang ipakilala bilang mapapang-asawa ng dumukot sa iyo,and that's our oldest brother ,Heaven Creed Deathrone "sabi ni Blade na may makahulugang ngisi sa mga labi nito.

Teka ano?mapapang-asawa?ako? At ano naman ang nakita nun sa akin at ako ang pakakasalan,baka malabo ang mata nun at di nya na makita na ang pangit pangit ko.

"Come with us,sasamahan ka namin sa baba para makilala mo na ang future in laws mo"sabi nung Blaze,well madali ko na la g mahulaan kung sino yung isa dahil si Blaze ay may nunal sa leeg,pero si Blade ay wala

Sinundan ko sila at pumasok kami sa isanh elevator, meron pa palang ganito rito,gaano kaya kalaki ang bahay na ito at......Pano ako makakatakas rito?yeah, ayokong magpakasal sa hindi ko kilala at ang masaklap sa anak pa ng kinatatakutang mafia . Kailangan ko ng makatakas sa lalong madaling panahon.

"Don't even think about it, dahil di kana makakaalis pa rito"sabi nitong si Blade na tila nahuhulaan kung ano ang iniisip ko.

"Blade was right,di ka nya hahayaang makaalia just like Dad,hindi nya pinayagang makaalis sa buhay nya si Mom,and hindi kita tinatakot pero iba si kuya kapag nagagalit"tila nagbabanta pang sabi nitong si Blaze na kinatayo lahat ng balahibo ko sa katawan.

Tumunog na ang bell hudyat na narito na kami sa ibaba,kung maganda sa taas mas maganda rito sa ibaba dahil napakalaki ng bulwagan rito.Meron ditong isang magarang hagdan na kunektado yata sa second floor pero meron ding elevator para mas madali na lang ang pag-akyat.

Sa gitna ay merong isang malaking chandelier na lubhang napakamahal,meron ding dalawang pinto na kulay gold papunta sa labas at sa harap nito ay merong isang napakagandang fountain na kulay gold rin.

Dumeretso kami sa may kanan at papunta pala ito sa sala,napakagandang sala.Meron itong pulang carpet at ang kulay ng sofa ay itim at gold.

Pero dumagundong ang kaba sa dibdib ko dahil sa lalaking nakaupo sa pangisahang sofa habang nagbabasa ng newspaper.

Mukhang nasa 40 lang edad nito at mababakasan mo ng autoridad ang buong pagkatao nito,may pagkakahawig ang itsura nya sa kambal,natural ama nila ito eh,Oo nasaharap ko ngayon si Mr.Zerred Deathrone ,ang  kinatatakutang mafia lord.

"Hey dad!"tawag ni Blade sa kanyang Daddy kaya napatingin ito sa gawi namin bago napatingin sa akin,halos sunod sunod ang paglunok ko dahil sa kaba.

Napayuko naman ako dahil hindi ko kayang titigan ang mga mata nitong parang kinukuha ang kaluluwa mo at hinahalukay ang pagkatao mo.

"Sya na ba?"tanong nito sa baritonong boses kaya maslalong nanglamig ako dahil sa kaba.

"Yes Dad,nakita namin syang pagala gala at nagtatangkang tumakas "sabi ni Blaze kaya umangat ang ulo ko at tinignan ito ng masama,kinindatan naman nya ako

Naglilibot libot lang ako kanina no at hindi ko pa pinaplanong tumakas kanina,ipapahamak pa ako ng kumag na ito.

Bigla namang natawa si Mr.Zerred bago kami tinignan ulit,kita sa mata nito ang pagkaaliw sa mga nangyayari ,alam ko na  kung kanino nagmana ang dalawang ito.

"Well alam nyo namang wala pang nakakatakas sa poder ng mga Deathrone, lalo na kung pagmamayari nila diba"makahulugang sabi nito bago muli akong tignan.

Inaya kami nitong umupo kaya sumunod nalang ako baka magalit pa sila,inumpisahang ininterview ako ni Mr.Zerred.

"So iha,ano ang buong pangalan mo?at ilang taon kana?" Tanong sa akin nito na sinagot ko naman agad.

"Um,ako po si Ivory  Clorothea Killver, 20 years old po"sabi ko.

"Ah,Killver pala ang last name mo,I know your father, isa sya sa empleyado ko noon "sabi nito.

Bigla namang nagpintig ang pandinig ko dahil sa sinabi nya,kung ganun kilala nya ang Daddy ko?

"Wow,akalain mo magkakilala pala sina Dad at Daddy mo"sabi sa akin ni Blade at inakbayan pa ako ng dalawang ito  pero dumagundong ang isang baritonong boses mula sa likod ko.

"Get off your filthy hands on her!!!!!!!"sabi nito,napatingin naman ang kambal at ang dad nya sa likod ko.

"Hi Kuya Creed!"bati nung kambal,teka si sya na ba yung kidnapper ko?at mapapang-asawa ko?OMB!!!!

Mafia's Scary Wife ( Deathrone #2 UNDER REVISION) Heaven Creed DeathroneTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon