Irish's POV
Tumunog ang buzzer hudyat na tapos na ang makapigil hiningang laro. Nagsitilian naman ang mga taga suporta at ang iba ay kinanta na ang chant ng Lasalle.
"And the Lasalle Green Archers extended our finals series!!!"
Panalo ang Green Archers, 92-83. Ibig sabihin nito ay meron pang game 3 kung saan dun na talaga malalaman kung sino ang tatanghaling champion this season.
Nakita ko ang matinding tuwa sa mukha ng mga archer. Nagtatatalon ang ilan habang nagyakapan naman ang iba. Dahil doon ay nanumbalik nanaman sa akin ang memorya ng nakaraan.
Parang ganitong ganito rin yun. Panalo sila at hindi ko mapigilang magsisisigaw at magtatatalon sa tuwa. Naalala ko pa noon kung paano niya ako tignan pagkatapos ng laro nila. Kung paano niya ako yakapin nang mahigpit kapag nasa duggout na kami. Kung paano niya sabihin sa akin ang mga katagang, "Thanks for being my strength and inspiration."
Sa lahat ng panalo o talong laro niya, I was there to support him. I was his cheerleader. Hindi man ako ang pinakamalakas na sigaw sa bawat laro niya, ako naman ang pinaka nagmamahal na babae sakanya. I know it's cheezy, but it's true.
Sa ngayon, ang tanging magagawa ko lang ay maging masaya para sakanya.
Congrats, Ricci.
Huminga ako nang malalim at saktong napadako ang tingin ko kay Ricci. Abot tenga ang ngiti niya habang kausap ang isang babae. Sa pagkakatanda ko ay siya ang personal assistant ni Ricci na si Nicole.
"Halika naaaa, tapos naaaa." pakantang sabi ni Natalie. Alam kong nahuli niya akong nakatingin kina Ricci kaya kinuha niya ang atensyon ko. Tumingin naman ako sakanya at nakangiting tumango.
"Saan tayo kakain?" Tanong ni Xandy habang naglalakad kami palabas.
"May alam akong--"
"Irish!" napatigil kami sa paglalakad at nilingon ko kung sino ang tumatawag sa akin. I saw Brent Paraiso running towards us.
"Brent!" masaya kong sigaw. Nagulat ako nang salubungin niya ako ng yakap. "Congrats!" masaya kong sabi pagkahiwalay namin.
"Mmm.. Thanks! Ang lokong Andrei di sinabi na pupunta ka. Nasorpresa tuloy kami!" matawa tawa niyang sabi.
Lumingon siya sa mga kaibigan ko at binati ang mga ito. Bumati pabalik si Natalie habang si Xandy naman ay inirapan lang siya. Imbis na magalit ay natawa lang si Brent sa inasta nito dahil sanay na siya.
Naramdaman ko naman ang mga nanunusok na tingin ng mga tao sa paligid namin. Hindi ko maiwasang mailang at alam ko na kahit ang dalawang babae kong kaibigan ag ganoon din ang nararamdaman.
"Girlfriend ba siya ni Brent?"
"Sino siya? Ba't parang close sila? "
"Di siya familiar."
Mukhang napansin naman ni Brent na medyo naiilang na ako kaya naman niyaya niya kami nila Natalie at Xandy sa duggout nila. Naglakad kami papunta roon habang panay ang kaway ni Brent sa mga fans niya.
"Availabe ba kayo girls? We'll have a dinner party later." sabi ni Brent habang naglalakad.
"Hindi ako pwede eh. Kailangan ko na ring umuwi after nito." mahinahong tugon ni Natalie.
"Same here. May lakad pa ako." wika naman ni Xandy na abala sa cellphone niya.
Lumingon sa akin si Brent at parang sinasabing ako nalang ang pag-asa niya.
BINABASA MO ANG
You're Still The One || Ricci Rivero
FanfictionA not so ordinary love story of Ricci and love of his life, Irish.